“DAR?! Dar Bernardo???” bigla akong nasigaw.
“Ikaw ba si Chandria? Ay wait, ano na ulit? Chandria Na… Navo… Navot…”
“Navarrete! Chandria Navarrete!”
“Yun! Teka, paano mo nga pala ako kilala? Ay…… Psh. Hahaha! Ikaw ba yung sa parking lot? Anong ginagawa mo dito eh, pang artista lang ata tong event na to?”
“Bat ikaw? Bakit, artista ka ba?”
“……….. Hindi. Eh ikaw?!”
POKER FACE. Nang dahil sa nonsense ang tanong niya, pinasakay ko na lang siya. NO CHOICE EH!
"Eh... Paano mo pala alam pangalan ko?" tanong nitong lalaking to.
Hindi ko alam kung bakit pero naiinis ako dito. Ewan ko kung nagmamang maangan ba o nagpapacute o talagang may memory gap lang. Kaya wait nga, labas ko nga yung binigay niya.
"Eto ba hindi mo naalala?" hinarap ko nang maigi ang calling card niya.
Nilabas ng binata ang kanyang wallet at may inuha dito.. “Oh ito Miss, calling card ko po yan. Diyan sa mga number na yan mo na lang ako i-contact.”
"Ahhhh! Oo nga no."
"Ha." Tumingin ako sa kanya ng maigi. "Seryoso ka ba talaga o niloloko mo ko? HIndi mo talaga ako kilala?"
"Siempre noon, hindi. Ngayon, oo. Di ba nga ikaw si Chandria Navarrete kamo!"
Aba eh sabog yata tong lalaking to no? "Ano ba feeling mo kuya? Ha?! Ikaw si Do Min Joon?!"
"Do... Do Men ano? Sino yun?"
"Do Min Joon! Si Matteo Do sa tagalog dubbed ng My Love from the Star."
"Alam mo, kung palabas man yan sa TV o ano.. hindi ko alam yan. Kasi hindi ako nanonood ng tv."
"Eh bat di mo man lang ako kilala?!"
"Sikat ka ba??!!"
Aba hinayupak nga naman. "Excuse me? Eh yung lolo nga nun guard sa village namin, kilala pa ako eh! Ikaw pa kaya?!"
"Eh hindi nga kasi ako nanonood talaga ng telebisyon. Ano ba problema mo?"
"Dyaryo?! Di ka nagbabasa?! Internet?! Di ka updated?!"
"Bat ka ba nagagalit?! Pwede bang kumalma ka at magtanong ng maayos?"
"Nakaka-stress." sumandal ako sa upuan.
*Biglang kumatok si Manager Brent*
"4 minutes!" sabi niya. "Get Chandria ready, Trixie."
*After 4 minutes, bumaba na nga sila.*
(Dar escorting Chandria..)
Habang naglalakad sila sa carpet, sa bandang dulo ay may mga press na nakaharang.
"So Chandria, totoo nga ang usap-usapan." sabi ng isang naginterview.
"Yes. And because of that I'm going to stay for good." sabay ngiti.
[Dar's POV]
So artista pala siya.. Ang hirap nga naman nang ganito oh. Under quarantine pa rin for 6 years. Pero since wala naman talaga akong alam inside showbiz o kahit ano man na nasa tv, hindi ko pa rin naman siguro malalaman kung sino to.
Bata pa lang ako, pinapasok na ako ng Daddy ko sa isang private school. At kapag sinabing private, private talaga. Wala kang ibang gagawin kundi mag-aral.. Mag-aral ng mag-aral. 15 years ako sa school na yun sa England, kaya pagdating ko sa pinas, wala akong masyadong alam sa pakikipag salamuha sa ibang mga tao. Nakakanood naman ako siempre ng tv that time pero nang nangyari ang isang insidente, nagbago ang lahat. Inilayo ako ng tuluyan ng daddy ko sa mga tao. Ipinagkait niya sakin ang apilido niya. At sabi niya sakin, kailangan ko pa raw patunayan ang sarili ko sa kanya bago sa ibang tao. Binilhan niya ako ng bahay at binibigyan ako konti ng allowance every month. Pero dahil sa ayaw ng lola ko yung ginawa sakin ni Daddy'ng yun, binawi niya ako kaso wala siyang nagawa sa pagbawi ng buo kong pangalan.
BINABASA MO ANG
Rumors Just Got Real
RomancePaano kung ang isang artista ay guguluhin ang iyong tahimik at normal na buhay? Paano kung dahil dito, ay malalaman ng mga tao kung sino ka talaga? Who is Dar Bernardo and who is this top celebrity that he'll meet on his journey in his way of achiev...