Kasalukuyang nakahiga sa kama si Ynna. Hindi sya makatulog kakaisip sa mga nangyayari sa paligid nya. Iniisip nya si Eych at Hindi rin ito mapakali dahil nakokosensya na rin sya sa ginagawa nya. At naiisip nya na lalo lang syang masasaktan kapag naalala na ni Yuchi ang lahat. Pero kahit alam nya na masasaktan sya sa huli ay mas pinili nya parin ang kalagayan ni Yuchi.Natigil lang ang pag-iisip nya nang tumunog ang doorbell sa room nya. Nabalot ito ng pagtataka at napatingin sa orasan. It's already 10:32pm. Hindi nya alam ang gagawin kung bubuksan nya ba ang pinto o hindi. Maya-maya'y naramdaman nya ang pag-vibrate ng phone nya.
~*Hubby is calling...*~
Sinagot nya ito agad. "H-hello?"
"Wifey..." Malalim na boses ng binata kung kaya't pinanindigan sya ng balahibo. Para syang nakuryente sa boses ng binata. "I'm here in front of your door."
Agad nyang narealize na hindi pala masamang tao ang nagdodoorbell kung kaya't pinag-buksan nya ito ng pinto.
Tumambad sa harapan nya ang napakagwapong mukha ni Yuchi. Nakangiti ito at hindi maitatangging sya ang dahilan ng mga ngiti nito sa labi.
"Why are here? Malalim na ang gabi, Yuchi." Takang tanong nito nang makapasok sila sa living room ng condo.
"I just...missed you." Seryoso pero nakangusong sagot nito.
Natawa naman agad sya sa inakto ng binata. "Parang kanina lang sa ospital magkasama tayo ha?" Sa sinabi nyang yun ay nagtaka sya, "teka, bakit nga ba nandito ka? Diba dapat nagpapahinga ka pa sa ospital?"
"Na-discharged na kaya ako." Nakanguso paring sagot nito. "At gusto kong..." ngumiti ito ng nakakaloko kay Ynna habang nakatingin ng seryoso sa mga mata nya. "Gusto kong makatabi kita sa pagtulog."
Agad pinamulahan si Ynna. Hindi nya alam kung ano ang irereact nya sa sinabi ni Yuchi. Limang taon narin naman kasi ang nakakaraan nung huling beses silang nagtabi.
"Pft. Hahahaha. Alam ko yang iniisip mo, wifey." Pang-aasar pa ng binata rito. Pero nawala agad ang mapaglaro nyang ngiti at sumeryoso ng tingin sa kanya. "Don't get me wrong. I just want to be with you tonight."
At wala na ngang nagawa si Ynna kundi ang pumayag.
Sa loob-loob nya ay medyo may pagkailang pa ito dahil narin kay eych na kanina pa hindi mawala-wala sa isip nya.
Nasan na kaya sya? Isang linggo narin ang nakakalipas ng hindi nagpapakita si Eych. Di narin sya dumalaw sa ospital mag-mula nung nag-usap silang dalawa.
*FLASHBACKS*
"Wag kang mag-alala sakin. Wag mo na kong isipin." hinawakan ni Eych ang kamay nya at malungkot na ngumiti ito sa kanya.
Na-agaw ang atensyon nila nang mag-ring ang phone ni Eych. Nag excuse ito para Lumayo sa kanya at sinagot ang tawag.
Maya-maya lang ay bumalik si Eych na lumuluha. Napatayo sya dahil nakita nya kung pano manginig ang katawan ni Eych habang malungkot itong nakatingin sa mga mata nya at patuloy ang pag-agos ng luha nito.
"A-are you okay?" Nag-aalinlangang tanong ni Ynna.
"Ikaw na muna ang mag-alaga kay Yuchi, Ynna. Please. Alam kong mahal mo pa sya, kaya kampante ako na ikaw ang nasa tabi nya." Pagmamaka-awa nito sa kanya. Bakas ang pag-aalala sa mukha ng dalaga maging ang napaka-lungkot na titig nito. Dahilan para makaramdam sya ng awa rito.
"K-kailangan ko nang umalis."
"Teka..." may sasabihin pa sana sya pero hindi na sya pinakinggan pa ni Eych.
YOU ARE READING
Love in Second Time Around
RomanceThis story is all about a man and a woman who really loves each other. But then, the man invloves into a car accidents at hindi nila inaasahan na sa pangyayaring yun ang magiging dahilan ng kanilang hiwalayan. Is their love to each other really...