Chapter 2

39 1 0
                                    

"Amethyst Florence Gardo! Kanina ka pa tulala dyan, nagcutting nga tayong dalawa pero pakiramdam ko ako lang yung nagcutting mag isa eh. Ano bang iniisip mo? Care to share?"
Nagising naman ang aking diwa ng magsalita si Jennie na ngayon ay kumakain ng ice cream. Nasa park pala kami ngayon, tinatamad daw kasi pumuntang mall si Jennie kasi masyadong malayo.
"Ah okay lang ako. Nahilo lang talaga ako." sagot ko naman para di na sya magtanong.
"Okay sabi mo eh. By the way, kamusta na nga pala si tita Gwen?"
"Okay lang naman si mama, bakit mo sya natanong?"
"Di mo pa ba alam?"
"Ha? ang alin?"
"Di mo pa nga alam."
"Ano ba yun Jennie? Ano yung di ko alam? Bat may nangyari ba kay mama?"
"Dapat di ako ang magsabi sayo nung nangyari, dapat si Tita Gwen ang nagsasabi sayo nito."
"Yung alin ba kasi yun?!"
"Nagkita sila ni Tito June kahapon."
"A-aano? Pa-paano mo nalaman?"
"Nasabi lang ni Mommy sakin, nakita nya daw si Tita Gwen kahapon na kausap si Tito June sa coffee shop malapit sa mall."

papaano? bakit di sinabi ni mama? ano namang pinagusapan nila ng walang hiyang yun?

"Thyst, okay ka lang ba? Dapat di ko na sinabi sayo e. Patay na naman ako nito kay mommy." pagaalalang sabi ni Jennie.
"Wag kang magalala, di ako gagawa ng gulo pero Jen, alis na ko. Nahihilo na kasi talaga ako." tumakbo na ko paalis kasi alam kong pipigilan ako ni Jennie. Sumakay na ako agad ng tricycle papuntang bahay. Naiiyak ako pero di ko dapat ipakita sa mga taong kasabay ko sa tricycle ngayon. Nakakahiya naman baka mamaya isipin nilang nababaliw ako. Pagkadating na pagkadating ko sa bahay eh dumiretso ako agad sa kitchen, dahil sigurado akong andun si mama.

"Ma! Ma!"
"Oh sweetie, bakit anak? Anong nangyari sayo? Bat namumutla ka?" hahawakan na nya sana ang mukha ko pero tinapik ko kaagad ang kamay nya na sya namang ikinagulat nya.
"Ano bang nangyayari sayo anak?!"
"Ma sagutin mo ko! Nakipagkita ka ba kay June na yun!?"
puro galit lang ang nararamdaman ko ngayon at hindi ko alam parang gusto kong sumabog.
"Papano mo nalaman?" napayuko na si mama this time. Nalulungkot ako sa ginagawa ko pero mas pinapangunahan talaga ng galit at poot yung nasa dibdib ko. Di ko mapigilan.
"Hindi na mahalaga kung pano ko nalaman! Sagutin mo ko! Nakipagkita ka ba sa walang kwentang taong yun?!"
"Oo nak, So-s-sorry kung hindi ko nasabi agad sayo. Pinoprotektahan lang kita. Sorry nak." this time napaluhod at umiiyak na si mama sa harap ko. Naluluha ako. Ano bang nangyayari sayo Amethyst!?
"Ma bakit mo ginawa yun? Anong meron? Bakit ka nakipagkita sa kanya? Ipinangako mo sakin na hindi na natin sya kakausapin dahil kaya na nating mabuhay ng magisa pero bakit ikaw yung unang bumasag ng promise na yun!"
"Sorry nak, k-kinailangan ko kasi ng pera para sa next tuition mo kasi di naman sapat yung kinikita ko sa pagluluto. So-sorry."
At nang dahil dun, napayakap ako kay Mama.
"Ma dapat sinabi mo sakin. Hindi mo na dapat ginawa yun. Kahit na tatay ko sya, hindi natin kailangan ng tulong nya. Kakayanin natin okay? Ikaw ang mama at papa ko at the same time. Ikaw lang ma, ayoko ng masaktan ka ulit pag napalapit na naman tayo sa kanya. Ayoko na." this time tuluyan na ngang pumatak ang luha ko habang yakap yakap si mama na ngayon ay humihikbi na.

Si June ay ang tatay ko, iniwan nya kami nung 10 years old palang ako. Iniwan nya kami dahil sa babae nya, dahil nakabuntis sya ng iba. Simula nung araw na iwan nya kami, nakita ko kung pano magluksa si mama sa ginawa ni papa kaya simula din ng araw na yun, nangako ako kay mama at sya naman sakin, na hinding hindi na namin kakailanganin ng tulong nya at mabubuhay kami kahit kaming dalawa lang. And look, lumaki naman ako ng maayos kahit wala sya. Di ko sya kailangan.

Inalalayan ko na si mama na umupo at dun, ako na ang naghanda ng kakainin namin, tahimik lang kaming kumakain.
"Ma.. Sorry pala nataasan kita ng boses kanina. Ayoko lang na masaktan ka nya ulit."
Napatigil sa pagkain si mama at napatingin naman sya sakin ng nakangiti.
"Okay lang nak. Ako dapat ang magsorry kasi di muna kita nasabihan sa ginawa ko. Sorry."
"Shh, enough na ma. Hayaan na natin yun." then i kiss her cheeks at napayakap naman sya sakin.
salamat naman, okay na si mama.
After namin kumain eh nagpaalam na kong aakyat na ko sa kwarto ko kasi 8pm narin naman nun. Habang nasa kwarto ako naalala ko si Jennie kaya tinext ko muna sya na okay na kami ni mama at di ako gumawa ng gulo. Malaking gulo to be exact hahahah.



SERENDIPITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon