Chapter 1

73 3 0
                                    


Eychelle Chinny Cruz's POV

"Doc, ano pong nangyari sa kanya?! Kamusta na po sya?!" Naiiyak kong tanong sa doctor matapos kong maghintay ng isang oras sa ospital.

"Kaano-ano ka ni Mr. Chua?" Tanong nito na hindi maitago ang pag-aalala.

"G...girlfriend nya po ako." Mahina kong tugon.

Napahinga ng malalim ang doctor at tinitigan ako ng seryoso.

"Masyadong malakas ang pagkakabangga niya sa truck, iha. Kasalukuyan siyang comatose." Nanghina ang aking dalawang tuhod dahilan upang mapaupo ako sa sahig kasabay nito ang pagtulo ng aking luha dahil sa mga narinig ko. Para akong nabibingi dahil sa paulit ulit na bumabalik sa aking isipan ang mga sinabi ng docktor.

"Doc, kelan p-po sya magigising?" Nginig kong tanong, medyo nagkaroon ako ng lakas upang makatayo pero hindi parin nawawala ang takot sa aking puso.

"Yun ang hindi natin alam, iha. Dahil sa lakas ng pagkakabangga sa kanya ay nasa panganib ang buhay nya at kinalulungkot kong sabihin na..." Huminga muna ito ng malalim at saka yumuko. "Maaring hindi na siya magising." Bakas ang lungkot sa mga mata nito siguro dahil na din sa awa sa akin.

Kahit inaasahan ko na ganun ang sasabihin niya ay masakit parin pala kapag narinig ko ito mismo. Napayuko ako at nararamdaman ko na ang unti-unting pangingilid ng aking luha. Tinapik ako ng doctor at nagpa-alam.

I heard Yugi's mom crying. Kinausap nila ang doktor at ganun din ang  kanilang reaksyon matapos sabihin ng doktor ang kalagayan ni Yugi. Napaupo ako ng bahagya sa upuan. I don't know what to feel, what to say, and what to do. I want Yugi to regain consciousness now. I miss him. 

Naramdaman ko nalang ang paghawak ni Tita Elise sa balikat ko at makikita sa mga mata nito ang kanyang pag-aalala. Hindi ko napigilan ang sarili ko kaya niyakap ko si Tita. Saka ako humagulgol sa kanyang bisig. Iyak ako ng iyak habang hinahaplos ng mommy ni Yugi ang likuran ko.

"Tita, Yugi's not fine. I am not okay."

Matapos kong mahimas-masan ay ikinuwento ko kay Tita ang nangyari kay Yugi. Ayon sa nakakita, nawalan daw ng preno ang truck na kasalukuyang nasa likuran ng minamanehong sasakyan ni Yugi kaya naman mas naging kritikal ang kalagayan niya dahil sa lakas ng impact ng pagkakabunggo.

May limang katao sa loob ng malaking sasakyan, ngunit sa kasamaang palad, namatay ang dalawa kasama ng driver sa nangyaring insidente habang ang dalawa ay nasa kritikal na kondisyon, katulad ng taong mahal ko.


"Iha, magpahinga ka muna. Huwag mong pagurin ang sarili mo sa trabaho maging kay Yuchi dahil nandito naman kami ng daddy niya." Nag-aalalang sabi ni Tita Elise sakin. Wala ako sa sariling tinitigan si Yugi na payapang natutulog. I am broken. Seeing him like this makes me weak. Ang daming nakakabit sa kanya na apparatus, it looks like he's dead but with these machines, he's allowed to breathe.

"Mahal ko gumising ka na. Please Lord, 'wag niyo po muna kunin si Yugi sakin. Please?"

Sa loob ng limang buwan ay walang palya ang pagdadasal ko na sana'y magising na si Yugi.

Nginitian ko si Tita Elise na nakatingin sa akin na may mga nakikiusap na mata, umiling ako sa kanya, "Okay lang po ako, Tita. Huwag po kayong mag-alala sakin."

