Chapter 7: The Plan

17 2 0
                                    

Jin's POV

Its already 9:00 pm nandito parin ako sa University, kanina habang nasa pool area kami may napansin akong dalawang papasok na sasakyan color white ang mga ito.
Merong nagsasabi sa isip ko na tuklasin ito kaya ngayon nandito ako sa pinakadulong building ng University nakita ko doon ang dalawang sasakyan kanina dahan-dahan akong umakyat madalim ang 1st, 2nd, at 3rd floor pagka-akyat ko ng 4th floor may isang room na tanging yun lamang ang nakabukas ang ilaw may nakita akong babae ba nagtatago sa kabilang side, pinagpapawisan siya na tila kinakabahan, dahan-dahan ko siyang nilapitan at tinakpan ang bibig niya.

Sinabihan ko siya ng "Sshhh! Wag kang gagalaw nandiyan sila" sinunod naman niya ako lalo kaming sumiksik sa gilid ng may narinig kaning mga yabag ng mga paa.

"Nako sino ba yung batang yun ha? Ang lakas naman ng loob niya!"

"kaya nga nabalitaan ko anak yun ni Detective Mark"

"Tss! Mana talaga sa tatay niyang pakielamero"

Boses ito ng isang babae at lalake, ng may biglang sumigaw ng "Okay guys mamaya na yan! Back to work asikasuhin niyo muna ang mga pasyente, malapit na ang deadline natin"

Napansin naming umalis na sila at pumunta sa pinakadulong kwarto,tinanggal ko na ang kamay ko sa bibig ni Shannon huminga siya ng malalim na tila nabunutan ng tinik.

"Oh Jin anong ginagawa mo dito?"

"Diba dapat ako ang nagtatanong niyan sayo?"

"Oppa alam mo ba may nalaman ako, may nabasa ako tungkol sa University na ito yung mga namamatay na sinasabi nilang nagsuicide sinasabi doon sa article na hindi nila ito nililibing kinukuha at gumagawa sila ng experiment"


Nagulat ako sa sinabi niya.

"Experiment saan? May malala pala silang dahilan kaya pinapalabas nilang suicide ang lahat"

Naglakad kami ni Shannon papalapit sa kwarto na iyon nakapatay na ang ilaw, tila may pinakadulo pa itong kwarto na ito. Nagtago kami sa likod ng cabinet dahan-dahan naming sinilip ang kanilang ginagawa at doon nakakita kami ng mga aparato na pang ospital, nakita namin yung lalakeng napagkamalang zombie sa cafeteria at yung babaeng nakabitay sa puno nung nakaraan may mga nakakabit sa kanilang mga tubo.

"Jin alis na tayo kinakabahan na ako"

"Shhh! Saglit lang, kailangan natin makita kung sino yung mga nagsalita kanina"

At nakita namin yung dalawang Professor na lalake at babae kanina sa pool at mga ilang guard na nagbabantay.

Shannon's POV

May nakita kaming kulay puting parang asin na nilalagay sa tubo, shoot pamilyar yung kulay puti.
Humarap ako kay Jin

"Jin hindi kaya yun yung flaaa, flalk--"

Sumagot siya "Flakka drugs or Bath salts"

Hindi ko namalayan na nasagi ko pala ang isang baso sa gilid nalaglag at nabasag ito, pinagpapawisan at kinakabahan akong napatingin kay Jin.

May sumigaw ng "Sino nandiyan?"

"Hindi kayo lalabas sa pinagtataguan niyo?"

Pilit akong pinapakalma ni Jin nagsalita siya "Pagbilang ko ng tatlo tatakbo tayo"

Tango lang ako ng tango sa kanya, papalapit na ang mga yabag ng paa.

"Isa,dalawa----"





Bigla akong hinila ni Jin patakbo grabe yung adrenaline rush, teka sabi nito tatlo di ata marunong magbilang 'to ganun ba pag sobrang talino?

Beyond The TruthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon