Chapter 8: Save Me

12 2 0
                                    

Shannon's POV

Linggo ngayon walang pasok pero matapos nung matuklasan namin kagabi, napagdesisyunan namin na magkita ngayong 6:00 pm

"Tss 6:00 pm na ba't wala parin siya?"

May biglang tumakip sa bibig ko akala ko si Jin, pero dahil sa pagbango na meron dito unti-unti akong nawalan ng malay.



Jin's POV

Nakarating ako ng mga 6:15 pm "Nasan na kaya yun?"

6:50, 7:00, 7:30 pm wala parin siya nakailang tawag narin ako.

"Pst! Bata anong ginagawa mo dito, linggo ngayon walang pasok!" sabi ng isang guwardiya.

"Sir may nakita ba kayong babae dito na medyo hindi kahabaan yung buhok at may katamtamang katawan?"

"Nako wala kanino pa ako nagbabantay dito, wala akong napansin"

Shannon's POV

Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko hindi siya puting kuwarto kung sa inaakala niyo, kulay pula lahat ang sakit sa mata grabe tulad ng kwarto na nakita namin may mga aparatong pang ospital din dito napansin ko naka kadena ang mga paa at kamay ko.

"Tulong!"

"Tulungan niyo ako!"

"Pa! Ma! Jin! Huhuhuhuhu"


Narinig ko ang pagbukas ng dalawang pinto pumasok ang dalawang professor na narinig naming naguusap noon, nakaputi silang lab gown .

"Sige sigaw ka lang! Hahahahah kala mo may nakakarinig sayo? Wala!"
Sabi ng babaeng professor

"Tss kung di kayo nangialam nung batang detective na yun wala ka sana dito" Dagdag nung lalaking professor

"Anyway tutal nandito ka naman na Shannon Buenaventura isasama ka na namin sa aming eksperimento Hahahahhaha"


Shettt kinakabahan na ako naglabas siya ng mga kagamitan tulad ng syringe, tubo at yung omg! What the! yung flakka? Ibig sabihin ilalagay nila sakin yun.


"Pakawalan niyo ko!"
Pilit kong pagpupumiglas

"Bakit niyo ba ginagawa 'to ha?"

Naiiyak kong tanong, lumapit sakin ang babaemg professor

"Gusto mo ba malaman kung bakit? Ganito nalang papaikliin ko sayo itong gamot na ito" itinuro niya sakin yung flakka

"Itong gamot na ito ang magliligtas ng buong mundo"


"Sumagot ako magliligtas? Eh lalo ngang nagiging bayolente ang isang tao pag nakainom niyan!"

PAK!

Sinampal niya ako.

"Manahimik ka!"

"Sa panahon ngayon gusto ng mga tao magkaroon ng pambihirang lakas kaya gumagawa kami ng mga experiment at kapag kami ay nagtagumpay edi masaya hahaha"


Sumagot ang lalaking professor "Turukan na yan!"

"Wag!"

"Waggggg!"



Jin's POV

Lunes na ngayon hindi pa rin namin makita si Shanno geez parang akong nagso-solve ng kaso ng walang bakas na ebidensiya,
Kasama ko ngayon si SPO2 Roger Buenaventura at si Mama.

"Anak naman kung nagingat kayo diba? Jusko! saan natin siya hahagilapin?"


Hindi mapakaling sabi ni mama
"Sir Roger, Mama, kaya namin napagplanuhan na dun magkita sa tapat ng University kasi may nalaman kami, yung mga namamatay na sinasabi nilang nagsuicide pinage-eksperimentuhan nila!"

"Ano bang pinagsasabi mo anak ha?"

Nilapitan ko si Mama "Ma totoo yun! Ginagamit o nilalagay nila yung Flakka sa buhay man o patay!"


"Flakka?" ni SPO2 Roger

"Narinig ko narin yang salita na yan galing kay Detective Mark sa Papa mo, yan ba yung mga puting parang crystal? na nagiging bayolente ang isang tao na para silang zombie?"


"Tama po kayo SPO2 Roger nagkakaroon din sila ng mataas na lagnat at kakaibang lakas"

"Totoo ba yang pinagsasabi niyo ha? Kakaibang lakas?"


"Maaaa maniwala ka baka yun din yung natuklasan ni Papa kaya siya pinatay at hindi si nag suicide nung nandun siya sa University na yun!" Halos nanginginig kong sabi

Nagulat si Mama sa mga sinabi ko,nagsalita si SPO2 Roger

"Sa ngayon magpahinga muna kayo kukuha ako ng warrant para mahalugad natin ang University kinabukasan"



I'm here in my room I can't even sleep , hindi na ako makakapaghintay ng kinabukasan kinuha ko ang itim na jacket at sinuot ito dahan-dahan akong lumabas ng bahay at tuluyang pupunta ng school.

"Hahanapin kita Shannon"

"Paghihiganti kita Papa!"

Beyond The TruthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon