5~Imposible

278 11 1
                                    

~CHAPTER FIVE

Hindi open si Patty sakanila?

Hindi siya nakikipag kulitan nang katulad nang ginagawa namin?

Baka crush ako ni Patty?

Tae. Napapaisip tuloy ako sa mga sinabi ni Rhia kanina. Imposible naman yun, e lagi nga ko nilalait nun e.

Lagi din ako inaaway at sinisigawan.

Kaya NAPAKA IMPOSIBLE TALAGA.

Andito ako ngayon sa sala nang bahay nila kuya Edward. 2am na nakatulog si Ate Maila at Rhia dahil andami pa naming pinag kwentuhan. Hindi ko akalain na yung panaginip ko van kanina ay totoo pala.

Kaya pala may monster sa panaginip ay andun pala si Patty. Tapos, hinahampas niya pala ang mukha ko nang unan. Hayop talaga yun.

3am na pero hindi parin ako binibisita nang antok, haay. Lumabas muna ako nang bahay para makapag pahangin. Wala naman ang parents ni kuya Edward kaya ok lang  na lumabas. Masyado akong feel at home.

Pag labas ko ng bahay naka pansin ako nang isang lalaki na nakatayo. Napansin ko na si Patty yun. Hindi padin siya natutulog? Ano kaya problema netong lalaking ‘to?

“Bakit gising kapa?”, sabi ko. Nagulat siguro siya na bigalng may nag salita. Haha

“Bakit ka nandito?”,

“Eh hindi pako makatulog e. kaw lang ba pwede pumunta dito?”

“Hindi naman..”, sabi niya nang malumanay. First time?

“Ahh. E ikaw bat gising kapa?”, tanong ko naman.

“Parehas nung sayo.”, ibig sabihin hindi din siya makatulog.

“Bakit naman?”,

“Andami mong tanong.”

=_= sungit

“May crush pala sayo si Rhia, matagal na daw. Hindi mo man lang napansin yun.”

“Bakit? Ngayon lang naman niya sinabi e.”

“E ano masasabi mo dun?”

“Wala.”, tae to. Manhid na nga, wala pang pakealam.

“Bakit wala? E gusto ka nga nung tao.”

“Friends kami. Ayoko masira yun.”

“Ahhhh..”, parang nalungkot naman ako para kay Rhia.

“Bakit?”, tanong niya. napansin siguro niya na medyo disappointed yung boses ko.

“Wala lang.”

“Buang ka talaga.”, sabi niya.

Himala. Hindi niya ko sinisigawan ngayon, nag-uusap kami ng maayos.

“Ikaw ah. Bakit mo ko hinampas nang unan kanina?”, naalala ko lang yung ginawa niya kanina sa van habang natutulog ako. Pero, hindi ako nakaramdam ng galit sakanya ngayon.

“Kelan?’, medyo umiling siya. Alam niya yung kasalanan niya, ayaw pa aminin. =_=

“Sus. Deny pa!”,

“Baliw ka talaga.”, seryoso siya.

Iba pala ang feeling pag yung taong lagi mong nakaka-away, nakakasigawan, at nalalait ay nakakausap mo nang matino. Walang sigawan at murahan. Masarap pala sa pakiramdam.

“Tulog na tayo?”

Foolish Heart (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon