JANE's POV.
Habang nagmamaneho si Franc, ito ako ngayon nakatulala sa bintana ng kotse. Kinakabahan at mukhang ewan. Paano kasi hindi ito yung first meet namin ng parents niya pero hindi ako sure kung magugustuhan ba nila ako para kay franc. Nagulat na lang ako ng may humawak sa kamay ko.
" Don't be nervous. Andito lang ako. "- Saad niya at ngitian ako. Tumungo lang ako sakanya. Maya maya pa ay tumigil na siya sa isang malaking gate. Pinarking ang kotse at lumabas na para pagbuksan ako.
" Let's go. " - Saad niya at inalalayan akung makababa. " Your so beautiful. "- Ani nanaman niya. Kanina pa niya sinasabi yun, at hindi ako nagsasawayang kiligin. Simple lang ang suot ko, Naka-red dress ako hanggang thigh at naka-high heels na white, pero elegante kung titignan. Simple lang din ang make up ko na lalong nagpaganda saakin.
Ayan na.. Unting hakbang nalang nasa pinto na kami ng mansyon nila. Grabe sobrang lakas talaga ng tibok ng puso ko ngayon. -.- May halong kaba at excitement. At ayun na nga andito na kami sa tapat ng parents niya.
" Oh! Hi darling. " - Bati agad saakin ni tita trixie sabay kiss sa magkabilang cheeks. At sinabing, " Hay! Napaka-ganda talaga ng batang to. "
" Thank you po tita. " - Ani ko. At binaling naman ang tingin kay tito Adrian (daddy ni franc.) " Good Evening po, tito."- Saad ko.
" Good Evening din. Grabe, manang mana talaga saakin ang anak ko pag dating sa pagpili ng mapapangasawa! " - Proud na proud nitong sabi kay franco.
" Dad! " - ani ni franco at tanawa na lamang kami.
" Bye the way, sigurado akung magugustuhan ka ni mama! " - Sabi ni tita trixie saakin at hinila ako. Sa una, sasama pa sana saakin si franco pero pinigilan siya ni tito adrian at may pinag-usapan sila. Ano kaya yun?
" Mag-gigirl talk lang naman tayo, Jane! " - ani ni tita ng makapunta na kami sa living room nila at pina-upo ako. Grabe! Ang gaganda ng mga furnitures nila, As in. Halatang mahal ang bili. Maya maya pa ay bumaba na sa hagdan ang isang maputing babae na hindi halata sa mukha ang pagiging citizen. And ang sexy pa niya!
" Hi, Ma! " - Bati sakanya ni tita trixie ng makababa ito at kiss din sa magkabilang pisnge. " By the way ma! Siya si Jane, anak ni sanny at siya rin yung kinakabaliwan ng apo niyo. " - Saad ni tita rito. Napangiti naman yung babae at tumingin saakin.
" Good Evening po. " - magalang kung saad.
" Good evening too. Wag mo naako i-po just call me mamits. Yun kasi ang tinatawag saakin ni franco at gusto ko yun din ang itawag saakin ng soon to be wife ng apo ko. "- Ani nito at kiniss ako sa magkabilang pisnge.
" Oo nga pala, may gusto akung sabihin sayo. " - Saad ni mamits at pina-upo ako sa couch. " Alam mo ba, nung nasa states kami ni franco lagi kanyang binabanggit saakin. Sabi niya rin nung 7 years old ka palang daw ikaw na yung first love niya! " - Saad nito. Nung una nagulat ako sa sinabi niya, it means matagal na palang may gusto saakin si franco!?
" Mom! " - singit ni tita kaya hindi na-ituloy yung sasabihin sana ni mamits.
" Oh! Im so sorry darling. "- Ani ni mamits at tumawa na parang nang-aasar. Sa tingin ko alam din ni tita trixie yung about dun.
" So, halika na kain na tayo! " - pagbabago ng topic ni tita trixie at niyaya naako sa dining table nila.
***
Nang makapunta na kami sa kitchen nila. Andun na pala si franco at si tito adrian, at si alliah.
" Hi, Jane! I miss you na. " - Saad ni alliah at niyakap ako.
" Na miss narin kita! " - sabat ko.
" Tara, kain na tayo! " - saad niya at hinila ako sa tabi niya.
" Ate! Saakin tatabi si jane. " - Sabat ni franco.
" No! Saakin. " - sabat ni alliah. At hindi na naka-pagsalita pa si franco.
Napuno ng kwentuhan ang pagkain namin, marami rin akung nalaman na nakakatawa sa childhood life ni franco. Si mamits naman tanung ng tanung kung kailan daw ba ang kasal. Pero sinabi nalang si franco na, " Bata pa po si jane para jan. " Si alliah naman sobrang saya kasi may boyfriend na, at halatang inspired na inspired. Sila tita and tito naman nagkwento about sa relation nila dati. Nung una nga nakakaiyak yung kwento ni tita pero nung nag-asawa na sila ang dami ng masasayang nangyari. Pero walang tatalo sa kwento ni mamits about kay lolo kinton na nasa europe ngayon. Basta, ang saya saya ng gabing to.
" Oh, siya! Malalim na ang gabi. Ihagid mo na si jane sakanila, franc!" - Ani ni mamits. At tumayo na nga kami ni franco para umalis.
" Sige po. Good Evening po ulit! Bye bye. " - Paalam ko sakanila bago pa man umalis.
" Nag-enjoy ka ba? " - tanung ni franco habang naglalakad kami papunta sa parking.
" Oo. Sobra! " - Saad ko. Pinagbuksan niya ako ng pinto bago pumasok sa loob at pinaandar na ang kotse.
" Bukas ipakilala naman kita sa mga barkada ko. " - Saad niya.
" Sige. " - sagot ko medyo inaantok narin kasi ako kaya umiglip muna ako saglit.
***
" Jane. " - nagising ako sa tawag ng isang lalaki. At yun ay si franco. " Andito na tayo." Saad niya.
Umayos naako ng makita ko na nasa tapat na nga kami ng bahay. Pababa na sana ako ng kotse niya ng may sabihin siya.
" Wala ba kung kiss. " - Tanung nito.
" Kailangan pa ba nun? " - tanung ko rin.
" Oo naman. Syemore kailangan ko nun. " Saad niya.
" Osige, basta sa pisnge lang. " Ani ko. Nung una sumimangot siya pero..
" Sige na nga " - Saad niya at kiniss ko siya sa pisnge. " Goodbye. " - Ani ko at lumabas na ng kotse.
++++
To be continued...
BINABASA MO ANG
From His Stalker Turns To His Girlfriend (editing)
FanfictionDalawang taong nagmamahalan ngunit ng dahil sa isang kasinungalinan, lahat ng iyon ay nauwi sa maling pamamaraan. Magiging totoo parin ba ang pinaniniwalaan nilang 'Destiny' ?