LONESOME girlxgirl

2.3K 29 3
                                    

Naghahapunan kami nun nung mapansin kong matamlay si Shiela at di gaanung umiimik. Kinakausap ko pero puro 0o at hindi lang ang kanyang sagot. Minabuti kong manahimik na lang.

Nakahiga na kami pareho, nakatalikod siya sa akin. Gustong gusto ko syang yakapin pero pinipigilan ko lang ang sarili ko. Gusto ko ring tanungin kung may problema siya pero di rin naman nya ako iniimik.

Nakukuha ko na ang antok ko nung nagtext ang boyfriend ko, magkikita daw kami sa canteen. Bumangon ako at nagpalit ng damit, nakapantulog na kasi ako. Di ko lang alam kung tulog na si Shiela. Lumabas na ako sa kwarto namin at dumeretsu na sa canteen.

Naabutan ko ang boyfriend ko at iba pang katrabaho namin na nag iinuman. Di naman ipinagbabawal ng management na mag inuman ang mga staff basta kayang dalhin.

"Dito ka na umupo."ani Jacob, ang boyfriend ko at inginuso ang bakanteng upuan sa tabi nito.

Pagkaupo ko ay sinalinan agad ang baso at iniabot sa akin ng isang katrabaho namin.

"Shot mo na Rie!" sabi sa akin ni Thelma, sa ibang section naman ito naka assign. Bale dalawa lang kami ni Shiela na nakaassign sa isang section.

"Okay lang sayo?" tanung sa akin ni Jacob.

Ngumiti lang ako at tumango. Deretsu kong ininum ang halos mapuno ng emperador lights sa baso, saka ako kumain ng mansanas. Feel ko rin talaga uminom ngayon dahil may narinig ako na parang nagkakamabutihan daw sina Shiela at yong head ng grower section na kasama rin naming umiinom ngayon.

"Go Rie! Nag away ba kayo ni Jacob? Wagas ka makatungga ng alak ha, di ka manlang uminom ng tubig o juice!" Si Josephine naman alayas Jo, sa nursery section naman naka assign at isang hard butch lesbian.

"Haha!" tumawa ako. " Porket na ka mood lang na uminom may L.Q agad?

"Di kami mag aaway noh, mahal na mahal ko si Rie (pronounce ree)" Si Jacob, at hinawakan ako sa kamay. Wala lang sa akin kahit hawakan nya ako sa kamay, wala ako maramdamang spark. Di katulad kapag si Shiela ang hinahawakan ko.

"Whoah! Mga two lovers! Mabuhay sina Rie at Jacob!" Sigaw naman ni Thelma na halatang lasing na.

"Tumigil ka nga! Marinig ka pa ni madam Lory eh, natutulog na kaya ang mga ibang staff at caretakers. Mamaya kaw pa sisihin pag napuyat sila." Saway ko kay Thelma.

"Kaw talaga Rie, ang sweet ng boyfriend mo sayo tapos ikaw wala ka manlang ka sweet-an. Ganyan ba talaga kayong mga Igorot?" Sagot pa ni Thelma sa akin. Anu daw connection ng pagkaIgorot ko sa di ko pagiging sweet kay Jacob? Tsk! Luka luka talaga. Pero sa totoo lang, nagui- guilty rin ako na sinagot ko lang si Jacob para kalimutan ang nararamdaman ko kay Shiela.

"0y Rie," Si Jo naman. "Kala ko ba kulot at pandak na maitim ang mga igorot? Unat naman yang buhok mo, medyo matangkad ka naman saka medyo maputi ka pa." anito

"Aba, malay ko kung kaninu nyo nalaman na ganyan ang mga kalahi kong Igorot." sagot ko. "Parehas lang din naman parang mga taga rito sa lowlands, may maputi, may maitim, may pandak, may matangkad, may unat ang buhok at may kulot din." Paliwanag ko, palibhasa di pa ito nakakapunta sa bandang Cordillera Region kaya di pa nito alam, taga Zamboanga naman kasi ito.

"Ang narinig ko pa may buntot daw kayo." Dagdag pa nito at nagsalin ulit sa baso ng alak at inabot sa akin.

Natatawa na talaga ako sa sinasabi nya. Tinungga ko muna yong alak at kumain muli ng mansanas bago sumagot.

