"Pinapatawag kayo ng ating mahal na Supremo" anunsyo ng isang may edad na Erodus
(Erodus ay isang gwardya o tagabantay ng kalangitan)
Napatigil ang lahat sa kani-kanilang ginagawa dahil sa anunsyo
"Bakit kaya nagpatawag ang Mahal kong Ama?" Tanong ng isang Babaeng anghel
"Baka naman may mahalagang sasabihin alam mo naman yun nagpapatawag lang yun kapag may nangyaring Di kaaya-aya" sagot ng isang lalaking anghel
Laglag ang balikat na sumunod ang dalawang anghel dahil naudlot na nga ang pamamasyal nila sa mundo ng mga Tao kinakabahan pa sila sa Di mawaring dahilan kung bakit nagpatawag ang Mahal na Supremo ng pagpupulong
Umupo agad Sila sa nararapat nilang upuan at kapansin-pansin na walang nagbabalak na bumasag sa katahimikan kaya napagpasyahan nya itong basagin dahil nadin sa kuryusidad na namamayani sa kanyang dibdib
"Mahal kung Ama ano pong Meron at nagpatawag kayo ng pagpupulong?"
"Mahal kung Anak! Pati narin sa lahat ng mga anghel na naririto Alam kung lahat kayo ay nagtataka kung bakit ko kayo pinatawag at ang dahilan nun ay masyado ng magulo ang nangyayari sa mundo ng mga Tao kung kaya't napagpasyahan ko at mga kunseho na kailangan ng sulusyunan sa madaling panahon hangga't hindi pa nagtatagumpay ang kasamaan"
Seryosong sabi ng Mahal na Supremo kung kaya't lahat ng mga anghel ay nakaramdam ng kaba sa dibdib"Eh ano pong dapat nating gawin?" Tanong ng isang may edad na anghel na nagngangalang Sumo
"Sumunod kayo sakin ipapakita ko sa inyo ang nangyayari sa ibaba sa mundo ng mga Tao" tumayo ito sa pagkakaupo at nagsimula ng maglakad kaya sumunod narin ang mga anghel sa kanya
"Jusko ko po" gulat na napatakip sa kanyang bibig ang isang babaeng anghel "Ama!! Anong nangyayari?"
"Kung Di pa natin gagawaan iyan ng paraan baka sa hinaharap tuluyan ng magwagi ang kasamaan"
Sabay-sabay silang napabuntong hininga
"Anong nangyari? Samantalang Noong nakaraang linggo na pumunta kami sa ibaba ayos pa naman Wala pa akong napapansin na kakaiba" bulong nya.. kahit Na pinagbabawal sya ng kanyang Ama na pumunta sa mundo ng mga Tao Di nya ito sinusunod bagkus sinusunod nya ang kagustuhan nya at ang kasiyahan nya
"Anong sabi mo Princess Elaisha Miracle? Pumupunta ka sa mundo ng mga tao? Dibat ang pinakang bilin ko sayo wag na wag Kang bababa dahil delikado pero anong ginawa mo sinuway mo naman ako" pagalit sa sabi nito sa anak na nakayuko na tila nagulat dahil di nya inaasahan na marinig nito ang binulong nya.
BINABASA MO ANG
Hellish Academy
Misteri / ThrillerIsang Di inaasahang pangyayari na bumaba sa kalupaan Isang misyong mahirap lutasin at di alam kung saan hahanap ng kasagutan Makakayanan kaya nya ang hamong ito o susuko na lang at babalik sa pinanggalingan Tatanggapin pa kaya sya o itatakwil ng kal...