(Pagkatapos ng isang meeting…)
“Mr. Bernardo!”
Lumingon ako. “Yes sir?”
“That was a nice performance there.”
“Thank you sir.”
“But I don’t tolerate NICE, I prefer PERFECT or GREAT.”
Wala akong masabi.
“I think you need more effort. At ahh sa tingin ko you might need help. A help from Mr. Keith Legaspi.”
“Keith Legaspi?”
“That’s right. Mr. Legaspi. I’m sure you’ve met him already.”
“Ahh yes sir. He’s our supervisor sa department namin.”
“Well then, you know what to do.”
Tumango at ngumiti lang ako.
Ako si Dar, empleyado ako sa isa sa mga resort ng F & Z Group of Companies. Magsi-6 months palang ako dito kaya medyo hindi ako gusto ng mga office mates ko kaya minsan, nahihya akong kumausap sa kanila informally. Pero siguro naman one day, magugustuhan na nila ako at hindi na ganito ka-awkward.
“Boss!”
Pagkapasok ko sa office, tinawag ako ni Fred.
“Oh Fred?”
“Boss.. Ahh… Birthday ko kasi. Gusto ko sanang imbitahin ka sa party mamaya.”
“Talaga?” Tanong ko habang naka upo na sa cubicle ko. “Nako Fred sure ka ba na magiging okay ako dun kung sakali?” Tawa ko.
“Boss naman…”
“Tsaka bakit ba hanggang ngayon, boss pa rin tawag mo sakin? Eh sinabi ko na ngang magkasing level lang tayo ng posisyon dito sa resort.”
“Eh boss.. ganun talaga. Idol ko kayo eh!”
Tumingin ako sa kanya.
“Kasi tingnan niyo ah. Kahit ganyan mga tao sayo dito sa office, hindi ka pa rin gumagawa ng kahit na anong kasamaan laban sa kanila.”
Napatawa at iling lang ako.
“Alam niyo boss, inggit lang sa inyo yang mga yan. Biruin mo naman kasi, lahat ata ng empleyado dito sa office o kahit sang parte ng resort eh kinikilig ho sa inyo lalo na pag nginingitian niyo sila. Eh paano na yan pag kinausap o niyakap mo na no boss? Eh di nahima-himatay na nang ilang beses?”
“Fred! Hahahaha. Sige na. Sige na. May gagawin pa ako, text na lang kita mamaya kung makakapunta ako.” Nginitian ko.
“Oh sige boss, tapusin ko lang gawain ko ah? At nang makauwi na nang maaga.”
“Ay Fred, happy birthday pala pre!”
Binigyan ko siya ng High-5 at kami’y nagtrabaho na.
*Makalipas ang ilang oras. Sa bahay nina Dar…*
“Good evening La!” Beso.
“Good evening rin hijo.”
“Naks naman ang lola ko oh. Bagets na bagets sa attire ah!”
“Aba siempre. Ayoko namang pagsabihan akong nahuhuli sa fashion. No. That’s just not going to happen.”
“Lola talagaaa. Haha! Oh eh did you eat na ba?”
“Oh yes yes apo. How about you? Kumain ka na? Kung hindi pa eh you go to Yaya Daisy o kaya si Yaya Ona.”
“Yes La. Mamaya na konti, pagod pa ako eh.”
BINABASA MO ANG
Rumors Just Got Real
RomancePaano kung ang isang artista ay guguluhin ang iyong tahimik at normal na buhay? Paano kung dahil dito, ay malalaman ng mga tao kung sino ka talaga? Who is Dar Bernardo and who is this top celebrity that he'll meet on his journey in his way of achiev...