Chapter 2

136 4 0
                                    

It's been a week simula noong nai-announced sa amin ang about sa Prom namin. At bukas na nga 'yun. Napag-usapan ng barkada na hintayin daw namin mamayang uwian ng hapon si Mika sa gate. May binabalak ang mga 'yun. Tsk. Hindi ko tuloy mapigilang kabahan.

So, gaya nga ng napag-usapan, pagsapit ng last period. Hinintay nga namin si Mika. At ang look out namin, si Jonel. Maya-maya, napatingin kami sakanya ng bigla nalang siyang tumakbo papalapit saamin nila Gelo.

"Nandyan na siya." hingal niyang sabi. Nandyan na siya? Takte!

"Oh pano ba 'yan tol. Una na kami! Good luck!" handa na ring umalis si Gelo.

"Pairalin ang utak. 'Wag ang katorpehan. Tandaan mo yan." sabay ngiti at saludo sakin ni Jonel.

"We trust you man!" tinapik pa ako ni Matthew sa balikat ng medyo malakas kaya pabirong sinuntok ko siya bago sila tuluyang umalis.

Teka! Iniwan nila ako!? Amputs! Paano 'to!? Nakita ko na si Mika na papalabas na ng gate kaya nilapitan ko na siya. Nagtataka naman siyang tumingin sakin.

"Uh. Hi?" medyo nahihiyang bati ko. 'Di ko kasi muna siya nakaharutan ngayong araw pati kahapon. Nagre-ready ako para kausapin siya ngayon. Kaya naman... medyo nahihiya ako sakanya ngayon. 'Lang'ya, ang bading.

"Wala ako sa mood makipag-asaran ngayon, Miguel." bored niyang wika saka niya ako nilagpasan. Sh*t ang ego ko! Tumakbo ako para sundan siya.

Inagaw ko naman sakanya 'yung buhat niyang dalawang libro na makapal. "Ako na." sabi ko saka ko siya nginitian. Nagulat naman siya doon. Aba, minsan lang ako ngumiti. Palaging ngisi ang nasa labi ko kapag siya ang kasama ko.

"Ano bang nakain mo ha? Migs? Baka mamaya iiwan mo lang 'yang books ko sa gitna ng kalsada eh. Nako, kapag ginawa mo talaga yun, malilintikan ka---" hindi ko na siya pinatapos sa sasabihin niya dahil hinila ko na siya.

Hindi naman siya makapalag kasi masyado akong malakas kumpara sakanya. Hawak ko ang malambot niyang kamay. Sh*t ang kinis! Hindi siguro 'to nagtatrabaho. Lol.

Dinala ko siya sa isang park na malapit lang sa school namin.

"Anong gagawin natin dito?" nagtatakang tanong niya sa akin nang nalaman niyang nasa park kami. Nginitian ko nalang siya at dumiretso ako sa isang bench para umupo. Dapat daw lagi akong nakangiti para mabawasan ang kaba ko. Payo 'yun sakin ni Jonel kanina.

"Ano ba Migs?! Tigilan mo nga 'yang pagngiti mo! Ang pangit tingnan. Hindi mo bagay." reklamo niya sabay irap sakin.

WTF?! Hindi ko raw bagay!? At ang pangit ko daw tingnan kapag nakangiti ako!? Samantalang 'yung mga babae nga sa school namin, ngingitian ko lang sila titili na yung mga 'yun eh. Yung iba pa hindi na ma-take ang kagwapuhan ko kaya nahihimatay sila. Tapos walang epekto sakanya!? Kay Mika! Hindi niya ba alam na nasasaktan ang ego ko doon!?

"Tss! Halika na nga lang dito. Bilis!" inis ko nalang siyang tinawag at pinaupo sa tabi ko. Nakataas pa ang kilay niya ng lumapit siya sa pwesto ko.

"Aba galit ka!?"

Hindi ko nalang pinansin yung sinabi niya. "Isang tanong. Isang sagot." maangas kong sabi. Napakunot naman siya ng noo niya.

"Anong 'isang tanong isang sagot' pinagsasabi mo!?" sigaw niya saakin. Ang taray talaga nito kahit kailan. Sadista. Pero seriously, isa na 'to sa nagustuhan ko sakanya eh. And sa totoo lang? Nagsisimula nanaman akong kabaha! Hindi ko lang pinapahalata.

Okay. Sht, ito na.

"Can you be my Prom date?" direct to the point kong sabi. At diretso din akong nakatingin sa mga mata niya. Halata namang nagulat siya sa sinabi ko at hindi niya ine-expect yun. Nag-iwas siya ng tingin at para namang namula pa siya.

"Y-you're a-asking me to be y-your d-date?" tanong niya sakin pabalik. Kinakabahan na talaga ako at hindi ko na rin alam kung ano ang sasabihin ko. Takte, bahala na!

"Yes! And I don't accept a 'No' as an answer. So... you're will be my date tomorrow! See you!" pagkasabi ko niyon tumakbo na ako palayo sakanya. Hindi ko na alam ang gagawin ko kanina. Kinakabahan talaga ako.

Wala na akong pakealam kung may maka-kadate na siya. The thing is, akin na siya, at akin lang siya! Hindi na rin ako nag-abala pang ihatid siya sa bahay nila dahil malapit lang naman na 'yun sa park. Saka hindi pa naman madilim sa paligid.

Habang naglalakad naman ako pauwi. Naalala ko yung kanina. Hindi ako makapaniwala! Nagawa ko! Nayaya ko na siya! Siya na ang ka-date ko sa Prom! Wala sa sariling napagiti ako.

Nadatnan ko naman yung tatlo kong ugok na barkada sa may salas namin. Talagang hinintay nila ako huh? Chismis ang hinahantay nila. Tss.

"Oh anong nangyari tol?"

"Nagawa mo ba?"

"Siya na ba ang makaka-date mo tomorrow's night?"

At marami pa silang mga tanong na ibinato sakin. Binigyan ko nalang sila ng ngiting tagumpay. So, alam na nila ang ibig kong sabihin.

"Ako pa!" maangas kong wika sa kanila. Sabay turo ko pa sa sarili ko habang nakangisi ako.

Pinakwento naman nila sa akin kung ano ang nangyari. So, kinuwento ko nga sakanila lahat. Yung mga move ko at mga sinabi ko, kinuwento ko. Pati 'yung iniwan ko nalang bigla si Mika sa park. Pagkatapos kong magkwento, lahat sila napa-poker face. Saka nila ako binigyan ng tig-iisang batok.

"Aray! Ano ba!? Masakit yun ah!" inis na sigaw ko sakanila. Hinamas ko naman yung parte ng binatukan nila saakin. Aysh! Bakit ba nila ako binatukan? Hindi pa sila nagpaalam sa akin huh!?

"Hindi ka na nahiya! Pinairal mo nanaman yang pride mo!" Gelo.

"Tingin mo pumayag 'yun huh!? Bigla ka nalang umalis!?" Matthew.

"Oo nga! Hindi mo man lang siya pinagsalita kung papayag nga ba siya!?" Jonel.

"Aysh! Naman eh! Basta 'yun na 'yun! Sinabi ko naman nang ako na ang makaka-date niya eh. Saka, wala ba kayong tiwala sa akin?" nagpuppy-eyes pa ako. Masyado ata nila akong minamaliit huh!? Kaibigan ko ba talaga sila? Saka alam ko namang may tiwala pa rin sila sa akin kahit papaano---

"WALA TALAGA!" sigaw nila.

Anong? @!×&×**@;##@(@?!! Anakngtipaklong! Ano daw? Wala!?

"Ano? Pustahan na oh?" tingnan mo 'tong si Gelo. Makikipagpustahan pa ang gago kung sisiputin man ako ni Mika!

"Hoy! Hoy! Hoy! Walang pusta-pustahan! Mabuti pa tol, akin nalang 'yang pera mo!" sabi ko dito.

"Ano ka? Bleeh! Pambili ko kaya 'to ng flowers para kay Princess bukas!" umatras pa siya habang sinasabi niya yun. Para sa girlfriend niya huh? Tss.

"Magsilayas na nga kayo!" pinagtulakan ko na sila palabas ng bahay namin dahil ang iingay naman nila. Pero bago pa sila makalayo saakin, pinagsusuntok ko muna sila sa balikat nila. Ganti ko na rin sa pambabatok nila saakin kanina.

Nakatulog ako ng may ngiti at excitement. Tomorrow is the big day.

***

Bakit ba ang torpe ko?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon