LONESOME girlxgirl

1.6K 30 5
                                    

"Rie, gising na. May pasok tayo." Panggigising sa akin ni Shiela. Nakadapa pa ako sa kama namin. Sobrang sakit ng ulo ko dahil sa hang over. Napadami kasi ako ng nainom na alak.

"Five minutes lang please...." sagot ko at muling pumikit.

"Naman Rie e, kanina ka pa five minutes ng five minutes dyan! Iinom-inom kasi di naman pala kaya." Aniya sa akin. Kahit nakapikit ako, alam ko nakapamewang nanaman ito at salubong ang kilay.

"0o na po aling Shiela babangon na." Nakapikit pa ang isang mata ko nung bumabangon ako. Hirap kasi kontrahin si kumander haha! Kung makatawag naman ng kumander, feeling lang naman na misis ko siya haha!

"Lasengga ka kasi...." bulong nya pero dinig ko.

"E puro ka naman pass kagabi kaya sa akin napunta ang alak na dapat sana sayo." Nakangiting sagot ko.

"Dapat lang noh!" Nakapout na sabi nya sa akin. Napatingin tuloy ako sa mapupula nyang labi at naalala ko ang halikan namin kagabi. Jezzz! Parang gusto ko ulit siyang halikan!

"Oh, bakit ganyan ka makatingin?" Aniya sa akin.

"Wala lang, nag pout ka kasi. Naalala ko tuloy yong halikan natin kagabi. Ang sarap pala ng laway mo Shie," Sagot ko saka ko siya kinindatan, namula naman ang pisngi nito.

"Tse! Maghilamos ka na nga at magmumog para makapag almusal na. Di yong umagang umaga inaasar mo nanaman ako!" Taboy nya sa akin. Natatawa na lang akong pumasok sa c.r para mag hilamos at magtoothbrush.

Pagbalik ko ay nakahanda na ang mesa. Naipagtimpla na rin nya ako ng kape. O diba? Parang misis ko na talaga siya. Misis ko siya pero di nya alam. hahaha!! Buti nga di kami nagkailangan ngayon dahil sa nangyari kagabi. Pahamak talaga si pareng Jo pero okay rin yon sa akin haha! Atleast naka score ako, ang alam ko buhat sa kwento rin nya sa akin ay wala pa siyang nakakahalikan. Oh di ang pogi ko pala, ako lang naman ang first kiss ni misis ko haha!

"Bakit ngingiti-ngiti ka dyan ha? Sinapian ka nanaman ba ng butiki?"Aniya sa akin habang pinaglalagyan nya ako ng kanin sa plato ko. Haha! Maasikaso lang talaga si misis.

"Wala, masaya lang ako ngayon. Ang ganda kasi ng misis ko at maasikaso pa.." Sagot ko sako ko kinuha ang kamay nya at hinalikan. Lalo nanamang namula ang mukha nito.

"Heh! Ikaw Rie, wala ka talagang magawa na matino ngayon. Ikain mo na lang yan, gutom lang yan. Saan mo naman napulot ang misis na pinagsasabi mo ha?" Agad nitong hinila ang kamay nya at umupo na rin para kumain.

"Shempre naman, ikaw nagluluto, minsan pinaglalaba mo pa ako at inaasikaso mo pa ako sa hapag kainan. 0, idi misis na kita.." Natatawang sagot ko.

"Puro ka talaga kalukohan! Kailangan naman talagang ako ang magluto sa pagkain natin, kasi kapag ikaw di natin nakakain kasi kung hindi matabang, maalat. Pinaglalaba rin kita kasi ako na ang naaawa sa mga damit mong di natatanggalan ng mantsa kapag ikaw naglaba." Nakadilat nyang sabi sa akin, naku! Sinabi pa ang mga kapalpakan ko. "Saka panu mo naman ako magiging misis e may boyfriend ka ngayon!" Dagdag pa ni Shie. May kumislap tuloy na kalukohan sa malinis at walang mantsa kong utak.

"Pwede ko naman hiwalayan si Jacob para ikaw nalang maging syota ko." Sagot ko sabay subo ng hotdog.

"Hahaha! Patawa ka Rie! Kain na lang tayo, baka malate pa tayo dahil dyan sa kalukohang naiisip ng may mantsa mong utak." Sagot nya. Napanganguso na lang ako at kumain na rin. Panu ko kaya mapapaliko ang straight nitong utak. Sabagay, ang akala naman nila talaga sa akin dito ay girl na girl. Ang pamilya ko nga e, walang alam na nagkakagusto na rin pala ako sa kapwa ko babae.

Pagkatapos makapaghanda sa sarili ay pumasok na kami sa trabaho.

"Two beautiful ladies!!!" Sigaw ng mga taga ibang section pagdaan namin sa harap ng section nila.

"Ang hot nyo kagabi ah!" Si Jo na may dala-dala pang box ng vaccine. May schedule kasi sila ng vaccination ngayon.

"Nag umpisa ka nanamang tipaklong ka. Wag mong sabihing hanggang ngayon ay lasing ka pa." Balik pang aasar ko sa kanya.

"Sus! Di man ako lasing kagabi. Anu Shie, kumusta ang paghalik sayo ni pareng Rie? Masarap ba siya manghalik? Tudyo naman nito kay Shiela.

"Baka nakalimutan mong tapos na ang truth o dare kagabi Jo." Sagot ni Shiela.

"Sus, 0o o hindi lang naman ang sagot Shie eh. Anu, masarap ba humalik si-" Di na nito naituloy ang dapat pang sasabihin dahil mula sa kung saan ay biglang sumulpot si Jacob at sinapak ng pagkalakas si Jo.

Sabay pa kaming napatili ni Shiela.

"Anu ba Jacob! Bakit mo sinapak si Jo!" Galit na sigaw ko sa kanya.

"Dahil sobra na ang tomboy na yan!" Duro nya kay Jo. Akmang lalaban si Jo pero pumagitna agad ako. "Anung akala nya sa inyo? Kagaya nyang namamanyak sa kapwa nya babae? Di na siya nahiya!"

Lihim din akong nasaktan dahil sa sinabi nya. Kung alam lang nya na ang girlfriend nya ay isang closet lesbian, anu naman kaya masasabi nito.

"Kahit na! Di mo siya dapat sinaktan dahil babae pa rin siya!" Sagot ko.

"At anu naman kung tomboy lang ako ha Jacob? Insecure ka ba? Saka kahit ganito ako matino akong tao, di naman siguro masama mag biro." Ani Jo at umalis na.

Buti pa si Jo dahil malakas ang loob nyang magpakatotoo. Ako, kelan ko naman kaya maamin sa pamilya ko, sa lahat na lesbian ako. At kelan ko kaya masasabi kay Shiela ang nararamdaman ko sa kanya?

^-^

LONESOME girlxgirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon