Ikalimang Tula: Pasensya na, Wala nga palang Tayo

179 2 0
                                    

PASENSYA NA, WALA NGA PALANG TAYO
By: Danjelyn Aragon Estrada
@DANJErousGirl

Hindi mabubuo Ang salitang Tayo
Kung walang ikaw at ako
Pero meron nga bang tayo?
O sadyang iniisip ko lang ito?

Minsan binalak kong magtapat sayo
Pero naudyok dahil sa pinakilala mo
Childhood friend mo, Sabi mo.
Pero parang boyfriend Ang tingin sayo

Dumating lang Siya sa buhay mo
Nakalimutan mo na ako
Dahil sa sobrang pagkaselos ko
Nasampal ko Ang babaeng yun sa harap mo

Hindi ko inakalang ibababalik mo iyon
Ibabalik Ang sampal sa akin na iyon
Sa pagmumukha ng Bestfriend mo noon
Oo, Noon dahil wala ng ngayon

Ano ba kita? Sigaw mo
Ako nama'y napanganga dahil sa sinumbat mo
Isang hamak Na bestfriend mo lang naman ako
Na hindi sinasadyang mahulog Ang loob sayo

Sa bawat pagyakap mo
Ako'y nalilito
Sa bawat paghalik mo sa noo ko
Ako'y gulong gulo

Sa bawat mga salita at kilos mo
Ako'y pinapaasa mo
Hindi mo Alam Na sa mga pinapakita mo
Unti-unting nahuhulog Ang loob ko sayo

Pero, Sorry ah? Nag-akala lang naman ako!
Nag-akalang mahal mo rin ako
Pero may naalala ako
Pasensya Na, wala nga palang tayo

Compilations Of Poems (English & Tagalog)Where stories live. Discover now