(9)kilig Moments 🆗

31.6K 817 17
                                    

ℹ💙Ⓜ

✏✏✏✏✏✏

🌸🌸🌸

Carla P.O.V

Matuling lumipas ang mga araw na matiwasay.

unting unti nakapag adjust si carla sa mundong ginagalawan ni kent.

masyado itong abala sa kumpanya, samantalang siya ay abala rin sa pag aaral niya.

minsan sumasagi sa isipan niya tito at tita nya, hinahanap kaya siya ng mga ito.

Ano kaya ang nangyari sa kanya sa matandang intsik na iyon kung hindi siya nakapasok sa kwarto ni kent.

kaya kahit ganong pagkakataon sila nagtagpo ng asawa ay masaya siya dahil sa piling nito ligtas ang pakiramdam niya.

Umaasa siya na sana maging maayos ang darating na mga araw.

muntik niya ng makalimutan na sa loob pala siya ng library at pagtingin niya sa relo niya ay alas says na pala ng gabi kaya pala mangilan ngilan na lang ang mga estudyante na nasa loob at madilim na rin sa labas.

Agad niyang iniligpit ang mga gamit at dali daling lumabas sa silid aklatan.

Napatda siya paglabas ng gate ng paaralan dahil nagkukumpulan ang mga studyante.

kalat na ang dilim,anong meron at nandito pa sila, mga babae halos ang naroon. at iyong iba nagkanda haba ang leeg sa kung anong tinitingnan sa gilid ng kanilang paaralan.

Sa isip niya baka artista, kaya hindi na siya naki usyoso pa baka lalo pa siyang gabihin pag uwi.

Palinga linga siya hinahanap ang sasakyan na sumusundo sa kanya.

Nagulat pa siya ng may kumalabit sa kanya, paglingon niya ay ang kaibigan pa lang si juna.

"Ano ka ba naman juna papatayin mo ba ako sa gulat"

pahayag niya dito, na tinawanan lang siya.

"over ka naman sissy, wala pa naman akong narinig na namatay dahil ginulat..pwera lang kung may sakit ka sa puso,eh wla ka namang sakit."

Nakangising sabi nito.

"Wala pa nga baka ako pang una, bakit ka ba kasi nanggugulat ka"

Inis na sabi niya.

"Wala, tatanong ko lang kung uuwi ka na,"

napailing na lang siya "sissy"ang tawagan nila kasi magkapatid na iyong turingan nilang dalawa, ito lang ang nabubukod tanging kaibigan niya sa unibersidad.

dito nawawala ang mahiyaing carla pagkasama niya ang kaibigan, dahil sa pagiging taklesa nito.

kaya mahal na mahal niya ito, dahil dito niya nailalabas lahat ng hinanakit niya sa pamilya.. mga problema niya kaya nga naguiguilty siya sa hindi pagsabi dito ang tungkol sa asawa niya, sasabihin din naman niya humahanap lang siya ng pagkakataon.

"hoy bat parang namatanda ka na dyan?"

sabi nito na may pa pitik pitik pa.

"My Bashful Wife" Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon