Chapter Twenty

2.1K 46 21
                                    

Chapter 20: Finale

Dash Craige POV

"Kenzu,limang taon na siyang ganyan.Masakit man sakin sabihin to,siguro sapat na."nakita ko kung paano tumulo ang luha ni Mama Alice habang sinasabi niya ito.

"Ma,ano po ang ibig sabihin niyo na sapat na?"tanong ko kay Mama.

"Alam kong pagod ka na.Kakahintay na magising siya ramdam ko 'yun at mas ramdam kong pagod na rin ang anak ko si Allison.Siguro tanggapin nalang natin na hanggang dito nalang talaga siya Anak.Lumalaki narin ang bill natin dito sa hospital.Hiyang-hiya na ako sayo at sa mama mo."sabi ni Mama.

"Ma,wala po akong pakialam sa pera Ma.Hindi po ako susuko,may tiwala ho ako sa Diyos na magigising siya.Matapang ho yang anak niyo.Mas lalake pa nga ho yan sakin e.Wag ho natin siyang isuko."nakakabakla mang sabihin pero naramdam ko ang mga luhang gustong gusto ng tumulo.

"Anak,Allison.Pasensya kana ha.Kung sumuko si Mama.Patawarin mo'ko Anak.Sabay tayong lalaban anak."

Nagpaalam sakin si Mama na kukuha lang siya ng kape para saming dalawa para daw baka magising na si Allison ay gisng din kami.

"Allison.Gumising kana,please.Miss ka na ni Kenzung gwapo.Mahal na Mahal kita.Sana nasabi ko sa'yo yan simula pa nung una.Allison gising na.Sapat na yang preparation mo para sa kasal naten.Alli Miss na Miss ma Miss na kita.Sana bumangon ka na diyan."muli na namang bumagsak ang mga luha ko at kaagad itong pinunasan.

Maya-maya pa ay dumating na si Mama Alice kasama si Bryll.

"Pre,kamusta na siya?"

"Ganon pa rin e,pero hindi ako susuko.Hindi ako mapapagod na bantayan at samahan siya.Mahal na Mahal ko siya Bryll.Kung pwede ko lang sanang ilipat ang coma niya sakin ginawa ko na.Ayokong nakikita siyang ganyan,Pre."

"Malalampasan nyo rin yan,Dash.Basta kung kailangan mo ng tulong andito lang ako."sabi ni Bryll sabay tapik sa likuran ko.

"Nakita ko nga pala yung Mother ni Rachelle nung isang araw galing dito.Anong ginawa niya dito?"

"Nanghingi ng sorry kay Mama Alice at kay Allison.At gustong makipag areglo sa ginawang kabalbaln ng anak niya.Sino ba namang matinong tao na mag uutis na ipabungo si Allison.Kundi siya lang!Mabulok siya sa kulungan.Hayop siya!"

"Sige pre.Don muna ko sa labas."

Muli kong tinuon ang atensyon ko kay Allison na magandang natutulog lang sa higaan niya.

"Allison,kapag kagising mo.Hindi na akong mag aaksaya pa nang oras na hingin ang mga kamay mo at kunin ang matamis mong oo.Hindi na ako makapaghintay pa..."

-------

"Kamusta,ang bagong impyerno.Rachelle?"

"Dash,Im so so sorry.Please forgive me."pagmamakaawa ni Rachelle.

"Sorry?Ano pang magagawa ng sorry mo kung ang taong ipinasagasa mo ay andon pa sa hospital patuloy paring natutulog.Tapos sa simpleng sorry mo,gusto mong patawarin kita?Nahihibang ka ba?"sabi ko.

"Alam mo Dash.Deserve nya 'yun.Karma nya yun.Malandi kasi siya!Mang aagaw!"

*Pak*

Unti-unting kumati ang mga kamay ko sa mga sinasabi niya kay Allison na malayon-malayo sa pag uugali niya.Dahil ni minsan ay hindi ko si nakitaan ng ganong pag uugali.

"Hindi kaba kinikilabutan sa mga pinagsasasabi mo ha?Kung may malandi man sa inyo dalawa hindi siya 'yun,kundi ikaw!Mabulok ka diyan.Dahil itong seldang ito ang magiging kasama mo sa pagtanda at libingan mo!Tandaan mo yan!"

Umalis na ako sa Mental na seldang iyon dahil baka mamaya ay mahawahan pa'ko na ng kabaliwan niyong babaeng to.

Bumalik ako sa hospital na kung nasaan si Allison at umaasang magigising siya.Pero dumaan muna ako sa jewelry shop para bumili ng mamahing singsing na kung sakaling magising na siya ay kaagad ko siya alokin.

Pagpasok ko siya kwarto niya ay gulat na gulat ako sa nakita ko.Hinigpitan ko ang hawak ko sa singsing na binili ko para sa kanya.

Unti-unti kong nasulyapan ang mga ngiti kong matagal ko nang hindi pa nakikita.Sa wakas ay dininig na rin ng Diyos ang matagal ko nang dinadasal sa kanya.

Pero sa saglit palang ngiting iyon ay sisilip din ang gulat at lungkot s mga narinig ko mula sa bibig niya.

"Ma,sino siya?Siya na ba ang doktor na titingin sakin,Ma?"

Unti-unting bumagsak ang singsing na kanina lang ay maghigpit kong hinahawakan at kasabay nito ang pagbagsak ng mga luha kong punong-puno ng lungkot

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Unti-unting bumagsak ang singsing na kanina lang ay maghigpit kong hinahawakan at kasabay nito ang pagbagsak ng mga luha kong punong-puno ng lungkot.

Maid of the BadboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon