Chapter 22

3 0 0
                                    

"The game will start in 3..."

Humanda na kami sa dapat mang yari ...

"Loop, Zk and Kass handle Zab and Yuri ako na bahala kay sistah"

"2..."

Pumunta na kami sa kanya kanyang pwesto.

"1..."

Unang sumugod sila Zab at Yuri papunta sakin kaya agad na hinarangan nila Loop at Zk ang dalawa habang si Kass ay ina-assist ako makalapit kay Vesta...

Nakatayo lang si Sistah habang hawak hawak ang kanyang mga katana.

Kaya pinaulanan ko sya ng bala. Sinasalag naman nya mga to gamit ang kanyang katana.

Nang maubos na bala ko ay tinapon ko na to tsaka nilabas ang katanang nasa likuran ko lang.

Tumakbo ako ng mabilis papunta sakanya atake lang ang ginagawa ko habang sya ay puro blockings.

Sa huli kong atake ay nagawa ko mapaatras sya kaya kinuha ko na pag kakataon na sipain sya sakanyang tiyan para sya ay mapatalsik ko sa kanyang pwesto.

Aatakihin ko na sya na sya ng biglang sinalag ni yuri ang katana ko gamit ang katana nya. Kaya napamura na lang ako sa isipan at tumalon papalayo sakanila.

Napatingin ako sakanila Loop. Ay mukhang nahihirapan na sila.

"AYAKA!! Lumayo ka muna sakanila!"

Sigaw sakin ni Zk kaya tumango ako at tumakbo palayo sakanila.

Nang habulin ako ni yuri at hinarangan nya ako sa harap na ikinabigla kong mahiwa nya braso ko kaya napahawa ako sa sahig at napangiwi sa hapdi.

Bigla naman sinipa ni kass si yuri sa tagiliran nya kaya nawala ang attention nya sakin.

"AYAKA SA LIKOD MO!!!"

Napalingon ako at nakita ko si sistah na handa na akong saksakin hindi ako makagalaw sa pwesto ko dahil sa nanigas bigla katawan ko dahil sa mala demonyo nyang mukha habang naka ngisi

Mas lalo di ko naikagalaw ng katawan ko ng makita ko ang susunod na nangyari.

"Z-zk"

Sinalag ni Zk gamit ang katawan nya at ito ay tumagos sakanyang katawan ang katana ni sistah. At ang katawan ni Zk ay unti unting natumba sa harap ko.

Nanginginig na nilapitan ko si Zk mababaliw na ata ako. Hinawakan ko ang mukha nya at pilit na ginigising

"Zk... Zk..."

Unti unti nyang dinilat mga mata nya at ngumiti sakin. Hinaplos nya ang pisngi ko. At nawalan na sya ng buhay. Hindi ako makaiyak hindi ko na alam ang Gagawin ko.

Napatingin ako kay vesta na walang emotion habang nakatitig samin dalawa.

Gusto ko syang sisihin sa pag kawala ni zk! Gusto ko din sya paslangin. Poot at galit ang nararamdaman ko..

The Game Of The King #YourChoice2018 #TSA2018 #SPAwards2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon