Chapter Thirteen

1.4K 48 1
                                    

CHAPTER 13:

Dash Craige POV

"Dash,bakit mo tinulak si Allison?Nahihibang ka na ba?"tanong ni Bryll sakin.

"Siguro nga.Dahil ayokong lumalapit pa siya sakin lalong-lalo na dito pa sa school na'to,Bryll."muli akong nagsindi ng sigarilyo at agad itong hinithit.

"Ha?Bakit?"gulat na gulat niyang tanong.

"Si Dino."nakita ko kung paano nagbago ang reaksyon ni Bryll na mabanggit ko ang pangalan na iyon sa harapan niya."Andito na siya."

"Kailan pa?"sabi ni Kenzu habang papalapit sakin.

"Hindi ko alam.Sige una na ko,wala kasing tao sa bahay."

"Teka,paano si Allison?"sabi ni Kenzu.

Dumiretso lang ako sa paglalakad at hindi ko na sinagot pa si Bryll,dahil alam na rin naman niya ang sagot sa tanong niya.Nakarating ako sa isang mapunong lugar na kung saan ang teritoryo ni Dino at nagbabasakaling andirito siya.

"Tabi!"sigaw ng isang babae.Pero hindi ito pinayagan ni Dino bagkus ay hinarangan pa niya ito.

"Akala mo ba makakaalis ka rito ng ganun-ganon lang ah."

Palapit ng palapit si Dino at ang babae ay patuloy na umaatras hanggang sa nakita ko ang mukha ng babae.

Umakyat ang lahat ng dugo ko sa kamao ko at ang mga mata kong nanlilisik dahil sa inis.Lumapit sa lugar na kung saan si Dino at buong lakas ko siyang sinuntok.

Napaupo siya dahil sa lakas ng pagkakasuntok ko at dahan-dahan niyang pinupunasan ang mga digo lumabas sa kanyang bibig.Kitang-kita ko ang panginginig ni Allison sa kamay ni Dino.

Kinuha ko ang kamay niya at hinala siya papuntang parking lot.

"San tayo pupunta?"nanginginig na tanong niya.

"Uuwi na kita."

Isinakay ko na siya sa kotse at mabilis itong pinaandar.Tahimik lang siya buong byahe at tila mo'y nanginginig pa.I feel guilty.Dapat pala hindi ko na siya sinaktan pa para hindi siya nakarating sa lugar na iyon at hindi niya na tikman ang kasamaan ni Dino ang matalik kong kaibigan dati.

---------------------

Allison POV

Pinili kong tumahimik buong byahe dahil gusto kong umiwas sa mga tanong ni Sir Dash.Kahit sa pagkain namin ng dinner ay tahimik lang ako mabuti na nga lang ay di siya nagtanong.

Matapos kong maghugas ng plato ay agad akong umakyat sa kwarto ko.Ilang oras na ang lumipas pero ni hindi ko magawang matulog hanggang sa tumunog ang tiyan ko dahil sa sobrang gutom.

Dahan-dahan ako naglakad pababa sa hagdan dahil sa sobrand dilim ng buong paligid.

Binuksan ko ang ref at kumuha ako ng isang latang beans at agad itong binuksan.Nang hindi pa ako masiyahan ay kumuha pa ako ng karagdagang isa.

"Anong ginagawa mo?"

Napatigil ako sa pagsubo ko ng marinig ko ang boses na nagpatayo ng lahat ng balahibo ko.Dinig na dinig ko ang mga yabag niya pababa ng hagdan.

"Ano yan?"sabi niya.

"Ah ano kasi.Nagutom ako.At tsaka yung mga kinakain ko ay yung malapit na ma expired.Tignan mo."sabi ko sabay pakita ng expiration date nito.

Nakatingin lang siya sakin at tila mo'y nakakita na multo.

"Why?"pagbabasag ko dahil hindi ko na kayang patagalin pa ang mga titig niya.

"Bakit mo kinakain yan.Akin na nga yan!"abi ni Sir Dash at agad inagaw sa akin ang hawak-hawak kong canned beans at itinapon sa trash can malapit sa ref.

Binuksan niya ang ref at kumuha ng isang supot ng macaroni at kung ano-ano pa.

"Makakapaghintay kaba?"aniya.

"Sige."maikling sagot ko.

Sa ilang oras na pagkakaupo ko ay sa wakas luto na rin ang kung ano man ang inuluto nitong Dracula na'to.Infairness mabago at mukhang masarap.

Pagkasubo ko ng isang kutsara ay agad ko itong inuluwa dahil sa sobrang init.Nakita ko ang pagtawa ni Dracula na nagpabilis ng puso ko.Nang mapansin niya na napahinto ako at nakatitig lang sa kanya ay agad siyang nagbago ng topic.

"Akin na nga!Hihipan ko."sabi niya sabay kuha ng mangkok na may lamang mainit na macaroni salad.

Pinanood ko lang siya kung paano niya ito hipan ang pagkain ko,ewan ko ba kung bakit ganto ang nararamdaman ko.Sa totoo lang ay may angel side din naman pala itong si Dracula e.

Nang matapos niyang palamigin ay agad ko itong kinain dahil sa sobrang gutom na nararamdaman ko.

Nagulat ako ng bigla niyang kunin ang walang lamang mangkok at agad dinala sa lalabo.Napatayo ako at dali-dalinv pinuntahan siya

"Sir,sanay po ba kayo maghugas ng plato?"napangiti lang siya at agad na binuksan niya ang gripo.

Napahalakhak nalang ako nang tumalsik ang tubig sa kanya dahil sa lakas ng pagkakapihit niya dito.Nang mapansin niya ito ay humarap siya sakin at tumungin ng may pagka evil smile.

"Ano ba!"sabi ko ng bigla niya akong basain.

Ginantihan ko siya at agad na kumuha ng sabon para ipato sa kanya pero nangpato kong yun ay bigla akong nadulas dahil sa tubig na nagpadulas ng sahig.

Napapikit nalang ako at hinihintay na bumagsak sa lupa ang pangangatawan ko.Bigla kong minulat ang mga mata ko ng walang sahig ang tumama sakin.

Sa pagkakataong ito ay tanging mukha lang niya ang nakikita ko,ang mga mata niyang ibang-iba para sakin.Alam kong mali pero hindi ko mapigilan itong nararamdaman ko.

---------------

Itutuloy.........

A/N: If you like this Chapter,please find the star and click it but if it is not just leave it.Haha✌🏻

Maid of the BadboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon