Prologue.

20 1 0
                                    

Nagising ako sa kakaibang mundo. Puno ng magagarang bagay. Bagay na hindi mo makikita sa mundo sa kasalukuyan. Mga bagay na makikita mo lamang sa mga gawang kathang isip ng mga tanyag na magpipinta sa mundo. Mga bagay na hindi mo aakalaing magkakatotoo. Pero ang nasa isip, nasa totoong mundo pa ba ako o isa lamang itong ilusyon o panaginip?

Halos mahilo ako sa sobrang daming palamuting nakikita ko sa daan, kung ito man ay isang panaginip, ayoko ng magising. Ngunit isang bagay ang aking pinagtataka, sa gara ng mga kagamitan sa paligid ay sya namang kabaduyan ng mg kasuotan ng mga taong naririto. Mga kasuotang ginamit mga isang libong taon na ata ang nakakalipas.
Sa aking pagmamasid isang lalakeng nasa parada ang nakapukaw ng aking paningin, isang lalakeng nakasuot ng isang magarang barong at napalilibutan ng mga gwardiya na may hawak hawak na iba't ibang uri ng sandata. Isang lalakeng matikas ang tindig at alam mong walang inuurungan. Sya'y galak na nakangiti at bumabati sa mga taong sya namang parang tuwang tuwa sa kanyang pagdating. Magiliw nya itong kinakawayan kasabay ng musikang nililikha ng mga bandang nasa likod ng kanilang magarang sasakyan na kung ako'y tatanungin ay sa tingin ko'y aabot sa billion ang presyo. Tuwang tuwa sila , ang mga taong nakikisaya, na animo'y walang problemang makikitang bakas sa kanilang mga mukha. Ansarap nilang tignan na para ka nilang inaakit na manatili pa ng mas matagal sa lugar na iyon.
"Miss? isa ka rin bang traveler?" nagulat ako ng marinig na may nagsalitang isang lalaki sa aking likuran. Hindi sya nakasuot ng mga makalumang damit kagaya ng mga taong nakikisaya sa pagdiriwang na nagaganap. Nakasuot lamang sya ng simpleng pantalon at tshirt na kapareho ng suot ko ngayon.
"Anong ibig mong sabihin?"
"Hindi tayo taga rito."
mahinahon nyang sabi. Nang marinig ko ang sinabi nya ay unti unti akong nakaramdam ng antok. Di ko namalayan na unti unti na palang pumipikit ang aking mga mata.

SERENDIPITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon