Chapter Seven

1.8K 69 3
                                    

CHAPTER 7: CONTRACT

Bryll/Kenzu POV

Pinag iisipan ko pa kung itutuloy ko pa ang iniaalok ni Dash sakin.Na magpanggap ako bilang siya,bilang Kenzu.

Flashback

Papunta palang kami sa may elevator ay halos buong classroom ng mga babae na ang nakasunod sa likuran namin.Hirap talaga kapag gwapo no?

"Tinanggap mo rin pala."sabi ni Dash sabay batok sakin.

"Syempre.Sayang rin ang bagong kotse no."sabi ko.

Papasok na kami sa elevator pero dinig na dinig pa rin namin ang tilian ng mga babae.Pasalamat si Dash sakin kung hindi niya ko kasama ay baka walang tumili sa kanya.

"Basta sundin mo lang lahat ng sasabihin ko sayo."tumango nalang ako sa sinabi niya para tanggapin na maging sunod sunuran niya.

Nagulat ako ng isang kamay ang pumigil sa pagsara ng pintuan ng elevator.

"Sandali!!!!!"sigaw nito.

Nang bumukas ito ulit ay nakita ko na babae pala.

"Manang?Ano bang problema mo?!"sabi ni Dash.Bakit ganito ang ugali niya sa kababata niya.?

"Kenzu Lopez?Ikaw na ba yan?"sabi sa'kin ng babae.

Tinapakan ang paa ko ni Dash kaya ako napatingin sa kanya.At base sa buka ng bibig niya,sinasabing sumakay na lang daw ako.

"Paano mo---"sabi ko.Nagulat ako ng bigla niya akong niyakap.

"Kyahhh!!Ikaw nga!!"sigaw niya.

"Sandali lang miss ah.Do I know you?"sabi ko sa kanya na nagpabago ng reaksyon niya.

"Hindi mo ba'to natatandaan"sabi niya sabay inangat niya ang bracelet na may nakaukit na susi."Ako ito si Allison Bartolome yung kababata mo."nakangiti niyang sabi sa harap ko.

"Allison?"

"Oo ako si Allison."nakangiti niyang sabi.

"Sorry Miss pero wala akong kilalang ganun at wala akong alam sa bracelet na yan."biro ko na ikinabago ng ekspresyon niya.

Muli akong tinapakan ni Dash at napalingon sa kanya.

"Stupido!Sabihin mo Alli at iyakin parin siya!"sabi ni Dash ng hindi bumubuka ang bibig.Paano yun?Imagine nyo.

Napangisi nalang si Dash at ako naman ay nagkakamot ng ulo dahil dapat pala umatras na'ko simula palang.Napakahirap magpanggap lalo na't hindi mo lubos na kilala ang tao.

"Alli..."sabi ko na napatingala sa kanya mula sa pagkakayuko."Bakit hanggang ngayon,iyakin ka parin ah?"sabi ko na nakangiti.

"Wahh!!Sabi ko na nga ba,ikaw yan e.Kenzu!!"nagulat ako ng bigla siyang sumugod sa'kin at niyakap ako ng mahigpit.Sa una ay yayakip ko sana siya ng tabigin ni Dash ay kamay pero hindi ako nagpatinag kaya nayakap ko rin siya.Haha!!

"Hanggang ngayon,binibiro mo parin ako!"sabi niya habang umiiyak parin sa balikat ko.

"Wuhaha!Tahan na.Sorry na."sabi ko habang tinatapik tapik ang likuran niya."Andito na ko."dagdag ko sabay tingin kay Dash at dinilaan siya.

End of Flashback

Nakito ko si Allison na nakikipagtalo sa guwardiya na hindi ko alam kung ano ang dahilan mabuti nalang ay pinapasok rin ito.

Sinundan ko siya hanggang sa nakita ko kung saan siya papunta.Sa away.

Dahil sa dami ng tao ay hindi ko na siya makita.Nasan na ba ang babaeng yun?Nahagilap ko naman siya at parang may binabalak siyang kabutihan dahil sa nakikita kong awa sa mga mata.

Tama nga ang hinala ko na may balak siyang tulungan ang babae.Mabuti nalang ay kaagad ko siya napigilan.Pa ulit-ulit siyang nagtatanong sakin kung saan ko siya dadalhin pero hindi ko magawang sagutin.Dahil bago siya dito kaya alam kong hindi pa niya alam tong lugar na ito.Dito ko madalas tumatambay kapag nagcu-cut ako ng klase minsan.

"Bakit mo'ko dinala rito?"sabi niya ng maupo na kami sa isang bench.

"Gusto ko lang makita mo kung saan ako madalas tumambay.Na malayo sa gulo at away."

Habang sinasabi ko sa kanya ay nakatingin siya sa kawalan at ako ay nakatingin sa isang magandang view.

Nagulat ako ng bigla siyang lumingon sa'kin at sandaling nagkatitigan,buti nalang ay pinutol iyon ni Allison baka kung ano ang magawa ko.

"Ah-e.Bakit mo nga pala ko pinigilan kanina?"sabi niya sabay iwas ng tingin.Alam kong naiilang siya sakin.

Sinabi ko sa kanya ang dahilan ko at kitang-kita ang takot niya at bahagyang napalunok.Ganito kasi ang patakaran sa eskwelahan dito dahil halos lahat ng mga estudyante ay may kaya.

"Oh kenzu.6:50 na!Late na tayo sa first subject natin,tara n--"tatayo na sana siya pero bigla kong hinawakan ang kamay niya.

"Dito ka nalang muna.Please lang Allison"sabi ko.

Sa isang oras na iyon ay marami kaming nagawang dalawa na hindi dinidiktahan ni Dash.

"Tignan mo yun Kenzu oh."sabi niya,pero hindi ako sa doon nakatingin kundi sa kanya.

"Oo ang ganda nga.."sabi ko naman.

"Uy,letche ka!Hindi ako.Yung bulaklak!"sabi niya sabay hampas sakin.

Sa dalawang araw palang namin nagkakasama ay panatag na'ko sa kanya.Yung tipong gusto ko siya na lagi ang nakikita ng nga mata ko,naririnig ng taenga ko at nadadama ng puso ko.Kaya ko pa bang magpanggap?Magpanggap na ako si Kenzu?

Paano kung sabihin ko na sa kanya ang totoo?Na ako si Bryll at hindi si Kenzu.

Pero kapag sinabi ko,baka mailang siya sa'kin,lumayo siya sa'kin,kaya naisip ko na..

Wag mo nang ipaalam sa kanya at hahanap na lang ako ng magandang tyempo at panahon.

-----------------------------------

Itutuloy....

A/N: If you like this Chapter,please find the star and click it but if it is not just leave it.Haha✌🏻

Maid of the BadboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon