Miguel's P.O.V.
Hindi pa huli ang lahat 'diba? Hindi pa. I should still confess to her. When? Ngayon na. Yes ngayon na nga. "D-mn it." Bakit 'di ko naisip yun? Lakasan ang loob, Miguel!
Nagpagdesisyunan ko ang puntahan at kausapin pa rin si Mika. Tumayo at maglalakad na sana ako... but to my surprise I saw Mika standing just five steps far from me.
I stepped back once. Nagulat ako ng bigla niya akong nginitian. T-teka... "N-narinig mo?"
Una, nahihiya ako kasi baka narinig niya. Ugh, no! Hindi na dapat ako nahihiya pa.
Ngumiti siya at tumango. So, narinig nga niya. Nagulat ako sa sunod niyang ginawa, ang pagtakbo niya palapit sa akin at niyakap ako. A-Anong ginagawa niya?
Kusang gumalaw ang mga braso ko at niyakap ko rin siya pabalik. Hindi ko na rin inisip na baka makita kami niyong Steeven na 'yun na magkayakap kami.
Akmang hihiwalay na sana siya sa pagkakayakap sakin ngunit lalo ko itong hinigpitan. "Please. Stay, kahit 5 minutes lang."
Tumango siya. Matagal ko na rin itong pinangarap. Ang madikit ako sakanya nang ganito. Ang mayakap ko siya nang mahigpit. Iniisip ko rin na siguro ito na ang una at huling yakap ko sakanya. Hindi ibig sabihin niyon na kakalimutan ko na siya. May syota na nga kasi yung tao, so, bakit ko pa ipagsisiksikan ang sarili ko? Kapag natapos na ako magconfess sakanya mamaya, lalayo muna ako. Dahil hindi rin naman niya ako gusto. At tatanggapin---
"I like you, Miguel." bulong niya. Wait. Loading... What!?
Lumuwag ang pagkakayakap ko sakanya kaya kumalas na siya. She looked at me intently. "Miguel, I like you. I'm sorry kung nasasaktan kita. I'm sorry kung sobrang manhid ko, at torpe ka pala?" she chuckled.
Kumunot ang noo ko. "A-Ano itong mga pinagsasabi mo?"
"Alam kong may gusto ka rin sakin. May nagsabi sakin kanina lang. Sorry kung ang manhid ko." Medyo naluluha na siya.
And what is the meaning of this? She's confessing!
At gusto rin niya ako! T-Teka... paano na ito? A-Ano nang s-sabihin ko!
"Tell me, Migs." hinawakan niya ang dalawa kong kamay.
"T-tell you...what?" nalilitong tanong ko. Heto nanaman ako sa katangahan ko! Paano ba ito?!
Napa-poker-face siya at napairap. Naiinis ba siya? "Tell me that you like me. Gusto kong marinig galing sayo mismo." aniya.
Napahigpit ang hawak ko sa kamay niya. Matagal bago ako sumagot. Tinitigan ko muna ang magaganda niyang mga mata. It's time.
"No." her eyes widened. "I don't like you." tuloy ko.
Napatulala siya sakin at napabitaw din siya sa pagkakahawak sa kamay ko. Sht! Ano itong ginawa ko!? I don't want to see her cry!
Tinalikuran niya ako at humakbang na palayo saakin. Sht!
"Mikaela, wait!" sigaw ko. Huminto naman siya ngunit nanatiling siyang nakatalikod. Tumakbo ako papalapit sakanya. Saka ko siya niyakap mula sa likod niya.
"Sorry. Sorry for making you cry." I paused and hugged her tight.
Rinig ko ang mahihina niyang paghikbi. "Oh? Really? Niloko lang pala nila ako. Pinaniwala nilang may gusto sakin ang isang Miguel Fugirawa. Nakalimutan ko, play boy ka nga pala at malabo ngang magkatotoo ang sinabi sakin ni Steeven."
Nagulat ako sa sinabi niya. Pinaharap ko siya sa akin. "What do you mean?"
"Hindi ko boyfriend si Steeven. It's just a show.... And siya rin 'yung nagsabi sakin na may gusto ka sa akin, pero kasinungalingan lang pala 'yun. Hindi pala---"
"Wait... paano naman niya nasabi 'yun? Paano niya nalaman?" singit ko.
"Matthew is Steeven's couzin." sagot niya. Now I know.
"Aalis na'ko."
"Sandali!" hinawakan ko siya sa braso niya.
"Ano na naman ba? Ayoko nang magtagal dito dahil puno na ako ng kahihiyan Migs!" pinunasan niya ang luha niya.
"No. You're not leaving."
"Let me go!"
"No. Not until you'll going to listen to me first." kumunot ang noo niya.
"Stay... please?" ulit ko pa. Kunwari'y nainis siya ngunit napatango nalang. I smiled.
"What now?" tanong niya nang hindi nakatingin sa akin. Umayos naman ako ng tayo.
"Mika... matagal ko na itong gustong sabihin sayo. I'm a coward everytime you're there." panimula ko. Napatingin naman siya sa akin.
"Diretsohin mo na kasi ako!" inip niyang wika. Tsk. Kung 'di ko lang siya mahal eh.
"I want you to know that..." titig na titig ako sakanya. "I don't like you because--"
"'Yun naman pala eh. You don't like me, tapos--"
"Patapusin mo muna ako pwede? Hindi ko pa nga tapos ang sinasabi ko--"
"Anong gusto mong gawin ko? Pakinggan kang--"
"Shut up or else I'll kiss you." that made her stop. Napangisi ako sa reaction niya. Kahit madilim alam kong namumula na siya ngayon.
"Eh... kung kaya mo!"
After she said that, sinunggaban ko na siya agad ng halik. Nagulat naman siya sa ginawa ko at dahil nakadilat ako ay bakita ko ang pagkabigla sa mga mata niya. Magkadikit ang mga labi namin ng mga sampung segundo at inilayo ko na ang mukha ko sakanya. It's our first.
Ako naman ngayon ang humawak sa kamay niya at nilagay ko iyon sa magkabila kong pisngi. "I realized that I just don't like you because... I now love you, Mikaela."
Hindi siya agad na nakapagsalita marahil ay hindi pa nag-sink-in sa isip niya ang mga sinabi ko. Maya-maya, napangiti siya. "I love you, Mikaela. I really do." ulit ko pa at napaluha siya.
"I... I love you too, Miguel." wika niya nang may paghikbi.
Noon, akala ko hindi ko talaga kaya ang magtapat ng nararamdaman ko kay Mika. Lagi kong tanong sa sarili ko, 'Bakit ba ang torpe ko?'. Ngayon, marami na akong natutunan.
Kung gusto mo talaga ang isang bagay, pagsikapan mong makuha. Kung may gusto ka sa isang tao, magtapat ka. Wala namang mawawala hindi ba? Huwag mong isiping baka ma-reject ka.
Dahil baka ang totoo niyan, hinihintay ka nalang pala niya, at may gusto rin pala siya sayo. Just like what happened between me and Mika. Pareho lang pala kami ng nararamdaman.
Pero kung na-reject ka man, okay lang yan. Atleast nasabi mo kung ano ang nararamdaman mo. Mababawasan rin ang problema mo at alam mo na kung ano ang next step mo dyan. Yung ay ang mag-move-on.
At ang pagiging TORPE ko ay dito na nagtatapos.
~ END ~
***
All Rights Reserved
2015
Bakit ba ang torpe ko?
by Ladyyfrost< For more stories, you may go and choose in my profile @Ladyyfrost >
BINABASA MO ANG
Bakit ba ang torpe ko?
Short StoryBakit ba ang torpe ko? Gwapo nga ako, matalino, gentleman, pangarap ng lahat ng babae. Nasa akin na siguro ang lahat ng traits na gusto ng babae! Nasa akin na ang lahat... siya na lang ang kulang. Kasalanan ko rin naman kasi eh. Ang torpe ko kasi! A...