<Chapter 9>
Princess Pov:
Sa condo:
Nandito na ang mga kaibigan ni James. Honestly sa lahat ng dramang to, isa lang ang totoo gusto ko sila maging kaibigan. Lalo na si Calvin, para kasing ang bait bait nya talaga. Pero hindi naman pala totoo yung sinabi ni James kanina, wanna know why?
" Akala ko may kasama kayong mga babae, sabi kasi ni James eh! "- tanong ko sa kanya. Kasalukuyan akong naghahanda ng pagkain nila sa kusina ng gulatin ako ni Calvin.
" Haha seriously? Sinabi nya yun? eh ayaw nya nga na magdadala kami ng babae dito sa condo nya no! Atsaka ikaw pa lang ang babaeng dinala nya dito! Nagulat nga ako ng malaman kong dito ka na rin titira eh, wanna explain to your friend here? "- sabi nyang may nakakalokong ngiti. Inexplain ko sa kanya lahat, di ako nagtago sa kanya. Obviously gusto ko din kasi mapalapit kay Calvin talaga. He is my only friend after all.
Madami inuutos si damuho, nagagawa ko yun ng kausap pa din si Calvin. Nage-enjoy nga ako eh.
" Hmm. Aren't you tired at him? " - ask nya sa akin habang naglalabas ako ng mga beer sa ref.
" Never." - sabi kong seryoso na nakatingin sa kanya at iniwan sya saglit para ibigay kay James ang mga beer. Sa tagal na namin naguusap dito, nasabi ko na sa kanya ang lahat lahat ng dark secrets ko. Feeling ko kasi maliban sa inyong nagbabasa nito! Kelangan ko din talaga ng masasabihan ng mga saloobin ko, and i found Calvin to be the perfect person. Ewan ko ba, gusto ko yung pakiramdam na may kaibigan ka, at masasabihan mo lahat lahat ng bagay na sinasarili mo lang.
Nagulat syang malaman na mahal ko na pala talaga si James at plano ko lang to, nung una di sya makapaniwala pero kinuwento ko sa kanya ang lahat. Sabi pa nga nya, tutulungan nya daw ako pero sabi ko nga di naman need pa. Martir nga ang tawag nya sa akin eh. Well, tama naman sya talaga!
Nakinig lang sya sa lahat ng sinabi ko. Ang gaan sa pakiramdam na may nasabihan ka na ng problema mo!
Nagtataka kayo kung bakit nakakalapit si Calvin sa akin no? Kasi po nagpa-practice sila ng basketball sa Xbox ni James, busy sila sa paglalaro. Yeah! adik yan si James sa basketball eh! Basta basketball, di nya napapansin ang paligid nya.
Tsaka di na din ako takot sa punishment nya kasi alam naman na ng parents ko na boyfriend ko sya. So wala na sya iba-blackmail sakin. Isa pa, halos lagi naman nya ko inuutusan eh! Maid nga ang peg ko dito diba? Pero im willingly happy to be his maid anyway.
Bumalik ako at nakita kong nakikinig si Calvin ng music at naka earphone sya, inaagaw ko yung isa sa tenga nya at pinakinggan din.
Nagulat sya sa ginawa ko pero tumawa lang sya at tumawa na din ako. Nakinig lang kami ng tahimik.
( Count on Me of Bruno Mars is now playing)
I really love this song, favorite ko kaya si Bruno Mars. Halos lahat ng kanta nya, gusto ko!
Sabi ko nga sa sarili ko noon kakantahan ko yung una kong magiging kaibigan. At si Calvin yun, nahihiya pa ako sa ngayon pero darating din yung time na yun. Nakinig lang kami at naririnig kong kumakanta din si Calvin. Ang ganda ng boses nya, mahina lang kasi sinasabayan nya lang.
Napatingin ako sa kanya nakita kong nakapikit sya at ninanamnam ang kanta, ang cute nya pagmasdan. Actually gwapo si Calvin kamukha nya nga kasi si Chan-yeol ng Exo. Matangos ang ilong, singkit yung mata na kulay emeralds. Sabi ko nga sa inyo dati nakaka-hypnotize pag tumitig ka sa mga mata nya. Yung labi nya, Omo! Kissable lips. At ang katawan nya perfect din katulad ng kay James parehas din silang matangkad. Sabagay halos lahat naman sila mga macho, yummy kung tawagin ng iba! hihi. Siguro mga nag gigym sila.
BINABASA MO ANG
It started with a bet (On-going)
RomanceIto ay nagsimula sa bet na puno ng kasinungalingan. Princess Precious seek for revenge to a man named Clifford James Dashington. She mades a bet that if Clifford fall in love to her, she will do the things that Clifford did to her. She will humilia...