Hellish University

6 0 0
                                    

' wag magpapadala sa labas na kaanyuan dahil Ang pagtitiwala Ang sasakit Sayo parang pag-ibig pag sa kaanyuan mo tiningnan baka bigla ka na lang lumagapak at sa baba ka na lang matatagpuan'

***

Tinuro sa Amin Ang magiging dorm namin.mag kahiwalay pala Ang dorm ng babae at lalaki. Ang masasabi ko sa school maganda sya Ang kaso nakakatakot din. Iba kase kung makatingin ang mga studyante dito.

Ng malaman ko Na ung dorm ko,dumeretso na ako sa office para kunin Ang schedule ko.ewan ko ba dun kay nathan may sariling Buhay naman sya tapos bigla-bigla na lang syang nawawala Ang hirap pa naman nyang hanapin kung saan-saan kase nagsisinuot.

"Hello Ms.kieffer" bungad sa akin ng isang lalaking,siguro nasa 50+ na ito.

"Hello din po" Sabi ko di ko naman Kase alam Ang pangalan Nya.

Umupo ako sa sofa na kaharap Nya.

"Ako nga pala si deym, ang principal ng school" Ahh! Tumango na lang ako,sa totoo lang kase naiilang ako.ewan ko ba Pero pakiramdam ko parang may mali sa kanya o ako Ang may mali.

"Maraming rules Ang school na to, una,bawal lumabas ng school lalo na't Gabi dahil delikado" napalunok ako,pakiramdam ko may iba pang meaning ung  unang rules

"Pangalawa,pag nag transfer kana di kana makakabalik sa datingn mong school dahil dito kana Hanggang sa makapagtapos kana ng pag-aaral" okey!

"Pangatlo bawal pumatay"

"Syempre naman sir! Bad kaya Yun" alma ko.

"Pang-apat wag kang magtitiwala sa paligid Mo dahil baka ito Ang maglaglag sayo at magpahamak sayo" nakangiti nitong sabi,kinilabutan tuloy ako.

' ano bang Meron dito sa school na to?' tanong ko sa sarili ko.

Di na ako nagtagal at umalis narin ako.

"Hay! Kapagod" di ko pa pala nalagay ung mga damit ko. Inayos ko Na Muna ito saka lumabas ng dorm para kumain sa cafeteria.

Pagdating ko dun kakaunti lang ung mga tao.bumili lang ako ng adobong manok,kanin,juice sakà spaghetti.

"Kung Ako sa kanya di na ako nag-aral pa dito" kaso di ako ikaw.

"Di Nya alam Ang pinasok Nya"

"Maling-mali na pumasok pa sya dito"

Hay bat Ang daming chismosa dito? Sikat na pala ako.ganun ba dito pag may nag transfer dapat alam ng lahat ng estudyante? Wow

Di ko Na lang Sila pinansin at nagtuloy-tuloy na lang sa pagkain.bahala Sila magsasalita dyan Basta ako kakain.

"Blurpppp" nabusog ako dun ah!

Pagkatapos Kong kumain umalis na ako dun naaalibadbaran lang ako sa kanila,maalam pa kase Sila.hay naku nagiging bad na ako, kahapon pa.mamaya nga magdadasal ako at hihingi ng tawad

Nag-ayos na lang Muna ako ng magiging kwarto ko.masyado kaseng makalat.napatingin ako sa kama na kalapit ng kama ko.may makakasama pala ako dito? Di ko napansin kanina.

Nagpatuloy lang ako sa pag-aayos.napapakanta pa nga ako ng Wala sa oras Hanggang sa bumukas Ang pinto kaya napatingin ako dito.

Ito na ata ung makakasama ko dito.

Niluwa nito Ang isang babae na maputi,hanggang balikat Ang buhok,di katangkadan di rin sya pandak katamtaman lang siguro hanggang tenga ko sya sa madaling salita Ang cute Nya tapos naka headband pa sya.ang sarap pisilin Ang pisngi.

"Hello po" bati nito

"Hello din" Sabi ko.dumeretso ito sa kama Nya at bigla na lang humiga.

Magtatanong na sana ako ng may magsalita sa may pinto kaya napatingin ako dito.

"Lhei,tara kase sa cafeteria" Sabi Nung babae.pumasok ito at lumapit dun sa cute na naka headband

"Ayoko nga mads! Bat Ang kulit Mo?" Naiiritang sagot ni lhei. Tinawag kase syang lhei kaya siguro lhei pangalan Nya

"Nagugutom na kase ako" reklamo ni mads

"Edi kumain ka"

Nagpabalik-balik Ang tingin ko sa kanila.ang cute nila magtalo

"Mahiya ka naman sa isa pa nating kasama" nagulat ako ng tumingin sa akin ung mads,halata dito Ang gulat

"A-ahh e-hh h-ello po"

"Bakit di kapaba kumakain?" Tanong ko.

"Ahh O-Opo" napapakamot nitong sagot.

Di ko alam bigla na lang may umilaw sa isipan ko,imbis na magtalo Sila dyan Yun na lang Ang gagawin ko.

"Ipagluluto Kita! Mayroon namang pwedeng iluto dyan sa may ref" Sabi ko. Nabigla ako ng yakapin ako nito at Kita sa Mata nito Ang saya.

"Wag kang hihingi huh lhei" Sabi ni mads at hinila na ako papuntang kusina.hindi naman sya halatang excited?

"Ano nga pala pangalan Mo po?"

"Princess elaisha miracle kieffer! Bahala kana kung Anong gusto mong itawag" Ang haba kase ng pangalan ko kaya Minsan nalilito na ako sa dami ba namang tumatawag sa akin ng kung ano-ano.

"Uhm! Elaisha po"

"Hindi! Pem! Ate pem" sabat ni lhei

"Bakit pem?" Oo nga Ang layo sa name ko

"Simple princess elaisha miracle kunin Mo ung unang letter sa bawat name Nya,princess ay "P" sa elaisha ay "E" at sa Miracle ay "M" pagpinagsama-sama Mo Pem" confidence na sagot nito. Okey din

"Sounds good" napalakpak pang Sabi ni mads.

Nagluto na ako habang ung dalawa payuna  na naman nagtatalo.buti na lang at marunong akong magluto tinuruan kase ako ni Ama.

' kamusta na kaya sya?'

"Kakain na" kahit kumain na ako,kumain ulit ako Wala eh nagutom sa kakaimis

Pagkatapos naming kumain,niligpit Nung dalawa Sila na daw Ang bahala kaya dumeretso na ako sa C.R para maligo.sakto namang paglabas ko nasa kwarto narin sila.

"Ako na Muna" Sabi ni mads at pumasok na sa C.r

Pinunasan ko Na lang ung buhok ko at saka humiga na. bukas na ako papasok.

"Night na" paalam ko

"Night narin" Sabi nya.

Agad akong dinapuan ng antok siguro sa pagod din kaya agad akong natulog




"Gumising ka na ate"

Hellish AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon