🌸 Final Chapter 🌸

185 6 1
                                    


mark's pov

"Huhuhuuuu!! Hyunnggggg!! Ma-mimiss kitaa. Kiss muna kita" napalayo ako dahil kay Bambam.

Nagtawanan naman yung iba dahil sa inasta niya. Kahit kailan talaga itong si Bambam. Isip bata.

"Tae ka. Tumigil ka Bambam ha. Babalik rin ako noh" sabi ko sa kanya pero nag-pout siya.

Biglang lumapit si Jackson sakin.

"Mag-ingat ka hyung. Congrats sa ate mo" tapos tinapik niya yung balikat ko.

Ma-mimiss ko rin tong mga toh. Sumama sila sakin papuntang airport. Paano ba yan, bye korea muna. Hello canada.

Bigla akong nalungkot. Pumasok sa isip ko si Nayeon. Ang bestfriend ko. Nayeon pasensya na.. alam kong naguguluhan ka sakin. Aalis muna ako.. bestfriend.

Shit. Parang tutula ang luha ko anytime. Hindi ko man lang siya nakita bago ako umalis sa jyp building.

Damn it. I miss that girl so much.

Inopen ko yung chat namin. Andami niyang message. Pero ni-isa di ko siya ni-replyan. Nanlumo ako.

Lumapit si Junior sakin.

"Hyung..."

"Oh Junior, may kailangan?" Tanong ko sa kanya. Minsan nagiging cold ako sa kanya. Ewan ko. Tss.

"Hyung.. may gusto ka ba kay Nayeon?" Nagulat ako sa tanong niya.

"H-ha? Hindi.. impossible-"

"Hyung nakikita ko" bigla niyang pinutol ang sinabi.

Anong ibig sabihin ng mokong na toh?

"Anong ibig mong sabihin?"

"Hyung.. nakikita kong gusto mo si Nayeon" sabi niya. "Hyung okay lang sakin kung umamin ka"

Tumango ako.

"O-oo. Pero sorry.. di ko naman aagawin si-"

Bigla niya ulit pinutol ang sasabihin ko.

"Okay lang hyung. Atleast nalaman ko.." Ngumiti siya sakin.

"Ikaw yung gusto niya Junior. At hindi ako" ani ko.

Biglang sumulpot si JB sa usapan.

"Oy Junior tara na, hinahanap na tayo ni pd nim"

Tumayo siya at tumingin ulit sakin.

"Mauna na kami hyung. Regards sa ate mo. Ingat" ngumiti siya sakin. Tumango na lang ako bilang paalam. Ganun na din yung iba pang members. Nag-paalam muna sila bago umalis dito sa airport.

nayeon's pov

Magkasama kaming dalawa ni Junior oppa. Nasa mall kami ngayon. Tahimik lang kaming ng-lalakad.

Napatingin ako kay oppa. Hayy, naawa ako sa kanya. Bakit ko pa siyang pinayagan na manligaw sakin? Ang tanga ko.

Siguro sasabihin ko na sa kanya ngayon.

"Uhmm.. oppa?"

Tumingin siya sakin.

"Nayeon, may kailangan ba?"

Kinakabahan ako. Sobrang gentlemen ni oppa. As in sobra, kaya nga isang rason yan na nagustuhan ko siya. Pero hanggang hanga lang siguro ako sa kanya. Iba pa rin yung kay Mark.

ice creamWhere stories live. Discover now