Basketball Game

5 2 0
                                        


Caxandra Point of View

Basketball game na bukas. Sana manalo ang Takufu Academy.

Kami ni Paul? Hindi ko alam basta umiiyak nalang ako sa gabi. Di ko kasi kaya yung mga sinabi nya. Pero syempre susuportahan ko parin sya.

Napag planuhan ng class namin na mag pa banner daw for varsitys since ako ang business manager ako na assigned, absent kasi yung isa naming business manager eh. Kaya mamaya kailangan ko umalis.

*

/the day after/

Basketball game na! Excited na ko manood. Go Takufu Academy! Laban!

After 10 minutes nag start na rin ang game. Todo cheer ang school namin at ng school ng kabila.

Bat ganun? Di shoot mga tama ni Paul? Pero syempre naisasalba parin ng ibang teammates nya.

Nakita kong pinagalitan sya ng coach nila kaya bumawi sila.




Atlast nanalo rin ang Takufu Academy. Yay!

"Congrats!" bati ko kina Paul. pero paul didn't respond. yung parang wala syang narinig. yung di ako nag eexist para sakanya. ang sakit pala, lecheng pag ibig!

"Thank you Caxandra." sabi ni Lance.

"Salamat." sabi ni Bryan.

Nag pasalamat din ang ibang varsitys.

"Ehem ehem. PDA masyado eh." sabi ng isang varsity player kina Kath at Lance.

"As usual." sabi ko.

At nagtawanan kami at napansin kong wala si Paul. iniiwasan nya ba ko?

"Saan celebration?"

"Sa bahay namin!" pag vovolunteer ni Lance.

"7:30pm guys. See you later!" sabi nya at umalis na.

Uuwi muna ako at magpapalit dahil pawis na ako.

Magpapalit lang ako ng shirt. Yung sinuot kong shirt ay isa sa binigay ni Paul. Comfortable kasi ako dito.

Andito na ko sa bahay nila Lance. Si Kath ang kasama ko kasi si Lance nag aasikaso ng bisita.

Kain at usap lang kami ni Kath hanggang sa pawala na ang mga tao, at dumating si Lance at Bryan na may dalang alak.

"Pwede kayo?" tanong ni Bryan.

"No"

"Yes"

Sabay kaming sumagot ni Kath.

"Cax. Wag kang uminom!" suway sakin ni Kath.

"Pero Kath, kapag may problema iniinom daw..



may malaki akong problema eh..





Eh si Paul may sinasabi sya na may new boyfriend daw ako si Calvin daw ang pangalan at nagsend daw ako ng pictures namin...

W-wala naman akong i-ibang boyfriend s-sya lang." di ko napansin na umiiyak na pala ako.

"Pero Cax, di alak ang solusyon." sabi ni Kath.

"Kath, konti lang please?" pag pipilit ko kay Kath.

"Cax–" bago nya pa matuloy ang sinasabi nya tumungga na ko ng isang baso tuloy tuloy ko itong ininom.

"O inom ka Kath." iniabot ko ang isang baso at nagulat ako ng ininom nya ito.

"Isa pa Bry." mukhang lasing na ko. hindi kaya ko pa!

"Lasing kana Cax."

"Hindi pa."

"Alam nyo ba.. may lalaking tumabi saakin tapos naglagay ng panyo sa ilong ko at nawalan ako ng malay. Tapos pag gising ko nasa condo daw ako ni Beatrize Buenavista nagpakilala sya at safe na raw ako.. tapos bigla akong tumawag kay Paul at break na daw kami. Bat ganun Kath? Lance? Bry? May Calvin pa daw ewan ko ba.. Mahal na mahal ko si Paul."

Kathlene Point of View

Nakatulog na si Cax sa kaka kwento at kaka iyak. Naaawa ako sakanya, kasi nakwento nya na before daw sila mag land dito galing Palawan, si Paul daw sobrang cold. Tapos pagdating naman daw dito wala syang kasama kasi nagprapractice kaming apat, tapos nakipag break pa daw si Paul.

Sinabi pa nya yung Calvin at Beatrize, teka Calvin at Beatrize!?

Flashback

I heard from Lance and Bryan na fixed marriage daw si Paul. Kaya nagiging cold daw sya. At sinasabi daw ni Tita Charina na maki pag break na si Paul kay Cax. Sabi pa daw ni Beatrize yung fianceé ni Paul na may nangyari daw sakanya and she's pregnant.

"Calvin, make sure na walang naka alam sa ginawa natin okay? Here's the money!" at may iniabot yung babae. yung babae parang si...

BEATRIZE?!

Nagtago ako at nakinig sa usapan nila. Sinet up nila si Cax para magalit si Paul! Di pwede to!

End of Flashback

"Lahat ng nangyari kay Cax ay set up. Narinig ko na nag uusap yung Calvin at si Beatrize. Binayaran pa ni Beatrize sk Calvin para di sabihin ang kanilang na pag usapan.

At narinig ko rin na di talaga buntis si Beatrize, ginawa pa daw nila yun kasi panira daw si Cax sa love story nila ni Paul."

"What?!" Sabay na tanong ni Bryan at Lance.

"We should teach her a lesson."

"We should. Kung ano ang bagay sakanya."

"Sinira nya ang relasyon nina Paul at Cax."

____________________

End of Chapter 17

65 reads! Di na aabot sa 10 votes haha in my sweetest dreams nalang yun. 70 reads talaga promise, irereveal ko yung title. hihi! please vote thankyouuuu.

If I StayHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin