Chapter 1

209 5 0
                                    

Miguel's Point of View

My name is Miguel, but they call me Migs, my nickname. Hearthrob ako sa school namin. For my physical description, matangkad, maputi, matangos ang ilong, medyo mahaba ang pilik-mata ko, totally black-eyes, kissable lips, and perfect ang body figure ko. Muscles? Check. Biceps? Check. V-line? Check. Sense of humor? Check na check.

Perfect na nga daw ako eh. Nasa akin na daw ang lahat ng gusto ng mga babae. Every girls dream on me. As in madami ang nagkakagusto sakin. Babae din ang nanliligaw sakin. Well,  isali mo na ang ibang gays. Pero wala akong pakialam sakanila, sa mga lumalapit sa akin. Playboy, ika nga.

Pero kahit gaano pa ako ka-perfect tingnan, torpe pa rin ako. Kaya nga ako nagpaka-playboy. Para maitago ko ang pagkatorpe ko sa taong gusto ko. I'm just using those girls as a fling,  para hindi ako mahalatang torpe.

Si Mika, ang babaeng matagal ko ng hinahangaan. Crush sabi nga nila. Mahal ko na pala siya. Hindi lang crush. Lamalim ang nararamdaman ko sakanya sa pagdaan ng panahon.

Gusto ko na siya since elementary pa kami and until now na 3rd year na kami. Tutal classmates naman kami noon, kaya lagi ko siyang inaasar kahit pa na magalit siya saakin. It's my only way para mapansin niya ako. Papansin na ako kung papansin. Wala akong pake.

Si Mikaela, or Mika, simple lang siya, pero maganda. Maputi, mabait, friendly, laging nakangiti kaya mas lalo akong nahuhulog sakanya kahit hindi man ako ang dahilan ng mga ngiti niya. Kahit na naasar na tingin lang ang ipukol niya sa akin. Mas matangkad lang din ako ng kaunti sakanya, so hindi siya maliit tignan. Bagay lang kami.

Pikunin din siya every time na inaasar ko. Ang cute niya nga tignan kapag naasar na. Para kaming mga aso't pusa kung magbangayan at ako ang dahilan ng lahat ng mga yun.

Hanggang sa may bigla nalang na may lalaking nagstransfer sa section namin. Si Drake. Gwapo. Pero mas gwapo pa rin ako syempre. Yun nga lang, naging close sila ni Mika. Lagi silang nag-uusap sa room namin at nagkukulitan. Masaya si Mika sakanya kasi lagi siya nitong pinapatawa. At nasasaktan ako tuwing nakikita ko silang magkasama.

Saakin, masungit siya. Sa iba, mabait siya.

'Ano ba ang gusto mong iexpect? Maging sweet siya sayo? Lagi mo kayang pinipikon!' sabi ng konsensya ko. Hoy konsensya manahimik ka jan! Langya ka! Nag-eemo ako dito oh! 'Lang'ya nito.

So, ayun nga, nakakaselos na ang pagiging sweet nila.

One time, nag-absent naman yung panira ng araw na si Drake. Yeah! Ang saya ko naman, syempre. Masosolo ko si Mika. *grin*

Nag-announce yung homeroom teacher namin about sa gaganaping Prom namin. Malapit na rin 'yun. Lahat ng babae sa room namin sobrang excited na. Nagtitilian at hindi na sila mapakali. Yung iba problemado na sa kung sino ang makaka-date nila. Kung ano ang mga isusuot nilang gown. Yung iba magpapabonggahan pa raw. Tss. Mga babae talaga.

"Hey, Migs. Ako nalang ka-date mo sa Prom."

"Megesh! Migs, ako ha? Ako nalang! Hihi."

"Hoy gaga! Ako ang makakadate niya sa Prom. Right, Migs?"

Ano pa ba? Pinagkaguluhan at pinag-agawan na naman ako. Hindi ko na lang pinansin yung mga babae sa harap ko. Pinagkakaguluhan nila akong maging date daw nila. Huh! Bahala sila jan! Sa ibang direksyon nalang ako humarap. At sakto namang nagtama ang tingin namin ni Mika. Bakit siya nakatingin saakin?

O_O

*dug*dug*dug*dug*

***

Bakit ba ang torpe ko!? Bakit ba kasi ang torpe ko... pagdating na sakanya?

Ewan. Dahil natatakot ako na baka ma-reject niya ako? Maybe. Nakakahiya nga naman 'yun. Ako na hearthrob ng buong campus, na habulin ng mga babae, na-reject? Nakakahiya yun huy!

Napaisip ako. Paano nga kaya kung ayain ko nga si Mika na maging date ko? Kaso...

"Nahihiya ako." mahinang sabi ko sakanila. Sa tatlo kong barkada. Andito kami sa canteen. Sa lagi naming pwesto kami nakatambay. Nasabi ko kasi sakanila na gusto kong yayain si Mika sa Prom. Tapos yun nga... nahihiya ako.

"Tsk! Ayan ka nanaman tol eh! T-O-R-P-E." asar saakin ni Jonel.

"Alam mo tol? Walang patutunguhan ang love life mo kapag ganyan ka nalang lagi." iiling-iling naman na komento ni Gelo.

"Oo nga. Baka maunahan ka pa ng iba. Tatanda kang binata sige ka." natawa kami sa sinabi ni Matthew.

I sighed. Inisip ko 'yung mga sinabi nila sakin. Baka nga may maka-una pa sa akin kay Mika. Hanggan ngayon kasi ay wala pang nagiging boyfriend si Mika. Pero marami naman siyang manliligaw. Kahit na! Paano nga kung may sasagutin na si Mika sa mga manliligaw niya? Eh naunahan na ako kung ganon!?

Hindi pwede!

Ako dapat ang magiging first boyfriend ni Mika. First hug. First kiss. First holding hands. First sa ano... yung ganun... hehe. AH BASTA! Ako lang dapat ang sakanya! Pero... 'lang'ya nga naman, oo! Bakit ba ang torpe ko?!

***

Bakit ba ang torpe ko?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon