Ikatatlong Tula: Ako Pa Din Ba?

231 5 0
                                    

AKO PA DIN BA?
By: Danjelyn Aragon Estrada
@DANJErousGirl

Ako pa din ba?
Isang tanong sayo mula noon pa
Laging nababagabag dahil baka pinagpalit mo na
Pero Tama Ang hinala dahil meron ng iba

Anong nangyari sa ating dalawa?
Bakit biglang pinaghiwalay ng tadhana?
Tayo nga ba'y para sa isa't isa?
O pinagtagpo lang talaga at hindi itinadhana

Dugo't pawis Ang pinaghirapan
Para lamang ika'y makamtan
Pero sa isang iglap lamang
Biglang naglaho Ang lahat ng pinaghirapan

Ang sakit lang isipin
Na ang noong TAYO ay naging KAYO
Kayo na laging magkasama
Samantalang ako na mag-isa

Lumipas Ang ilang taon
Nalimutan din kita
Nagkaroon ng bagong kakilala
At nahulog Ang loob sa kaniya

Ngunit biglang ika'y nagpakita
Ihip ng hangin'y nagbago na
Lumapit sa akin at nagmakaawa
Na ibalik sa dati ang ating ala-ala

'Para saan pa?' Tanong sa aking isipan
Dahil di mawari kung anong dahilan
'Ako pa rin ba?' tanong niya naman
Di nakasagot at natulala na lamang

'Pasenya ka na, Dahil kaya ko ng mag-isa
Pero lagi mong tandaan na
Una pa lang talaga,
Sa puso ko'y ikaw Na.

'Mahal kita at ikaw lang talaga
Pero sadyang mapaglaro Ang tadhana
Dahil di tayo nakatadhana para sa isa't isa'
Huling sambit at tumalikod Na

At unti-unting tumulo Ang Luha
Kasabay ng pag-iiwan sa kanya.
Dahil alam niyang pagtatagpuin muli sila
Kung sila nga ba'y para talaga sa isa't isa.

Compilations Of Poems (English & Tagalog)Where stories live. Discover now