Chapter 3

31 1 0
                                    

"Sa kabilang mundo, kagaya ko.. You're also a traveler."

teka naguguluhan ako. Anong traveler?!

"Anong traveler na pinagsasabi mo e wala nga akong pera pantravel!"

"Baliw! Hindi ganun na iniisip mo ang ibig kong sabihin ng traveler!"

Napasamid naman ako nung pitikin nya noo ko. Feeling close to!?

"Oh so ano ibig mong sabihin ng traveler?!"

"Dream travelers."

"Dream what!? anong pinagsasabi mo!? naguguluhan ako!"

"Bakit kasi hindi mo itikom bibig mo for just a minute para maintindihan mo sinasabi ko diba!?"

Okay now, he said that with his gritted teeth so wala na kong nagawa kundi tumahimik.

"Well, ito na. Dream Travelers. Tayo yun. Yung mga galing sa kasalukuyang mundo na napupunta sa Future through our dreams. Unti lang ang may kakayahan nito, kaya kita mo. Ikaw lang ang nakita kong traveler na galing sa kasalukuyan. Nagiging dream traveler ang isang tao if ever na may matindi syang iniisip or dinadala. In other words, Stress. Mga taong stress. Pero depende din yun, if positive thinker sila or negative. You're a positive thinker so heres what happened."

"Wait, you mean nasa future tayo ngayon!? Pero nasa dreams tayo!? So if ever na magising tayo, kilala pa ba kita o kilala mo pa ako!?"

"Yup. Kakasabi ko lang nasa future tayo. At dreams natin to, kaya nga Dream Travelers diba. At yeah, may possibility na maalala mo ko at maalala kita if ever nagising na tayo."

"So lahat ng nangyayari dito satin is true?"

"Depends din ata. Di ko alam. Dyan ako di sure. Di ko kasi alam na kung nagkapowers ako dito, may powers pa din ako pagkagising ko. Pero siguro hindi."

"Aw, okay. Pero sabi mo nasa future tayo, so I understand kung bakit may mga lumilipad ng mga sasakyan, okay? Kasi nga upgraded na ang mundo natin. Pero nagtataka ako bakit mga naka barong at baro't saya sila. Di ba nila kilala ang jeans, shirt, short, skirt o kahit dress sa future!?"

"Well, that is another story."

"Sabihin mo na! Nacucurious kasi ako!"

"Bago ko sabihin, ano munang pangalan mo?"

"At bakit kailangan mong malaman!?"

"Syempre, dahil dream traveler ka at nameet mo ko. It means pag natulog ka ulit ang dream mo ay laging magsisimula kung san naputol to. So makakasama mo ko sa dreams mo lagi for sure."

WHAAAAAAAT!? LAGI KONG MAKIKITA ANG MOKONG NA TO PAG MATUTULOG AKO!!?

"Mas gugustuhin ko nalang na wag matulong." bulong ko.

"Anong sabi mo?"

"Wala, I mean I'm Amethyst."

"Amethyst what?"

"Amethyst Florence."

"Florence ang surname mo?"

"Bakit kailangan mo pa bang malaman ang surname ko!?"

"Ahhhh, yeah."

"Argh! Amethyst Florence Gardo!"

"Cute name. But the owner, ah never mind"

"Anong sabi mo!?"

"I'm kidding."

Napatigil naman ako nung may dumating na babaeng naka baro't saya na may ribbon sa ulo at may hawak na panibagong baro't saya.
Nagbow muna sya samin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 01, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

SERENDIPITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon