Pagkatapos nung gabi na nalasing ako ay naging okay na ulit kami, madalis na rin ulit kaming magkasama. Di pa rin daw nya sinasagot si Ruben. Kami naman ni Jacob ay stable pa naman, nagkaayos pa rin kami. Nanghingi siya ng tawad sa ginawa nya kaya hinayaan ko na lang din muna na magpatuloy ang relasyon namin.
Hapun na at busy ang mga secretary sa pagtulong sa mga cooked, birthday kasi ni madam Lory kaya may handaan. Masaya nanaman ang lahat dahil bukod sa mga food ay paniguradong baha nanaman ang inuman.
***
"Gusto ko pa ng hipon." Request ni Shiela kaya tumayo ako at kumuha pa ng pagkain sa buffet. Kasabayan kong kumukuha ng pagkain si Thelma at Jo.
"Alam mo Rie, mas sweet ka pa kay Shiela kesa sa boyfriend mo. Kung di lang kayo parehas na babae, kahit sinung tumingin para kayong magsyota. Wala naman isa sa inyo ang mukhang tomboy a." aniya sa akin. Ngumiti lang ako kahit na kinabahan din ako dahil sa sinabi nya. Di ko na yata namamalayan na visible na sa nakapaligid sa amin ang nararamdaman ko para kay Shiela.
"Sus Thelma, di naman kailangang maging katulad ko na kilos lalaki ang isang babae para maging lesbian." Sabad naman ni Jo. "Merun nga babaeng babae sila pareho pero magsyota pala sila, saka manood ka kasi ng lesbian porn para di ka maignorante." Anito pa kay Thelma.
"Tse! Di ako kasing libog mo Jo!" Sagot naman ni Thelma. Iniwan ko na lang sila at pumunta na sa table namin ni Shiela. Dismayado nga lang ako dahil pagbalik ko ay nakitable na sina Ruben at Jacob sa mesa namin.
Nilapag ko na lang yong isang platong hipon sa mesa. Nawalan na ako ng ganang kumain. Si Shiela ay parang ganun din, tatlong piraso lang ang nakain nito.
***
Pagkatapos kumain ay nag aya na ang mga ibang staff para mag inuman. Naglabas naman ng tequila si madam Lory, minsan lang naman daw.
Nagkanya kanya na kaming pwesto, nagbonfire kami at pabilog ang pwesto namin. Kasama rin namin si madam Lory.
Nilapag naman ni Thelma ang platito na may lamang iodized salt at lemon. Bale ang pwesto namin ay ganito, madam Lory, Thelma, Jo, Jacob, ako, Shiela at Ruben.
"Walang pass pass ha, iikot ang baso, kung may mag pass man kelangang may sasalo." ani madam Lory. Lagot, di pa naman gaanung umiinom si Shiela. Si Ruben naman ay madaling malasing, panigurado ako nanaman sasalo sa tagay ni Shiela kung sakali gaya ng nakagawian kapag nag iinuman kami.
"Dapat may laro rin tayo." suhestyon ni Jo na pilya ang ngiting tumingin sa akin. Anu naman kaya binabalak nito.
"Anu namang laro?" tanung ni Ruben na halatang excited.
"Truth o dare!" sagot ni Jo. Truth o dare lang naman pala.
"Sige, maghanap ka garud ng pinag ubusan ng tanduay ice para yon ang iikutin." utos nito kay Jo, tutal ito naman ang nag suggest.
Pagbalik ni Jo ay nag umpisa na rin kami. Tutal ay si Jo daw ang nakaisip ng game ay ito daw ang bahalang magpaikot ng bote at magtanung kung truth at magbigay ng task kung dare naman. Feeling ko ang unfair, ngingisi-ngisi lang din ang luko.
"Putcha! Ako agad?" ani Ruben, sa kanya kasi tumigil ang pag ikot ng bote.
"Truth o dare?" tanung agad ni Jo.
"Truth!" agad ding sagot ni Ruben.
"Kayo na ba ni Shiela?" si Jo.
Bago sumagot si Ruben ay pinainom muna siya. "Hindi pa, pero gagawin ko ang lahat para mapasagot sya."Kumpyensang sagot ni Ruben. Nagsigawan naman ang mga kasama namin.
BINABASA MO ANG
LONESOME girlxgirl
Historia CortaLovestory of someone;) someone someone someone Na nandyan lang sa tabi-tabi haha!