Kathlene Point of ViewHalos 1 month ng natutulog si Cax. Halos 1 month na rin na di ako pumapasok. Yung parents at kuya nya nasa ibang bansa at di rin nila alam na comatus si Cax. Si Lance and Bryan dumadalaw dalawa sila at nagdadala ng mga pagkain at sila rin kumukuha ng damit ni Cax. Hindi ko alam pero bago namin nalaman na coma sya sabi nya nahihilo sya at sinugod namin at yun coma na pala.
*tok tok*
"Pasok." sigaw ko.
"Kuya Harvey?"
"Kath, bat di mo sinabi?"
"I'm sorry kuya Harvey."
"Kailan pa?"
"1 month na rin."
"Sorry talaga kuya. Wag mo sana ipaalam kina Tita at Tito."
"So pano nangyari to?"
Kwinento ko lahat ng nangyari kay kuya Harvey.
"Walang kwenta talaga yang Paul na yan!"
"Kuya? Kath?"
"CAX! Gising kana!!!!!!!!"
"Hi princess." sabi ni kuya Harvey at ngumiti.
"Matagal ba kong nakatulog?"
"1 month bessy." sagot ko.
"Bessy ikaw ba nagbantay sakin sa buong isang buwan?"
"Yup."
"Di ka pumasok?"
"Nope."
"Eh bessy paano—"
"I already talked to the dean and pumayag naman sya."
"Sure?"
"Sure."
"Kumain ka muna princess." alok ng prutas ni kuya Harvey kay Cax.
"Kuya, Kath pwede na ko umuwi ngayon?" sabi nya sabay kagat sa apple.
"Ano ka ba bessy. Bukas siguro, at di ka muna pwede lumabas for 1-2 weeks." sabi ko.
"Hmp. So mag isa ko sa bahay ng 1-2 weeks?" sabi nya sa malungkot na tono.
"Ofcourse not. Kasama mo parin ako. Sabi ko sa dean na sasabay ako papasok sayo." sagot ko.
"Mabuti ng sigurado." sabi nya.
"Anyways, alam ba nila mom to?" tanong nya.
"Hindi princess. Gusto mo ba sabihin namin?" sabi ni kuya Harvey.
"Kuya and Kath please wag na." sabi nya at sumangayon naman agad kami ni kuya Harvey.
"Okay but next time take care of yourself, okay?" And Cax nodded as an answer.
*tok tok*
Tumayo si kuya Harvey para buksan ang pinto.
Si Paul? Pumunta dito? SyempreJoke. Si Lance at Bryan.
"Uy Cax gising kana!" sabi ni Bryan.
"Hindi tulog pa ko." at nagtulog tulogan pa si Cax.
"Excuse me." sabi ni kuya Harvey at lumabas ng kwarto.
"Tara gala na tayo!" masayang sabi ni Lance.
"Love, no. Bukas pa sya lalabas at 1-2 weeks bawal sya lumabas." pag pigil ko, at nalungkot ang mokong.
"Love naman—"
"Gusto mo ba mapahamak si Cax?"
"No."
"Bessy dinalaw ba ko ni Paul?" ang dahilan kung bakit tumahimik.
"Hindi bessy." sabi ko at nakita ko ang lungkot sa mukha ni Cax.
"Cax maging masaya ka naman, wag mo muna isipin si Paul please?" pagmamaka awa ko.
"Okay!" at bigla sya naging masigla.
"Soundtrip naman!" sabi ko. nagpatugtog kami ni Cax ng BTS Songs, certified ARMY kami.
"Dollar dollar!" pag jajamming namin. and those faces of Bry and Lance is priceless. HAHAHAHA, wala silang ka alam alam sa mga pinapatugtog namin at di naman nila kami mapipigilan.
"Kim Nam Joon, Kim Seok Jin, Min Yoongi, Jung Ho Seok, Park Jimin, Kim Taehyung, Jeon Jungkook, BTS!"
"Yolo yolo yolo yah!" Go Go! One of my current fave song.
The energetic and happy Cax is back!
Spring Day naman ang pinatugtog namin.
"Spring Day yan diba? Maganda yan." napatingin kami kay Lance nung narinig namin yung mga salitang yan.
"FANBOY!!!" sigaw namin.
"Hehe." sabay kamot sa batok ni Lance. ang cute naman love. ay lande hahaha joke.
Bumukas ang pinto at pumasok si kuya Harvey.
"I'm sorry princess, kailangan ko na umalis. Kath, Bry, Lance kayo na bahala kay Cax. Salamat." sabi ni kuya Harvey at nagpaalam na.
Nagstop yung music dahil may tumawag sakin.
"Wait lang ah." sabi ko at lumabas muna na ng kwarto.
Unknown Number calling..
Sinagot ko ito. At puro ungol ang narinig ko kaya inend ko na. Kadiri! My innocent ears!
Pumasok na ko sa kwarto at nakita kong sobrang saya ni Cax kaya napangiti ako.
"Movie marathon?" tanong ko.
"YES!!" sabi ni Cax na sobrang excited.
Nanood kami ng Conjuring 1 at mas takot pa samin yung dalawang lalaki kaya buong movie tawa kami ng tawa ni Cax.
Kinabukasan umuwi na rin si Cax sa bahay nila at kumuha ako ng pang 1-2 weeks na damit pati na rin uniform sa bahay bago ako dumiretso kila Cax.
____________________
End of Chapter 22
–
Free lang ang vote kaya please guys vote kayo! Tenchu bery mats! More reads to If I Stay!

ŞİMDİ OKUDUĞUN
If I Stay
RomanceIf Caxandra Klea Natividad stay would Paul Tyrese Gonzales choose Cax against her?