Ikaanim na Tula: Pasensya na, di ko na kaya

138 1 0
                                    

PASENSYA NA, DI KO NA KAYA
By: Danjelyn Aragon Estrada

@DANJErousGirl

Heto na naman sila
Nakatingin sakin ang mga mapanghusgang mata
Di pa ba sila magsasawa?
Kasi ako sawang sawa na

Sa bawat paglabas ko sa aking lungga
Mga mata nila'y sakin nakatuon na
Sa bawat pagbigkas ko ng mga salita
Ay sya ring pagkakalat nila sakin ng mga masamang balita

Nakakabangag at nakakasawa,
nakakasawang pakinggan ang mga bulong-bulungan nila.
At nakakabangag maghintay ng tamang panahon para sila'y tumigil na
Tumigil na at tanggapin ako ng kusa

Pero hanggang asa na nga lang pala
Kasi sa tuwing binabalak kong magpapakita
Parang may humihila sa akin pabalik sa aking lungga
At masasabi ko na lang na hindi ko pala talaga kaya

Hindi ko kayang humarap sa mga mapangmatang tulad nila
Hindi ko kayang tapatan ang mga mapangutyang tingin nila
Hindi ko kayang sumabat sa mga chismiss at bulong bulungan nila
Kahit anong gawin ko, hindi ko kaya

Hindi ko kayang maging matapang gaya ng gusto nila
Hindi ko kayang ipagtanggol ang sarili ko sa kanila
Hindi ko kayang maging tulad nila
Hindi ko kaya

Heto na naman ako
Nag-iisa lamang sa kwartong ito
Napahawak na lamang ako sa aking sentido
Dahil hindi ko na kayang kimkimin ang lahat ng ito

Tumayo ako at pinunasan ang luhang tumulo
Buong lakas na lumabas ng kwarto
At hinarap na ang mga tao
At nakatanggap na naman ng masamang tingin dito

Ang sakit na
Hindi ko na kayang itago pa
Tumayo ako at pinunasan ang luha
Na nangingilid sa aking mga mata

Kinuha ang lubid at tinali na
Hindi na nagdalawang isip pa
Na itulak ang upuan para ako'y mabigti na
Hindi ko na kasi kaya, please tama na.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 10, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Compilations Of Poems (English & Tagalog)Where stories live. Discover now