Merceon Academy :
An Introduction***
Kasalukuyan akong Nagpapahinga sa ilalim ng puno, dito sa gitna ng kagubatan nang ilang sandali lamang sa gitna ng tahimik at kalmadong kapaligiran. Isang boses ang narinig ko sa di kalayuan, na syang nagpagising ng diwa ko.
"Aaaaahhhh Bitiwan nyo ko!!Tulooongg!!" Sigaw ng isang babae. Halata ang takot sa boses nito.
Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa mga ugat ng puno na syang pinagpapahingahan ko,Pagkatapos ay mariing Sumilip sa likod ng punong aking kinatatayuan,at tiningnang mabuti kung saan nanggagaling ang sigaw.
"Tulungan niyo akooo!!"
Nang ako'y makasilip..
Hila-hila at binibihag ng mga halimaw ang taong sumisigaw ng saklolo.Nakasuot ito ng pulang bistida na nakapailalim sa itim nyang kapa ngunit hindi ko lubusang makita ang kanyang buong mukha sapagkat nakatakip ang hood ng kanyang kapa na tila mapupunit sa lakas ng pwersang paghila ng mga kakaibang mga halimaw.
Tiningnan kong mabuti ang mga halimaw.
Apat na asong halimaw na dalawa ang paa,tatlong maliliit na trolls na may hawak na maliit na parang kutsilyo,at dalawang Ogre na kasing laki lang ng kanilang bihag,may hawak rin itong maliit na sandata habang mahigpit na hawak ang kanilang bihag.
Patuloy nilang hinihila ito ngunit pilit itong nagpupumiglas mula sa kanilang mahigpit na paghawak sa kanya.
At maya-maya, bigla na lamang nahawi at naalis ang hood ng kanyang kapa.Kaya napagmasdan ko na ng mabuti ang kanilang bihag, isang babaeng kulay pink ang buhok, makinis at maputi ang kanyang kutis at tila gusto ng umiyak dahil sa takot na nadarama, kaya naawa ako sa kanyang kalagayan.
Muli,Tumingin ako sa mga halimaw.Bumilis ang tibok ng puso ko.Batid ko na ang dapat kong gawinsa sitwasyong ito.
Agad kong kinuha ang aking espada sa likod ko at humanda.Gusto kong tulungan ang babae,ngunit may takot pa rin akong nararamdaman sapagkat ngayon pa lamang ulit ako makakalaban ng mga kakaibang mga halimaw.
Lumabas ako mula sa likod ng Puno at buong tapang na nilabanan ang takot sa aking puso.
Huminga ako ng malalim at sumigaw. "Hooyyy! Bitiwan nyo sya!" biglang sambit ng aking bibig,dahilan upang mapalingon ang mga halimaw.
Napunta ang atensyon ng mga mga maliliit na aso at trolls sa akin.Kitang-kita ang Galit sa kanilang mga mata.
"Grargghhs,grahsgghhch.."
Ngunit napatingin ako sa Babae,
Kitang-kita ko sa kanyang asul na mga mata ang paghingi ng tulong at ang takot,naaawa ako sa kalagayan nya.
"Sino ba sya?" isang palaisipan sa akin ngayon.
At walang anu-ano'y sinugod ako ng mga maliliit na aso, isa-isa.
Agad kong ginamit ang level 2 kong espada sa mga ito at Pinatama ng buong pwersa sa kanila.
Medyo mahina pa ako at kung tutuusin level 5 palang ako at mahina pa ang mga gamit ko.Pero alam ko sa aking sarili na mas malakas ako sa mga kalaban kong mga Trolls at maliliit na mga asong Halimaw.
Nang sinugod nila ako,malapit na sila sa akin kaya agad kong ginamit ang skill ko.
"Waahhhhhaahh.!" Sigaw ko At tumama sa mga kalaban ang ginamit kong skill sa kanila ang swordstrike.
Pagkatapos ko sila matamaan ay namatay ang ilan sa kanila,Bumagsak sa lupa at bigla-biglang naglaho.
May naramdaman ako sa katawan ko na parang tumataas ang experience ko na lumalakas ako.
YOU ARE READING
Merceon Academy : Skills and Abilities
FantasyWARNING ! Sa Hindi inaasahang pagkakataon..Di ko alam ang gagawin ko sa mga Oras na ito..Unti-Unti ng bumibilis ang tibok ng puso ko. Kailangan ko nang Gamitin ang sandata ko at Higit sa lahat gamitin ang Skills at Abilities na mayroon ako upang mab...