Chapter 12: ♥

138 22 5
                                    

Chapter 12

Mary Anne's Pov:

''Manong sa tabi nalang po.'' sabi ko kay manong driver

Sabado ngayon kasi dinischarge na si mama sa ospital.Nung mga nakaraang araw ganun parin Niloloko parin ako sa School. Kami naman ni Xian ganun parin Aso't pusa -.- kelan pa ba nagbago yun?

Inalalayan ko si mama bumaba sa tricycle at inabot ko yung bayad kay manong at nagpasalamat

Nagulat kami ni mama ng pumasok kami sa bahay. Gulo gulo ang mga gamit at sobrang kalat

''Anong nangyari dito anak?'' napatulala nalang ako at dali dali akong umakyat sa taas at pumunta sa kwarto ko.

Binuksan ko agad yung taguan namin ng pera ni mama pero kahit singkong duling wala akong nakita pati narin yung kwintas kong binigay ni papa wala na rin.

Hindi pwede yung mawala. Yun nalang ang natitirang alaala ni papa sakin at nung binigay niya saakin yun ang sabi nya saakin kahit ano daw ang mangyari wag na wag ko daw yun iwawala maiintindihan ko daw kung bakit sa tamang panahon.

Napaupo nalang ako sa sahig at umiyak

Grabe naman lahat ng pera namin wala na! Lintik na magnanakaw yun parehas din naman kaming mahirap pero ninakawan parin kami!

Hindi ko na alam ang gagawin ko may sakit si mama kaylangan ko ng pera para sa pang araw-araw na gastusin

Naramdaman kong may yumakap saakin

''Tahan na anak..... Hayaan mo magsisimula ulit tayo. Magtatra---'' hindi ko na pinatapos si mama sa kanyang pagsasakita

''Ma. Hindi ka magtatrabaho! Ako na po ang bahala..'' sabi ko kay mama

Nagulat kami ng may narinig kami sa baba

'' Ma. dito ka lang ako na po ang bababa..'' sabi ko at kinuha ko yung walis namin

Nanginginig akong bumaba sa hagdanan. Jusko po! Wag naman po sanang magnanakaw nanaman ulit ito.

Pagkababa ko may nakita kaagad akong lalaking nakatalikod kaya naman mabilis pa sa alas kwatro kong hinampas yung lalaki.

''Lintik kang magnanakaw ka! Hindi pa ba sapat yung kinuha mo sa amin ha?!'' sabi ko at pinaghahampas ng walis tambo yung magnanakaw

''Sh*t!! What the?!?' Aray!Aray! Masakit! ano ba?!?!!!'' sabi nung lalaki at humarap siya saakin

S-siya???'!!?!

Luke's Pov:

Nandito ako sa chooks to go bumibili ng Chicken. Naisip ko kasing puntahan si Anne-Anne eh.

Yeah. I call him anne-anne pangasar sa kanya hahahaha saka ang tawag niya saakin ay Gab-Gab sabi nga wag niya akong tawagin na gab-gab pero pag di daw ako pumayag Lu-Lu daw ang itatawag saakin.

Akalain nyo un? tawagin nya akong lulu? sa gwapo kong ito? Kaya no Choice ako Gab-gab ang tawag nya sakin alangan namang Lulu diba?

Binigay na saakin yung order ko nung babae. Tsss. pacute pa si ate eh pero sanay na ako GWAPO eh. Hirap talagang maging gwapo tsk tsk. Nung nagpasabog kasi ng kagwapuhan ang Diyos sinabot ko lahat. Yan tuloy daming nababaliw sa kagwapuhang taglay ko.

Pinasalamatan ko siya saka kinindatan ko ganun talaga. ''Ang tunay na gwapo isang kindat mo lang pamatay na'' wala eh gwapo ako hahahahaha

------

Pumasok ako sa bahay nina Anne-anne kasi nakabukas yung pinto.

Nakita ko na ang kalat. Mga bangko ay gulo-gulo at yung mga picture frames basag basag

Bigla akong kinabahan. Ano kaya ang nangyari dito?

''Mary Anne!!!!'' sigaw ko pero walang nasagot pumunta ako sa kusina pero walang tao dun ng biglang may humampas saakin ng malakas

''Sh*t!! What the?!?' Aray!Aray! Masakit! ano ba?!?!!!'' at humarap ako at hinawakan ang walis.

Nagulat ako dahil si Anne-Anne ang humampas saakin. Nanlaki naman ang mata niya kaya binitawan ko na yung walis.

Tiningnan ko ulit si Anne-Anne pero nakanganga siya hahahahaha

Laughtrip!!! hahahahaha.Mapagtripan nga

Kinuha ko kaagad yung iphone ko at saka kinuhaan siya ng picture

*Click!*

Bigla naman siyang natauhan kaya pinag hahampas hampas niya ako

''Ano ba! Aray anne-anne!!''

''Waaaaa!!! Erasin mo yan!!!'' sigaw nya saka pinagpapalo-palo parin niya ako

''Oo na!! Aray!!'' tumigil na siya sa pagpapalo

''Bat mo ba ako hinahampas?! kawawa naman ang precious muscles ko sinaktan mo sila!'' pagbabago ko ng topic para hindi nya maalala yung picture hahahaha Talino ko talaga!

''Muscle?! Asan diyan? Ang payat mo kaya!'' sabi ni saakin

'' What the?! Ako payat?! Alam mo madaming mga babaeng naglalaway para mahawakan lang ang precious muscles ko''

''Pake ko sa muscles mo? Totoo naman na payat ka. Nga pala anung ginagawa mo dito aber?'' tanong niya saakin at nakapamewang

''Mambubulabog? Ano bang nangyari dito anne-anne? baki ang gulo-gulo dito?'' sabi ko at naglakad sa living room nila saka inayos ko ung parang narra type na sala set.

''Napasukan kasi kami ng magnanakaw gab-gab eh. Wala na ngang natira kahit singkong duling samin eh. Di ko alam ang gagawin ko kung saan ako kukuha ng pera ngayon pa na may sakit si Mama '' sabi niya saka tumungo siya

Ano kaya ang maitutulong ko sa kanya? ahmm....

Isip

Isip

Isip

Isip

Ting!

Nakaisip ako ng poging plano! Di ba dapat magandang plano yun? kaso pogi ako kaya ponging plano.

Ngumiti ako kay Anne-anne at sinabing ''Tutulungan kita!''

Kianna's Pov:

Nandito ako ngayun sa room ko wala akong magawa eh. Nagtataka ba kayo kung bakit umalis ako nung dumating si Luke??

Ganto kasi yun may ka ''M.U'' ako kapatid ni Luke na si Andrei Luis nahihiya kasi ako eh.. Hindi pa kasi ako nakikita ni andrei sa personal sa ''text'' lang kami nagkakilala .Gusto niya ngang magkita kami pero hindi ako pumayag nagiisip palagi ako ng palusot ''kesyo ganyan,ganito'' para hindi kami magkita natatakot kasi ako.

Natatakot ako na masaktan ulit mas maigi pang hindi kami magkita kahit Fb.Hindi nya pati makikita ang mukha ko dun kasi Tweety bird lang naman ang profile picture ko. Astig noh? naging ''M.U'' kame kahit hindi niya ako nakikita pero ako nakita ko na siya sa ''Fb'' isa lang ang sinabihan ko tungkol dito si Cassandra lang

One time nga na sabi niya na ipapakilala niya ako sa magulang niya pumunta daw ako sa Japanese Resto pag hindi daw ako pumunta magkalimutan na daw kami. Pumunta ako dun pero hindi rin ako nagpakita umalis kaagad ako.

Hanggang ngayon di na niya ako tinetext hays. Kaya nahihiya ako kay luke.

Binuksan ko ang Fb ko at tiningnan yung profile niya nakita ko yung post niyang picture may kasamang babae at nakita ko yung description na nakalagay

''At last nakita rin kita kianna''

------------------------------------------------------------

Intense! XD Yeah boy! anu kaya ang tulong na sinasabi ni luke? whooo!!! kianna ang love story mo! XD hahahahaha Maganda din b ung Kay Kianna na love story? Nga pala Bukas ulit ako mag uud para maganda hahahahaha XD

Vote,comment and be my fan :D

Wanted Sweetheart ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon