Pagbaba sa Lupa

8 0 0
                                    


Sana po basahin nyo rin ang iba kong story Yun lang po at maraming salamat

------

"Narito ang aking basbas... Nawa mapagtagumpayan nyo ang misyong Ito at bumalik ng ligtas" Sabi ni Ama habang ang kamay nito ay nakapatong sa ulo namin ni Nathaniel habang kami ay nakaluhod sa harap nya "maging ligtas nawa kayo sa inyong pagbaba"

Pagkatapos nya kami bigyan ng pahintulot ay tumayo na kaming dalawa at madamdaming niyakap ko agad ang aking Ama una sa kadahilanang di ako sanay ng hindi sya makikita at baka Ito na ang huli kong yakap sa kanya dahil di ko naman alam ang mangyayari sa Amin at pangalawa sya ang aking Ama at ang huli ay mamimiss ko sya ng sobra-sobra

"Mag-iingat ka aking Anak, tandaan mo lagi lang akong nakasubaybay sa inyo mahal na mahal Kita" mas lalo akong napaiyak sa sinabi ni Ama mas lalo ko pang hinigpitan ang yakap ko sa kanya"wag kayong mag-alala pagbaba nyo Alam kung may mabuting tao ang tutulong sa inyo"
Tumango na lang Ako at kumalas na sa yakap at pinasadahan ko rin ang mga anghel ng isang mahigpit na yakap lalong lalo na si Marie at Faye na pinakang malapit na kaibigan sa akin.

"Tara na" Yaya ni Nathaniel sa huling beses niyakap kong muli ang aking Ama bago lumapit kay Nathaniel

"Mag-iingat kayo" malungkot nilang sabi kaya ngumiti Ako ng isang abot tengang ngiti para icheer up Sila

"Mamimiss namin kayo!" Tumango na lang kami bilang tugon bago tumalikod

Binuka na namin ang pakpak namin at pinagaspas. Muli akong lumingon sa kanila at tumalikod Saka pinikit ang aking mata


Ramdam ko ang aming pagbaba dahil parang hinuhukay ang aking lamang loob pagmulat ko sari-saring ingay at maraming tao ang bumugad sa amin kaya agad akong nangamba na baka makita nila kami

"Nathaniel baka nakita nila tayo habang bumababa?" Hysterical kong sabi Kase naman eh

"Wag kang mag-alala di nila tayo nakikita once na mabasag ang salamin na nakapalibot sa atin Saka nila tayo makikita at kahit na nabasag ang salamin hanggat ayaw nating magpakita sa kanila di nila tayo makikita s" natatawa nitong sabi kaya nakapante na ang aking loob

Napasimangot Ako ng makita kong iba na ang suot ni Nathaniel ang daya ginamit ung kapangyarihan nya kaya aba bakit Ako magpapahuli gaya nya ginamit ko rin sakin at iniba ko rin ang suot ko ginawa kong pantalon at simpleng t-shirt Saka flatshoes bago namin binasag ang salamin na nakapalibot sa Amin oh Diba ang cool namin hakhakhak^_^ maganda Kase Ako

"Ang ganda ko talaga aba" puri ko sa sarili aba malamang alangan naman iba ang purihin ano Sila sinusuwerte?

"Isip Bata naman minsan " Saka tinawanan Ako kaya nanlilisik ang mata ang pinukol ko sa kanya

"Shout-up"

"Hahahaha dahil dyan sa kagagala mo Dito sa Mundo ng mga tao ang Dami mo nang natutunan pati pagmumura Alam mo na"

"Wow hiya naman Ako sa kanya parang di sya ah" at inirapan ko sya at umuna ng maglakad pero napahinto Ako ng mapagtanto kong di ko nga Alam kung saan Ako pupunta kaya inis na humarap Ako kay Nathaniel na sa ngaun ay sumisipol

"Oh!! Bat ka bamabalik?" Natatawa nitong tanong kaya binatukan ko agad aba'y namumoblema na nga Ako kung saan kami tutuloy samantalang sya pasimple-simple lang

"Nagawa mo pang tumawa samantalang wala na nga tayong matutuluyan" sermon ko Dito

"Wag kang mag-alala si Nathaniel ang Kasama mo" pagyayabang nito at inayos pa ang kwelyo nito tss pacool ang lintek.

Nauna na itong maglakad at nilapasan Ako habang sumisipol pa. kaya sinundan ko na lang din sya ang lalaki nga ng hakbang eh naiiwan na tuloy Ako kaya tumakbo Ako saktong naabutan ko sya ay tumigil na sya.

"Ano na naman?" Naiirita kong tanong sa kanya

"Andito na tayo" Bigla akong napatingin kay Nathaniel na sa ngaun ay nakatingin sa isang bahay na malaki

"Anong Meron dyan?" Nagtataka kong tanong sa kanya. Kilala kaya nya ang may-ari ng bahay na yan?

Nagulat na lamang Ako sa sunod nyang ginawa pinundot nya button at Ito ay tumunog.manghang-mangha si ako sa ginawa nya Wow magic choss


"Sino po sila?"

"Ayy! Kabayong bundat!" Ano ba tong si manong nangugulat. Sapakin ko kaya to?

"Anong problema nyo manong huh? Nanggugulat ka ei may galit ka ba Sakin?" Inis Kong tanong dito

Hellish AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon