Chapter 3

36 2 0
                                    

Ynna Daniella Ybañez's POV

NASA condo ako ni daddy nang tumawag si tita elise sakin. Pinapupunta nya ko ng hospital dahil hinahanap daw ako ni Yuchi.

Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko. Halo-halong saya at nerbyus ang meron sa loob ng tiyan ko.

Nag-ayos na ko ng sarili ko at pinaghandaan ang pagpunta sa ospital. Since gising na sya ay kailangan presentable ako kapag nakita nya. Matapos ang ginawa ko ay lumabos na ko ng condo at dumaan sa Sweet Cafè. Binilhan ko sya ng paborito nyang black forest chocolate cake at chocoffee. Napapangiti nalang ako sa tuwing naaalala ko yung kakulitan nya sakin noon. Para syang bata kung magtampo at para rin syang bata kung sumaya. Napakababaw ng kasiyahan nya.

Kung maibabalik ko lang ang dati.
Hindi na sana kita pinakawalan, Yuchi.
Iniwan kita nang hindi mo nalalaman yung mga dahilan ko.
Sana mapatawad mo ko, Hubby.

Nandito na ko sa ospital, sa tapat mismo ng pintuan ng kwarto nya. Kakatukin ko na sana ang pinto nang dahan- dahang itong bumukas.

Nakaramdam ako ng kaba matapos tumambad sa harap ko si Yuchi na kunot-noo.

Nawala ang pagkakunot ng noo nito at napalitan ng tuwa at pananabik ang kanyang mga mata ng makita nya ko.

"Wifey..." Hindi mo maitatago ang kaligayahan nya nang makita nya ako.

Napasinghap nalang ako ng bigla nya kong ikulong sa matitigas nyang dibdib.

sana ganito pa tayo hanggang ngayon.
Sana ganito nalang palagi. Iba ang sayang pinapadama mo sakin, Yuchi.

Bumuntong hininga muna ito bago magsalita."Wifey, You don't know how happy I am nang makita kita. Namiss kita ng sobra, mahal na mahal kita."

Hindi ko maintindihan kung bakit iba ang naging pakiramdam ko bigla. Kaya't umalis ako sa pagkakayakap nya at pilit na nginitian sya nung maharap ako sa kanya.

Tinitigan nya ko ng malalim at hindi ko maitatanggi ang nakita kong pangungulila at tampo sa kanyang mga mata.

Ngumuso ito sakin na parang batang nagtatampo, "Bakit ngayon ka lang? Alam mo ba na ilang araw kitang namiss dahil di ka man lang nagpapakita sakin nung nakaraang araw?" May halong sama ng loob ang tono ng boses nito.

Pumasok sya sa kwarto at sinundan ko naman sya. Naupo ito sa kama nya at inaya ako na tumabi sa kanya.

Naupo ako sa tabi nya at dun ko lang napansin si Eych na natutulog sa sofa.

"Ano yang dala mo, wifey?"

Napalingon ako ulit kay Yuchi na seryosong nakatingin sakin.

"Ano yang dala mo?" Pag-uulit nya sa tanong nya. Habang sinisilip yung pasalubong ko sa kanya na hawak ko.

Binigyan ko sya ng matamis na ngiti at inabot sa kanya yung pasalubong ko. "Baka na-miss mo rin ang lasa nito."

Masaya naman niyang kinuha sakin yung pasalubong ko. Binuksan nya yung paper bag at lalong lumawak ang ngiti nito habang nakatingin sa pasalubong na dala ko.

"My favorite!" Masaya nyang sabi at inamoy amoy pa talaga ang cake.

Lumapit sya sa table at inilapag nya dun yung pasalubong ko. Binuksan nya yung maliit na box na transparent dahilan para makita nya yung black forest cake.

Inaya nya ko papunta sa kanya kaya lumapit ako at naupo sa silyang inaalalayan nya.

"T-thank you" mahina kong bulong.

Love in Second Time AroundWhere stories live. Discover now