Tumikhin naman si Tito dahilan para mapalingon ako sa kanya.

"Mabuting magpahinga ka muna, anak. Para hindi ka magkasakit dahil panigurado kapag nagising si Yuchi ay magagalit sayo iyan dahil napapabayaan mo na ang sarili mo." Nag-aalalang sabi nito.

"I'm fine, Tito and Tita. Thanks for worrying about me but I can handle myself." Nakangiti kong tugon sa kanila.

Tumayo ako ngunit agad din akong napaupo dahil sa hilong naramdaman ko.

What was that?

"Iha, tara at kumain ka muna." agad akong inalalayan ni Tito papuntang hapag kainan. Hindi mo maitatanggi ang pag-aalala niya samin.

Sinimulan na namin ang pagkain, tahimik at wala ni sino man ang nagsasalita sa amin. Nabasag lang ang katahimikan nang may kumatok sa pintuan. Pinagbuksan ko ito ng pinto at sa hindi inaasahan ay isang babaeng napakaganda at sobrang amo ng mukha, na animo'y hindi makabasag pinggan.

"Y-ynna" nai-usal nalang ng labi ko.

Pinapasok ko ito at maging sila Tita ay nagulat sa pagdalaw niya.

Ang ex-girlfriend ni Yugi. Ang babaeng minahal nyia ng lubos.
Ang babaeng pinag-sakripisyuhan niya ng buhay noon.

"Iha, buti at napadalaw ka?" sinsero at nakangiting bati ni Tita Elise

"Kamusta na po si Yuchi?" pag-aalalang tanong nito. Nagtama naman ang tingin namin ngunit inalis ko rin ito agad.

Nilapitan nya si Yuchi at naupo ito sa gilid ng kama niya. Hinaplos nito ang kanyang pisngi at maya-maya lang ay naiyak ito sa kanyang nakita. "Nabalitaan ko po kasi ang nangyari kay Yuchi noong nasa States ako, pinilit ko po makauwi dito but I'm so sorry kasi super late na ako nakadalaw." Malungkot na sabi nito.

Hindi ko alam ang mararamdaman ko kung matutuwa ba ako dahil binisita nya si yuchi o magagalit dahil sa selos na aking nararamdaman.

"Okay lang iyon, iha. Ang mahalaga ay nakarating ka rito." Nakangiting tugon sa kanya ni Tito Carlo.

Magmula nung araw na pumunta dito si Ynna, patuloy parin nitong binibisita si Yuchi. Walang araw na hindi ko sya nakita dito. Isang araw ay nadatnan ko na siya lang ang nagbabantay kay Yuchi sa ospital. Dire-deretso akong pumasok ng kwarto at kahit pagod na pagod ako pinilit ko parin hindi ipakita sa kanya ito ngunit nahalata nya parin.


"You look tired, Eych." Nag-aalalang sabi nito Sakin.

Binigyan ko lang siya ng tipid na ngiti at umiling. "No, it's okay." sabi ko at nagpasalamat sa kanya sa pagbabantay kay Yuchi.

"Wala 'yun." Tipid siyang ngumiti.

I really don't like her presence, ang awkward, since she became his past girlfriend. Pero hinayaan ko nalang ang nararamdaman ko.

Nilapitan ko si Yuchi at hinalikan ito sa noo.

Sorry mahal ko, nag-overtime ako sa work. Gumising ka na, please?

Umayos ako ng tayo at tinitigan ang kabuuan ni Yugi.

Hinawakan ko ang kanang kamay nito at napatingin dito. May kung anong saya ang naramdaman ko nang gumalaw ang daliri nito.

Sisigaw na sana ako para may dumating na doktor pero agad na nagmadali si Ynna para tawagin ang doktor. Once again, I felt jealous.

Love in Second Time AroundWhere stories live. Discover now