Tumayo ako at tumalikod sa kanya, natatawa na rin ang mga ibang kasamahan namin.

"E check mo nga kung may buntot ako, merun ba?" Natatawang tanung ko. "Mali naman yong impormasyon na narinig mo." Sabi ko at muli akong umupo.

"Teka Rie." si Jacob. "May buntot kaya ang mga Igorot pero mga lalaki lang, same as mine." Pilyo ang ngiti nito, na gets ko na kung anu ang ibig nyang sabihin.

"Ah 0o nga pala Jo, may buntot nga pero mga lalaki lang at sa harap nakalagay." Sabi kong natatawa. Tumawa rin si Jo dahil alam na nito kung anu ang tinutukoy ko.

"Hahaha! Grabe naman yang usapang buntot na yan." Ani Thelma. "Maiba tayo kasi may nalulungkot dito, wala kasi dito ang apple of the eye nya!" Anito at ininguso si Ruben, ang head ng grower section na nagkakagusto kay Shiela at ang balita pa ay nagkakamabutihan na ang dalawa.

Ngumiti lang din sa amin si Ruben at parang nag iiwas ng tingin sa akin. Anu naman kaya problema nito? Halata kaya nya na may gusto rin ako kay Shiela?

"Hoy Rie! Asan kasi si Shiela? Bakit di mo siya isinama?" Tanung ni Thelma.

"Tulog na kasi nung nagtext si Jacob." Sagot ko.

Humirit pa sila ng emperador na isang litro kaya umikot pa ang baso. Di pa namin nauubos ang alak nung nakaramdam na ako ng pagkahilo kaya nauna na akong nagpaalam sa kanila. Hinatid naman ako ni Jacob hanggang sa staffhouse namin.

"Shege Jacob, mauna na ako ha.. at salamat." Paalam ko sa kanya nung nasa tapat na kami ng kwarto namin ni Shiela. Nabuksan ko na ang pintuan nung bigla ako yakapin ni Jacob at halikan sa labi. Nagulat ako kaya hindi ako nakapagprotesta kaagad. First time nyang ginawa sa akin yon at first din na halikan namin simula nung naging kami.

"Jacob! Anu ba? Bitawan mo nga ako!" Galit na sabi ko sa kanya saka ko siya itinulak.

"Rie sorry di ko napigilan." Aniya sa akin at pilit akong hinahawakan sa kamay.

"Bukas na tayo mag usap. Ina antok na ako."Sagot ko at walang lingon lingong pumasok ako sa kwarto namin at agad nilock ang pinto. Nagulat pa ako pagpasok ko dahil gising pala si Shiela at paniguradong nakita nya ang eksena kanina.

"G-gising ka pa pala.." Sabi ko sa kanya saka ako umupo sa kama.

"Bakit ka naglasing?" Mahinang tanung nya sa akin.

"Wala lang, umiinum kasi silang nadatnan ko kaya uminum na rin ako." Sagot ko, akmang hihiga ako nung naramdaman kong nasusuka ako. Agad akong tumakbo sa c.r ng kwarto namin. Sumunod din siya sa c.r at hinagod nya ang likod ko.

"Tsk! Iinum inum kasi di naman pala kaya. Gusto mo bukas na bukas bibilhan pa kita ng alam kahit isang dosena pa ha?" Sermun nya sa akin. Kahit hirap ako sa pagsusuka ay nakuha ko pang ngumiti. Ito ang pinakagusto ko kay Shiela, kahit nanenermon sweet pa rin.

Pagkatapos magsuka ay naligo na rin ako at nagtoothbrush, ayuko namang mag amoy suka e katabi ko lang naman ang iniirog ng puso ko. (korni na kung korni)

Pagkatapos mapatuyo ang buhok ay medyo pasuray pa akong naglakad papunta sa kama namin, nakaupo lang ito sa kama at nakatingin sa akin. Tumabi ako sa kanya saka ko siya niyakap, ewan ko kung bakit kalakas ng loob kong gawin yon, siguro ay dahil lasing pa ako. Gumanti rin siya ng yakap at isinandal pa nya ang ulo nya sa balikat ko.

LONESOME girlxgirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon