Chapter 5: Recollection

13 3 0
                                    

Shannon's POV

Nandiyan na siya, yumuko ako tulad ng ilang estudyante sa paligid pero napansin ko si Oppa Sungit sa tabi ko na hindi yumuyuko at tinitignan lang ang papalakad na Principal.

Bigla ko siyang sinabihan ng "Pst! Oppa Sungit yumuko ka"

"Oppa"

"Wahhh Oppa"

Pero tila wala siyang narinig.

Palampas na ang Principal sa kinatatayuan namin ng bigla itong lumingon, tumingin kay Oppa at biglang nagsalita.

"So you're the new kid Welcome to Enorme University" sabay ngiti nito na hindi ko alam kung natutuwa o nangiinis.
Tinignan ko ang reaksyon ni Oppa Jin kaso wala naman akong nakikitang emosyon sa mukha niya , tinitigan niya lang ang principal at sinundan ng tingin nung tuluyang umalis ito.

Inaayos ko ang sarili ko mula sa pagkakayuko at hinarap siya at biglang nagsalita

"What was that? Kung makatingin ka naman sa kanya parang matagal mo na siyang kilala"
Wala manlang akong nakuhang response linear kami, linear.
Patuloy siya sa paglalakad at patuloy ko siyang kinukulit nang may nakita kaming nagkukumpulang mga estudyante sa gilid ng field bigla akong kinabahan at tumakbo papunta roon
Ang daming bulong- bulungan sa paligid

"Grabe naman yung ginawa sa kanya!"

"Walang awa"

May nakita akong isang isang babae na nakabitay sa puno, marami itong sugat sa kamay at paa , wasak din ang kanyang ulo na parang hinampas ng isang matigas na bagay at tila bago palang dahil, fresh pa ang dugo na tumutulo dito. Maraming estudyante ang napasuka dahil sa nakita, Dumating na ang ilang mga Guard ng school at binaba ang babae, nakita ko si Oppa Sungit na papalapit sa babae. Tumakbo ako at bigla ko siyang pinigilan

"Jin bawal, wag!"

"Hindi ka pwedeng mangialam sa mga patayan na nangyayari dito sa school"

He answered
"Why?"

"kasi hays! Paano ko ba ie-explain, ganito kasi yan laganap talaga yung patayan dito sa school pero hindi nila hinahayaan na makapunta yung balita sa labas"
Tila nagulat siya sa narinig
"Huh? Paano naman yung mga magulang nung biktima?"

"Nakikipagsundo yung paaralan mismo sa magulang kaya walang nagrereklamo"

Sumagot siya ng "What the hell"

"Alam mo sa tingin ko may kinalaman dito ang principal, pumasok lang naman ako dito para malaman ang mga totoong nangyari"

Nagsalita pa ako "Alam ko pumasok ka sa University na ito para hindi mag-aral nararamdaman ko na may iba ka pang balak kaya magtulungan tayo Oppa!"
Sasagot na sana siya ng may biglang sumigaw na guard
"Mga bata umalis na kayo rito at magsibalik sa klase niyo, kami na ang bahala dito"
Bumalik na kami sa classroom at nakita ko si Jin na tulala napailing nalang ako.

Jin's POV

"Paaaaaaa! Gising!"
Sabi ng isang bata na nasa 13 years old
"Paaaaa sabi mo di mo kami iiwan huhuhuhuhu"

Nilapitan siya ng kanya ina
"Jin anak wala na ang papa mo"

May lumapit na pulis sa mag-ina
"Ma'am tatlong tama po ng baril ang tumama sa kanya, at nabaril siya sa loob ng isang university, dahil sa pagiimbestiga ngunit hindi namin matukoy kung sino ito hayaan niyo Mrs. Kim patuloy ang aming pagiimbestiga kung sino ang may sala"

Iyak lamang ang naging tugon ng mag-ina.

"Anim na taon ng lumipas hindi ko parin makita ang taong pumatay sa aking ama, pero nararamdaman kong malapit na at magbabayad siya"
Ikinuyom ko ang aking kamao, tumayo ako at hinarap si Shannon
"Come with me"
Nagulat at sumagot siya "Anong come with me? Okay ka lang Oppa"
hindi na ako sumagot, hinila ko siya paalis ng classroom.

Beyond The TruthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon