~CHAPTER THREE
“Hindi yun panaginip.”, nagulat naman ako sa unggoy nato. Bigla nalang nagsasalita. Kabute lang?
“Hah?”, sabi ko
“Bingi ka?”,Eto na naman siya. Eh sa hindi ko na-gets yung sinabi niya e. =_= psh.
“Hindi ako bingi.”
“Eh baka tanga ka?”
“HINDI AKO BINGI AT MAS LALONG HINDI AKO TANGA.”, ginagalit na naman niya ko. Hmmp!
“OWS??”, tana! Pang-asar talaga ‘tong unggoy nato.
“Alam mo may kamuka ka.”, maasar nga din siya! Mwahahaha!
“Sino?”, sabay tumaas yung kilay niya.
“Si Donald Duck. Hahahahahah!”, tawang tawa ko sa sinabi ko. Boo Kathleen! Boo! Totoo naman kasi e. bukod sa muka siyang unggoy ay kamuka din niya si Donald duck. Baka, magkapatid sila?
“Yun na un?”, hindi bumenta sakanya yung sinabi ko. =_=
“Ikaw din may kamuka ka.”, seryoso niyang sabi.
“Sino naman??”, alam kong pinagti-tripan din ako nito at gusto lang niya gumanti sa sinabi ko.
“Pwet ko. Hahahahaha!”,
=_=
“Joke yun?”, akala niya ha.
“Tanga ka talaga. Mukha ba kong nagjo-joke?? Eh kitang kita naman sayo ang ebidensya!”,
“Boo Patty monster! Andami mong alam, bat di kapa nag bitay?!”
“Madami talaga akong alam! Hindi tulad mo, walang laman ang utak! At kung gusto mo mag bitay ako, mauna ka muna!”, kokotongan ko na sana siya ng biglang..
“STOP IT!”, nagulat ako sa sigaw ni Ate Maila. Parang galit na galit siya, hindi pa naman niya kami nasisigawan ng ganto dati. Ow em. Sorry ate Maila. :(
Hindi nako nagsalita, at hindi na rin siya umimik. Dito kasi kami matutulog kela kuya Edward. Sinusulit lang namin yung oras na kasama siya. After nito, ay pupunta na siya sa Marinduque at dun na maninirahan.
Malaki ang bahay nila. Magkahiwalay ng kwarto ang boys at girls. Pagpasok namin ng kwarto nila ate Maila, at Rhia ay nagpalit na kami ng mga damit at bumama ulit sa sala.
Nandun sila. Si Jomar, Kuya Edward at Patty the Monster. Mukang nagke-kwentuhan pa sila, kaya naisipan naming maki-join sakanila. Hindi padin kasi kami makatulog.
11pm, wala padin kahit isa samin ang inaantok kaya naisipan namin ang maglaro.
Bato bato pick, ang mananalo ay pwedeng mag utos or mag tanong nang kung ano sa kalaban niya.
“Partner ko si Edward.”, sabi ni ate Maila
“Sakin naman si kuya Jomar.”, sabi ni Rhia.
Kelangan talaga girl at boy? Psh. Partner ko tuloy si Patty the monster.
“Si kuya Edward nalang partner ko.”, Ayoko talaga maka-partner tong Donald duck slash unggoy nato. =_=
“Partner ko na si Edward. Andiyan pa naman si Patty ah. Wag kana mag inarte.”, wala na kong choice. Mukhang nagagalit na talaga sakin si ate Maila e.
“Bawal maarte dito, lalo na kung hindi kagandahan tulad mo.”, sabi ni PM (Patty Monster). Tumingin lang ako sakanya ng masama at nag-start na kaming mag-laro.
Ang unang naglaro ay Rhia at Jomar.
Bato bato pick!
Panalo si Jomar. Iba yung ngiti niya nung natalo niya si Rhia. Siguro may binabalak ‘to. Psh.
“Truth or Dare?”, tanong ni Jomar kay Rhia.
Si Rhia naman, mukang nag-iisip pa kung ano ang pipiliin niya.
“Truth nalang.”, ayaw niya siguro mautusan kaya naman truth ang pinili niya.
“Okay. Eto ang tanong ko.”, nag pause muna siya
“Sino ang crush mo? Si Edward o si Patty?”, seryoso ang tingin ni Jomar. Ang weird niya. may crush ba siya kay Rhia? Hahha. It’s impossible! Bakla kaya siya.
“A-ah? Ehh.. wala naman ah?! Anong klaseng tanong yan!”, si Rhia naman parang kinakabahan. Nauutal pa kasi siya habang nag sasalita.
“Ows?? Aminin mo na!”
“Eh wala naman talaga e!”
“Anong wala? Hindi pwede yun. Kuang hindi ka aamin, sumayaw ka nalang.”, mahiyain si Rhia. Hindi siya yung tipo nang babae na bigla bigla nalang sasayaw sa harap ng madaming tao kahit pa kaibigan niya ito.
“Osige na! aamin na!”, medyo magkasalubong ang kilay niya.
“SI PATTY.”
BINABASA MO ANG
Foolish Heart (Completed)
Novela JuvenilFoolish Heart is a story of a boy and a girl na laging nag-aaway. They hate each other, then one day, isa sa kanila ang ma-iinlove. Do you think na magugustuhan siya ng isa? Tunghayan niyo po ang story na ito. Actually, I based the story line to the...