Day 3: “Moving on”
Kelly’s POV
May 1, 2012
Bermudez Residence
Mga dalawang lingo na din since nag-“break up” kami ni Ralph…
Naka-“get over” na ako sa pagtawag sa kanya ng tiger…
Lumipat nap ala ako sa bahay naming dito sa Las Pinas na hindi alam ni Ralph kung nasaan dahil nakatira naman ako sa isang condo sa Maynila dati nung nakilala ko siya para masanay akong mabuhay mag-isa…
I’m an independent type of girl kaya! ~_^
Pero ngayon, bumalik na ako sa piling ng pamilya ko…
Iniba ko na rin ang “sim card” ko para hindi na niya ako ma-contact pa kahit kailan at si Sam lang at ang pamilya ko ang may alam ng bago kong number…
Speaking of Sam, ilang beses na niya akong kinulit kung ano ang address ko pero hindi ko pa rin sinasabi sa kanya kasi ayaw ko pang mag-start agad ng isang relationship…
Kung pupwede lang, ayaw ko nang masaktan at ayaw ko nang makasakit pa…
Pero, may “deal” na kami eh…
At kahit “act” lang ang hinhihingi sa akin ni Sam, ayokong lumabas na panakip butas ko lang si Sam sa sakit na nararamdaman ko…hindi pa din kasi tuluyan na naghihilom ang puso ko..
Hindi na ako pwede umayaw! Hindi naman ako yung tipo ng tao na sumisira ng promises…
Di tulad ng “dalawa” diyan! (may pinariringan ako at alam kong alam niyo kung sino ang “dalawa” na iyon)
Magfi-“first year college” na pala ako sa pasukan…
Sayang nga eh, ayaw kong umalis sa condo para mas malapit sa school ko kaso kailangan talaga para matakasan ko na si Ralph nang tuluyan…
“Kelly, are you okay?” tanong sa akin ni mommy
“Yes, mommy” I lied
“Really?” tanong niya na may tono ng pagdududa
Alam kong alam niya na hindi ako “Okay” kasi kabisado ni mommy ugali ko…
“If you’re really okay…then, I’ll tell something to you” biglang singit naman itong si daddy pagkatapos niyang uminom ng kape
Kumakain nga pala kami ng “breakfast” ngayon…
“What is it?” tanong ko at kinain ko yung “special toasted bread” ko (“special” yun kasi “toasted na toasted to the highest level” yun meaning yung may onting sunog, yun kasi gusto ko eh! Tapos, tadtad pa yun ng “star margarine” hehehe! Promotion! at “sugar” na hindi ko alam ang brand)
“I already have arranged a fiancé to you as soon that I heard you and Ralph broke up” sabi ni daddy
Bigla ko tuloy naibuga yung “special toasted bread” na kinakain ko sa gulat
“WHAT!?” reaksyon ko- OoO
Paano na yung plano namin ni Sam?

BINABASA MO ANG
"PARTNER SWAP" by: Xesnain
Teen FictionA certain girl’s POV Paano kung malaman mo na may ibang karelasyon ang “boyfriend” mo? Tapos, kakilala mo pa! To be specific, nalaman kong may ibang babae ang boyfriend ko at ka-choir mate ko pa! A certain boy’s POV Paano kung malaman mo na may iban...