Day 1: "The Breakup"

547 15 8
                                        

Kelly’s POV

Nagsimula ang pagguho ng mundo ko sa araw na ito…

April 12,2012

Luneta Park

Excited na excited akong Makita ang aking tiger na si Ralph. Oo, “tiger” ang tawag ko sa kanya tapos “lily” naman tawag niya sa akin. Ang cute di ba? Hihihi…

Ay! Ano ba yan! Dapat naiinis ako pag naa-alala ko yung nangyari eh!

Ito yun…

Naglalakad lakad ako at hinahanap ang aking tiger. Tapos, nakita ko bigla si Leila na choir mate ko at babatiin ko sana kaso nakita ko na may kausap siyang lalake na nakatalikod kaya di ko nakita yung mukha. Hindi naman ako echosera ano para guluhin ang date nila. Tinitigan ko lang sila muna for a moment…

Ang ganda ng tindig nung lalaki parang si tiger ko lang. Teka, yung pananamit niya ay parang si tiger ko din! Kaya, nagiba ake ang anggulo para makita ko yung mukha nung lalake…

Oh no…

Si tiger ko nga!

Nagulat pa ako sa sumunod na pangyayari…

Hinalikan ni Leila si tiger ko!

Hindi lang sa cheeks…

Kundi sa lips!

Ang mas masakit pa…

Hindi nanlaban ang tiger ko!

Mga traydor!

Dumilim ang paningin ko at…

*PLAK!*

Sam’s POV

Ayoko talagang lumabas ng bahay noong araw na iyon. Ang init init kasi! Kaso, pinilit ako ni ate na makipagkita dun sa client niya dahil may iba pa siyang appointments. Ayan tuloy, nakakita ako ng hindi inaasahan…

Nakaka-badtrip talaga!

April 12,2012

Luneta Park

Ang init talaga ng araw na iyon, siguro umabot sa “36 degree Celsius”ang init. Kaya naman, “super badtrip” ako. Ang tagal pa dumating nung client ni ate dahil trapik daw. Kaya, umupo na lang ako sa isang bench na malapit sa pino para hindi maabot ng init ng araw…

Silong silong din…

*hintay mode*

~after 30 min.~

Ano ba yan! 30 min. na at wala pa rin yung client! Kainis naman oh!

*caller ringtone: “Dream High”*

Tumatawag si kainis na client…

“Hello?” sagot ko na kalamado kahit “super badtrip” na ako. Syempre, “You must treat your clients nicely” na isang rule sa business…

*ilang sandali*

“Ano po!? Di po kayo makakapunta!? May emergency!? Eh, paano po yung usapan natin!?” sagot ko naman na natataranta na. Hindi kasi ako sanay sa ganito ano!

*ilang sandali*

“Ah, sige po. Salamat po.”, sabi ko at natapos na ang tawag. Sinabi pala ng client ng ate ko na tuloy pa rin ang “deal” niya sa “business” naming at huwag akong mag-alala. Pagkatapos niyon, tumayo na ako at aalis na sa park ng mapadaan ako at may nakitang hindi inaasahan…

"PARTNER SWAP" by: XesnainMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon