Chapter 9: No More Lies

12 2 0
                                    

Jin's POV

"WAAAAAAGGGGG!"

I hear the voice of my mother, pumasok sila kasama si SPO2 Roger at ibang mga pulis nagtutukan sila ng baril.

"Ibaba niyo ang mga armas niyo at lumuhod!" sigaw ni SPO2 Roger

Tinanggal nila ang pagkakaposas namin sa bakal na poste, ngunit biglang hinila at tinutukan ng Principal si Shannon.

"Sige lumapit kayo! Mamawalan ng buhay 'tong pinakamamahal mong anak! Hahahahaha" tawa ng principal.


"Roger! Roger! Sa tingin mo ba pag nahuli ako tataas iyang Rango mo? Hahahahhaha" tumingin siya kay mama


"Oh! My lovely Sophia long time no see, alam mo ba sabi ng anak mo pinatay ko daw yung tatay niya! Hahahaha bakit hindi ka naging honest sa kanya? Hahahaha"

Nagtaka ako sa sinabi niya "What are you talking about?" tumingin ako kay mama na tila nanginginig na sa luha, I started to cry too

"Maaa what is he saying?"
Patuloy lamang siya sa pagluha

"Jin anak----"

"No just answer me!"

Nilapitan niya ako "Jin totoong nagpakamatay ang papa mo, nung mga panahon na nagiimbestiga siya sa University na ito bukod sa nalaman niya ang tungkol sa flakka nalaman niya rin na may relasyon kami ng principal"


In that words I break down.

"Why? All this time my life is full of lies!"

"Jin anak sorry!" yayakapin sana ako ng aking ina pero nagpumiglas ako.

Hindi ko alam ba't ganun at doon ko napagtanto ang lahat nagbalik sa aking isip ang bangkay ni papa may tatlong tama ng baril si Papa sa dibdib halatang malapitan ang pagbaril sa kanyang sarili at kapag pinatay ang isang tao pataas ang labas ng bala sa katawan, at napansin ko na amoy alak at may napansin ko may gun powder sa kamay niya indikasyon na siya ang humawak ng baril. Nanlumo ako suicide disguise as murder ang nangyari ginawa ni papa yun dahil sa mga nalaman niya, yung paglaganap ng flakka drugs, yung mga sinabing nagsu-suicide pero hindi naman at yung relasyon ni mama sa principal
Hindi niya kinaya ang problema.


"Papa"

"Hahahahahaha ngayon bata alam mo na ang lahat hahaha sasabihin mo parin bang ako nag pumatay sa tatay mo? hahahahha"

Hindi ko napigilan ang sarili ko at kinuha ko ang baril kay SPO2 Roger at tinutok sa kanya ang baril.

"Babarilin mo ako ha? Gusto mo bang mamatay 'to ha?" tutok niya ng baril kay Shannon, nandilim na ang paningin ko sa lahat ng nalaman ko.

"Sige barilin mo ako tutuluyan ko na itong babae na 'to"

I pull the trigger



Thrice

BANG!

BANG!

BANG!

"Jinnnnnnnnnnnnn"

"Shannoonnnnnn"

Beyond The TruthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon