LONESOME girlxgirl

1.5K 35 8
                                    


"Pwede ba tayong mag-usap Rie.." Si Jacob.

"Nag uusap na tayo Jacob."Sagot ko, kasalukuyan kaming naglalakad pauwi dahil sinundo nya ako. Ilang araw na rin na madalas kaming nag aaway.

"Nag uusap nga tayo pero parang wala ka naman sa sarili mo. Para na akong gago ah." Aniya sa akin. Ito nanaman, mag uumpisa nanaman kami.

"Tingnan mo naman kasi Rie, kapag tayo ang magkasama pauwi sobrang tahimik mo. Di ka nagsasalita kung di kita kakausapin. Pero kapag si Shiela ang kasama mo masaya at maingay daw kayo." Himutok nya sa akin.

"Anu nanaman problema mo? Bakit mo kinukumpara ang sarili mo kay Shiela e kaibigan ko yon." Naaasar na sagot ko.

"Yun nga e! Kaibigan mo lang siya pero mas masaya ka kapag siya kasama mo. Intindihin mo naman ako Rie. Ako ang boyfriend mo at kaibigan mo lang siya! Baka pwedeng dumistansya ka muna sa kanya!" Naningkit naman ang mga mata ko dahil sa sinabi nya. Mas mahalaga sa akin si Shiela kesa sa kanya noh!

"Di naman pwede yang sinasabi mo Jacob, kaibigan ko siya kaya hindi pwedeng dumistansya ako sa kanya."Sagot ko.

"Dapat mamili ka sa amin. Kung siya o ako!"Hamon nya sa akin. Hah! Binigyan lang niya ako ng choice. At madali lang naman ako mamili.

"Pinapapili mo ako Jacob at patawarin mo ako dahil si Shiela ang pipiliin ko." Sagot ko at nauna na akong naglakad. Narinig ko pa ang pagmura nya pero di ko na inintindi.

****

"Bakit kayo nag hiwalay ni Jacob?" Tanung sa akin ni Shiela.

"Wala, na realize ko lang na di pala kami compatible para sa isa't isa." Sagot ko, yon lang ang naisip kong isagot.

"Sus, baka naman may nagugustuhan ka ng iba?" Tudyo nya sa akin.

"Tama ka, may nagugustuhan na akong iba at ikaw yon." Sagot ko sa kanya pero sa isip ko lang. "Merun nga Shie, manhid lang." Pabulong na sagot ko.

"Ha? Sinong manhid?" Tanung nya, narinig nya pala.

"Wala, joke lang yon. Tara sa kusina, trip ko ulit maglasing ngayon."Aya ko sa kanya, hinila ko rin siya papunta sa kusina.

"Naman Rie! Nakipagbreak ka sa tao tapos ngayon maglalasing ka, pati ako dinadamay mo pa." Aniya sa akin.

"Tsk! Hindi yon ang dahilan kung bakit ako iinum noh! Trip ko lang talaga kaya samahan mo ako." Pinaupo ko siya at kinuha ko yong johny walker saka ko binuksan. Napamulagat naman ito sa akin.

"Rie! seryuso ka? Yan iinumin natin? Eww naman, di ko kaya yan." Naiiling nyang sabi sa akin. Nakakatawa tuloy itsura nya.

"Okay naman to a, kesa masira dito." Sagot ko, bigay kasi sa akin nun nung boss namin.

"Sobra ngang matapang, bibili na lang ako ng beer sa canteen." Aniya sa akin.

"Shie naman, malalaman nilang uminom tayo pag bibili ka pa don. Ito na lang kasi, magjuice ka na lang." Sabi ko sa kanya.

"May choice pa ba ako? Kaw talaga Rie, lagot ka sa akin pag di ko kinaya."Aniya pa at kumuha ng yelo sa freezer saka nito nilagay sa pitsel at tinimplahan ng nestea, yon kasi ang stock naming juice.

"Naku, wag kang mag alala misis ko. Kapag ma hang over ka bukas, aalagaan kita." Inilapag ko ang dalawang baso sa mesa saka ko hinawakan ang pisngi nya.

"Tse!" Aniya sa akin habang iniiwas ang pisngi nya. "Aalagaan daw e ako naman nag aalaga sayo sa tuwing may hang over ka."

"Kaya babawi ako hehe!" Palusot ko. "Misis ko, sa kwarto na lang tayo uminom, may maliit naman na mesa don." Suggestion ko.

"Pwede naman, tara na." Sagot nito at dinala ang pitsel at dalawang baso at nauna na sa kwarto namin. Kinuha ko naman yong alak at mansanas na pulotan namin.

"Shot mo pa Shie.." Iniabot ko pay kay Shie ang baso. Wala namang pangingime nitong ininom ang laman. Lasing na kasi ito.

"Bushet ka Rie, pinagplanuhan mo talaga akong lashengen ahnu?" Singkit na ang mga mata nyang tanong sa akin. May pakumpas-kumpas na rin ang mga kamay nito.

"Weh, nahalata mo ba?" Nakangising sagot ko, medyo lasing na rin ako.

"Eh kashe naman, halosh tatlong magkakashunod na akho ang tumungga." Sagot nya.

"Hahaha! Di ka pa pala lasing Shie, kabisado mo pa eh." Ako.

"May binabalak ka sheguro shaken noh?" Siya.

"Tama ka, balak kasi kitang reypin kapag nalasing ka." Biro ko.

"Hahaha! Ang shunga mo Rie, nelasheng mo pa ako. Kahit di ako lasheng magpapagahasha ako shayo."Sagot naman nya sa pagbibiro ko. Nag init tuloy ang pakiramdam ko.

"Ahuh! Talaga? Di ako nagbibiro, baka kapag ni rape kita dyan iiya-iyak ka. hahaha!"

"Bashta siguradohin mo lang na mashasharapan ako ha? " Anito at kinagat pa ang sarili nitong labi. Lalo tuloy akong natutukso. Lumapit ako sa kanya at tumabi sa kinauupuan nya.

"Anu huh? Gusto m?" Bulong ko sa punong tenga nya. Napaawang ang labi nitong nakatingin sa akin. Unti-unti kong nilapit ang mukha ko sa mukha nya, pinikit nito ang mata nya kaya lalo ako nabigyan ng lakas ng loob na gawin ang kanina ko pa gustong gawin.

Hinalikan ko siya sa paraan na alam kong magugustuhan nya. Darang na darang na talaga ako. Hinalikan ko rin siya sa leeg at di naman ito nagpakita ng pagkadisgusto.

Itinaas ko ang dalawa niyang kamay para mahubad ko ang tshirt nya. Di pa rin ito umiimik, basta sumusunod lang ito sa ginagawa ko.

Muli ko siyang hinalikan habang inaakay ko siya pahiga sa kama.

"I love you Shie..." Bulong ko sa kanya.

"I love you too Rie..." Ganting bulong din nya sa akin. Kahit lasing si Shie nung sinabi nya sa akin yon ay sobrang saya ko pa rin.

At sa gabing yon, may nangyari sa amin. Lalo ako naging masaya dahil ako ang naging una nya.

^-^
Whew!! haha!!

LONESOME girlxgirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon