~Chapter Eight

269 10 0
                                        

Bayot talaga kahit kelan yung monster na yun. Pati babae, papatulan. Lang modo!

Grr! Nakaka highblood!

Beep.

Maytext na naman.

Lul ka! Bayot! Baka pakitaan kita! Baka ma-inlab kapa sakin! Wag ka mag salita diyan, tulo laway!

Anu daw? Tulo laway? Grabe ‘to ah! Tulo laway daw! Bat naman niya nasabi? Parang nakita niya na ko matulog ah. Asa naman siya.

Reply.

LUL KADIN! BAYOT KA NAMAN TALAGA EH! ANONG MA-INLAB? BAKA IKAW YUN! Hindi ako tulo laway! Barbero!

Pero hindi ko pa nase-send yung text ko ay may nagtext ulit.

From: Patty the monster

Panget mo! Wag kana magtext!

Mmp. Kung panget man ako, parehas lang kami. Mas pangit pa nga siya sakin eh. Hindi ko na siya tinext, wala naman mangyayari.

Napag isipan kong pumunta sa Great wall. Dun lang kasi ako nakakapag pahinga. Masarap kasi ang hangin dun e, sobrang peaceful pa nung place.

“BAKIT KA NANDITO?” , pagka upo na pag ka-upo ko, may nagsalita sa likuran ko.

O__O

Si monster, andito. Nako! Bakit ‘to nandito? Kanina lang kaaway ko ‘to sa text ah.

“Eh ikaw? Bakit ka nandito?

“Kanina pa ko dito no! Di pa ko umuuwi.”, di pa daw siya ummuwi. Bakit naman kaya? “Eh ikaw? Bakit ka nandito? Sinunsundan mo ko dito no? Crush mo talaga ako no?”, sabi niya.

So kafal ni koya. At bakit ko naman siya susundan? Kagwapuhan? Sana ba kung kamuka siya ni Gabby Concepion, kahit malaki panga nun, pogi naman! E siya? Pwet lang ata siya nun! Amff.

“Nagpapahangin lang!”, sabi ko. Totoo naman e, wala nga ko kaalam alam na nandito siya.

“Nagpapahangin mo muka mo! Kung gusto mo nang hangin, dapat dun ka na lang sa tapat ng electric fan, mas solo mo pa.”

Baliw talaga.

“Eh ikaw? Bakit ka nandito?”,

“May inaabangan lang ako.”

Inaabangan? Sino naman kaya? Baka girlfriend niya? Jowa?

“Ahhhhh..”, yun lang nasabi ko.

--

Foolish Heart (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon