Yugi Gavin Chua's POVUgh. Ang sakit ng ulo ko. Hindi ko alam kung anong nangyayari sakin.
Unti-unti kong iminulat ang mata ko.
Puro puti ang nasa paligid ko.Nasa langit na ba ko?
Panong nasa langit eh may kisame at ilaw? Nananaginip ka lang siguro yuchi.Na-realize ko nalang na hindi pala ako nananaginip.
Napatingin ako sa gilid ko nang makita ko ang isang babaeng nakapatong ang ulo sa gilid ng kama ko. Napatingin ako sa kamay ko na kasalukuyan nyang hawak.
Inilayo ko ang kamay ko at naupo.
Tinitigan ko ang mukha ng babaeng nasa harapan ko na payapang natutulog.
"Who are you?" Mahina pero sapat na para marinig nya ang pagtataka kong tanong.
Agad itong bumangon at nagpunas ng kanyang mata na animo'y napuwing.
Napatitig ito sakin nang nanlalaki ang mata sa gulat.
"MAHAL!" masayang sigaw nito at niyakap nalang ako bigla. "A-akala ko hindi ka na magigising mahal ko.. Buti at nagising ka na. Miss na miss na kita mahal ko. " naramdaman ko nalang ang pag pag-patak ng tubig sa likuran ko. At sigurado akong luha ito na galing sa kanya.
~*~
Eychelle's POV
"S-sino ka?" Takang tanong sakin ni yuchi matapos ko syang yakapin.
Nagtaka ako sa inakto nya.
"Ako to mahal, si eychelle." Nakangiting banggit ko ngunit lalong nagtaka ang mukha nya kung kaya't makikita ang pagkunot ng noo nito.
"W-wala akong kilalang eychelle. Sorry." Malamig na sabi nito.
Hindi ko mabasa ang emosyon nya. Bakit hirap akong malaman kung anong nasa isip nya?
"Yuchi..." naibulalas ko nalang. Di ko alam kung anong irereact ko.
"Oh my god, anak! Buti nalang at gising ka na!" sumulpot bigla si tita sa aking likuran at niyakap nito ang kanyang anak.
"Yeah right, mom." Masayang tugon nito kay tita elise. "Mom, where's Ynna?" excited na tanong nito at biglang binaling ang tingin sakin. "Is she your friend, mom? Who is she? Do I know her?"
Agad kaming natigilan ni tita at nagkatinginan. Kitang-kita ko ang lungkot sa mga mata ni tita. Pero hindi ko maipaliwanag kung bakit ganun na lamang ang inakto nya.
Ganun narin ang naramdamang kong kirot sa puso ko.
Ibinalik nito ang pagtingin sa anak at saglit na nagpa-alam kasama ako.
Lumabas kami ni tita para kausapin ang doctor. kinuwento ko ang nangyaring pagkalimot sakin ni yuchi.
"Marahil sa pagkabagok ng ulo nya ay nawala ang memorya nya which is yung oras na nakilala ka nya." seryoso itong tumingin saakin.
Hindi ko alam kung matutuwa ba ko o ano e. Hindi ko na alam kung ano pang mararamdaman ko.
"I'm sorry, I don't really want to tell you this but, kailangan nyong hayaan sya at wag ipaalala sa kanya ang lahat dahil makakasama lang ito sa kanya. hayaan nyong dumating nalang ang oras na maalala ka nya. that's all. Excuse me."
~*~
"Ano pang ginagawa mo rito?" malamig na tanong sakin ni yuchi nang makita nya ako pagkagising nya.
YOU ARE READING
Love in Second Time Around
RomanceThis story is all about a man and a woman who really loves each other. But then, the man invloves into a car accidents at hindi nila inaasahan na sa pangyayaring yun ang magiging dahilan ng kanilang hiwalayan. Is their love to each other really...