Day 7: "Operation Aral"

313 8 7
                                    

Day 7: “Operation Aral”

Sam’s POV

Gulat ba kayo dahil naglalakad kami pauwi?

Well, kasi naman “walking distance” lang pala ang bahay naming sa bahay nina Kelly…

As in “walking distance”

Kasi naman, MAGKAPITBAHAY po kami…

O_________O (Gulat kayo ano? Ako din kasi!)

Hindi rin ako makapaniwala nung una, kasi hindi ko naman nakikita si Kelly ni isang beses sa labas ng bahay nila o dito man lang subdivision…

Yun pala, kakalipat lang niya at nakatira siya sa isang “condo” sa “Maynila” ayon sa aking  “source” na tsaka ko na lang ipapakilala…

At ito namang si Jason, ang dahilan kung bakit hindi rin umaalis o lumalabas ng bahay si Irish kasi naman may nagawa ata siyang masama ditto na ayaw niya namang sabihin sa akin…

Hay, nagsisimula nang magsikreto sa kuya…

Balik na nga tayo sa huling nangyari…

“Jason, Sam…don’t ever tease again Mr. and Mrs. Bermudez’s daughters. Please…” sabi ni umma habang naglalakad kami pauwi

*meow*

“Umma naman, wala naman akong kasalanan sa nangyari. Ito kayang si Mic-mik ang may kasalanan!” pagrarason ni Jason habang buhat ang alagang pusa na si Mic-mik

Oo, “Mic-mik”

Yan daw ang “spelling” ng pangalan ng alaga niyang pusa

Ewan ko ba kung bakit…

Pwede naman Mik-mik di ba? Bakit kailangang Mic-mik pa? Yan ang itanong niyo sa kanya at huwag sa akin…

Siya ang amo eh! Hindi naman ako

“Well, Kelly will be your sister-in-law soon and Irish…” biglang napatigil si umma kasi alam ni umma na may problema sina Jason at Irish

“Jason, you need to get in good terms with Irish…please…” sabi ni umma na mukhang “stressed na stressed” sa lahat ng nangyari

*meow*

*lightbulb*

EUREKA!!! 

*pause*

Biglang e-extra si Irish sa screen na naka-“teacher’s outfit” with glasses na siya!

Irish’s Trivia 101:

Meaning ng “Eureka” ay “I have found it!”

Ito naman ay pinasikat ni Archimedes

*play, aalis si Irish na umextra lang sa screen at itutuloy na ang istorya*

Alam ko na! Alam ko na kung paano pagbabatiin sina Irish at Jason! Galing ko talaga!

Mayroon na namang dalawang maliit na nilalang na lumilipad dito sa ulo ko…

Mini Sam01: Hoy! Huwag lumaki ang ulo!

Mini Sam02: Na-miss niyo ba kami? *wave*

"PARTNER SWAP" by: XesnainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon