New School and New bullies

433 10 0
                                    

Alice's P.O.V

Hi Ako nga pala si Marsha Faye Alice Sarmiento. Ang dakilang Nerd ng L Academy. Weird ng name noh? Pero ngayon na 4th year high school na ako. Nandito ako sa bago kong school. Ang Pennington Academy a.k.a P.A. 

Nandito ako ngayon sa upuan ko nakaupo habang hinihintay ang mga classmates ko. De joke lang, nasa school gate ako ngayon. At alam niyo ba na isa na akong Anghel? kasi nung dumating ako natahimik bigla ang kaninang maingay pa sa maingay na academy.

Lahat ng babae nakatingin sakin na parang nandidiri, ang mga lalaki naman ay parang namatayan ng mahal sa buhay sa sobrang lungkot. Nalungkot siguro kasi akala nila ang transferee ay isang hot,gorgeous, and sexy na babae, or di kaya lalaki.

Himala! at walang bulungan. Dati kasi sa L Academy, sobrang ganda ng Welcome nila sakin. As in. Pano ba naman, pagpasok ko sa loob ng Academy, pinagbabato agad ako ng bulok na itlog. Tapos nun nagbihis ako. Pagpasok ko naman sa classroom may nakalagay pala na tubig sa ibabaw ng pintuan, kaya nabasa ako. Wala man lang nagbigay sakin ng extra na uniform,kaya napilitan nalang ako umuwi nun.

Nagpatuloy ako sa paglalakad ng may nabunggo ako.

"Watch where you're going Nerd!"sigaw ng isang gwapong lalaki sakin.

Di ko nalang siya pinansin at nagpatuloy sa paglalakad. Gwapo siya tapos matangos yung ilong,maputi,makinis ang balat, pero ang ugali parang may PMS palagi, galit na galit kanina eh.Well minsan lang siguro.

Pumasok na ako sa classroom, and again natahimik sila. Anghel na ba talaga ako? kasi kapag anghel na ako kunin niyo na lang ako Lord! baka mamatay pa ako dito huhuhuhu.

"Well....well....well...ikaw pala ang transferee"sabi ng isang babaeng mataray sakin.

Nandito kasi siya ngayon sa harapan ko. Tatlo sila, kasama niya kasi ang mga alipores niya.Parang si Martha lang hahaha. Yung queen bee sa L Academy.Ang bad ko na huhu.

Hindi ko lang siya pinansin at patuloy na natulog.

"Listen to me!"sigaw niya.

Hindi na ako umimik pa at inangat ko na lang ang ulo ko. Sabi niya pakinggan ko daw siya eh, edi papakinggan. Natahimik bigla ang room, kala ko ako na naman ang dahilan. Kaya pala, kase pumasok ang mga anghel, wait diba si Mr.Sungit yun?.

"Oh my gee!!! nandito na pala sila Ian!!!!!!!!!!!!!! girls lets go na mamaya na yan si Nerdy!!"sigaw ng kapareha ni Martha. Pero trust me mas panget pa siya. Okay ang bad bad ko na talaga.

"Tss"sabi nung isa sa mga lalaki.

Naka-earphone siya, tapos ang cold cold ng mga mata niya. Natulog siya tapos yun . Nag-ingay na naman ang klase. Yung isa naman si Mr.Sungit, wow ha! nagbago yung mood, ngayon napakalapad ng ngiti niya. Ah kaya pala kasi hinalikan siya nung babae na pareha pareha lang ni Martha.

Wait-Hinalikan?! sa Labi?! Nuuu wayy high wayy!! PDA yan!!!! Sa ,mismong harap pa ng NBSB pinakita ang paglaladian nila!.Bahala na nga sila. Natulog ulit ako . Kaya unti-unting hindi ko naririnig ang ingay nila.

Johnston's P.O.V

Wow ha! hinalikan ako ni Abby sa lips! bago yun. Kanina galit na galit ako. Pano ba naman? kasi yung....yung...yung nerd binangga kasi ako!!! Kaya nadagdagan, lalo na yung hindi niya ko pinansin. Pataying ko na kaya siya eh nuh?.

Pagpasok namin nakita namin si Nerd na nakatingin kay Abby, tapos si Abby naman parang nakikipag-usap sa hangin. Hahaha nakakatawa yun ah!. 

Pareha pala si Nerd at si Ian ng hobby. Ang matulog ba. Kasi parehas lang ang dalawang toh eh!  natutulog?. Ay oo nga pala ehem ehem!.

Ako nga pala si Ace Johnston Lewis. Ang best best best best childhood friend ni Ian. Wanna know his full name? okay okay alam kong bitin na kayo.

He is Mark Ian Santiago. Or so called as 'Ice' dahil sa ugali nito. Ang cold cold eh. Pero trust me, parang demonyo siya kapag nagalit.

Gumising na pala si Nerd kaya natahimik ang lahat. Ang ganda niya....kasi nakahubad yung glasses niya. Lahat ng boys nakanganga. Ang girls naman tulala. Lahat kami nakatingin sa kaniya. Mi-isa samin wala pang nakarinig sa boses niya. Promise. Hindi kasi siya nagsasalita eh.

Pero back to the topic. Akala namin hindi na niya yun isusuot, pero sinuot na naman. Hay sayang ang ganda niya - wait ano ba toh ang pinagii-isip ko?. Erase erase.! Ako nga pala ay dakilang playboy.Period.

Tiningnan niya kaming lahat with why-is-there-something-on-my-face-look. Pero ayun wala paring umimik at lahat parin kami gulat na gulat sa nakita namin.

Nagising na rin pala ang hari ng mga yelo. At parang nagtataka. Tiningnan niya si Nerdy at napa-'tss' nalang siya. Promise, mahilig siyang mag-'tss' inborn niya na ata yang word na yan eh.


Campus Princess Girl In DisguiseWhere stories live. Discover now