LONESOME girlxgirl {completed}

4.6K 34 3
                                    

Naranasan nyo na bang magmahal? 0o naman shempre, lahat naman ng tao ay nakaranas ng ganun.

Pero hindi lahat ng nagmahal ay minahal din ng kanilang minamahal.

Nung una akala ko lang siguro minahal din ako. Naramdaman ko rin naman kasi kung panu nya ako pahalagahan.

Nagkaedad na ako ng 22 nung makaramdam ako ng kakaiba sa dati kong katrabaho. Parehas kaming babae, nasa 5flat siguro ang height nya. Maganda siya, di gaanung kaputian pero makinis ang balat nya, medyo malalaking mata na bumagay sa kanya, matangos na ilong na lagi kong pinipingot, may kakapalang labi na kay sarap halikan.

Maganda rin ang kanyang katawan, katamtamang laki ng boobs, maliit na bewang at maumbok na pang upo. Napakasexy nya allthough kulang siya ng height.

Nakaramdaman naman ako ng paghanga sa kapwa ko babae nung teenager pa ako pero hanggang paghanga lang. Di katulad nung naramdaman ko sa "kanya" na pangalanan nalang natin na si Shiela.

Mas nauna ako ng ilang buwan na nakapasok sa company na pinagtabahoan namin before.

Unang tingin ko pa lang sa kanya nun ay nagandahan na ako sa kanya. Tatlo silang newly graduate ng agriculture na nakapasok sa pinagtatrabahoan namin pero sa kanya napukaw ang atensyon ko. Game kasi siya sa mga biruan at di siya maarte.

Sa section ko rin siya nilagay ni madam Lory (manager namin) kaya ako rin ang nakatukang magturo sa kanya ng mga dapat nyang gawin.

Lage kaming magkasama sa pagpasok hanggang sa pag uwi sa staff house namin. Agad kaming naging close dahil parehas kami ng hilig.

Unti-unti, ang paghangang naramdaman ko sa kanya ay mas lumalim pa. Naramdaman ko na lang na di kumpleto ang araw ko sa twing wala siya kapag araw ng day off nya.

Pinilit kong labanan ang naramdaman ko sa kanya, sinagot ko ang manliligaw ko para don matuon ang atensyon ko. Di na kami gaanung magkasama sa twing uwian dahil sinusundo naman ako ng boyfriend ko.

Sa ganda ni Shien ay marami rin ang naging manliligaw nito. Sobrang selos ang nararamdaman ko sa tuwing ini entertain nya ang mga ito, pero wala akong magawa at wala rin akong karapatan para magselos.

LONESOME girlxgirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon