Chapter 1 - Meet the Artista

190 5 7
                                    

“Ugh! Nakakainis! Akalain mo, binuhusan ba naman ‘tong BRIBE Limited Edition Shoes ko! At isang antipatikong hit-and-run na lalaki pa yung gumawa nito ah! If she’s a girl lang talaga then I would really think na insecure lang siya sakin. Pero wait. Baka gay siya? OMG!! Gay siya!! Sure na, gay talaga yun!!”

Siya si Janica. Artista, kilala sa Pinas at pati na rin sa South Korea at Thailand. Kilala rin siya ng mga tao hindi bilang Janica kundi bilang, Chandria Navarrete.

“Janicaa.. Tama na. Ayan ka na naman sa mga rants mo na yan eh. Pabayaan mo na. And besides you can get another one pa naman eh.”

“Ah? Excuse me? Limited edition nga ‘to di ba? This was the last one na nga yata nun eh.”

“Eh di ipatanggal mo yang correction fluid sa shoes mo. Is that so hard ba?”

“Grabe. You don’t really get it. Ugh never mind na nga lang. Sige ate, I’ll go upstairs na to get ready. What time ba kami aalis?”

“I’m not sure eh. Ikaw yung may appointment diyan, ako ‘tong tinatanong mo?”

“Hay nako! Oh sige, basta ate sabihin mo lang na andito ako sa taas para they’ll wake me up na lang. Thanks!”

*An hour ago*

(Chandria talking with someone over the phone while walking at the parking lot…)

“Yes po sir. Right now I’ll have to go home pa po to take a rest. Para hindi po ako antukin mamaya sa event o ano hehe.”

Habang nagsasalita siya, may nakabangga sa kanyang binata.

“Ah!” gulat niya.

Unfortunately, may natapon mula sa pagkabangga nila sa isa’t isa. Pagkatingin ni Chandria, may color white na natapon sa shoes niya.

“Ano ‘to?!” pag-aalala sa shoes.

“Ahhh yung correction fluid, natapon.”

Napatingin ang lalake, “Miss, sorry! Sorry talaga miss..”

“Ugh!” tumingin naman din siya. “It’s okay.. It’s… “ Huminga siya konti. “Pero Kuya, next time wag ka sanang aanga-anga. Alam mo ba kung magkano at gaano kahalaga ‘tong shoes kong ‘to?!”

“Ahhh… Miss sa tingin ko naman, makakakuha ka pa naman po  niyan. Atsaka, correction fluid lang naman po yan, matatanggal din naman yan pag nalinisan.”

“Kuya seryoso ka ba? BRIBE to. Regalo pa sakin to ng…”

“Miss actually nagmamadali ako eh. May meeting po kasi ako. Sige ah.”

Nagmadaling naglakad papaalis ang binata.

“Hoy kuya!” Sumunod si Chandria. “Ano to? Ganito na lang to? Basta basta mo na lang ba pababayaan at iiwanan ng ganito tong atraso mo sakin?!”

Nilabas ng binata ang kanyang wallet at may kinuha dito.. “Oh ito Miss, calling card ko po yan. Diyan sa mga number na yan mo na lang ako i-contact.”

Pagkakuha ng dalaga ang card, hindi niya namalayang nakapasok na pala sa elevator ang lalake.

Nilagay naman ni Chandria ang calling card sa bag ng hindi tinitingnan o binabasa. Nagmadali din itong pumunta sa may kotse niya at sumakay.

“Antipatikong yun!”

*4 hours later*

“Ja.. Chandria… Wake up. Wake up naaa. Gising na Chandriaa.”

“Hmm…”

“Andito na sila Manager Brent.. Gising naa.”

“Hmm mamaya paa. Antok pa ako.”

Rumors Just Got RealTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon