34

797 12 3
                                    

[Who are they?]

Hindi ko makalimutan ang mga sinabi sa akin ni jason. Lahat ng iyon ay sariwa pa sa aking isipan at hindi ko alam kung kailan ko iyon makakalimutan. I'm going crazy of always thinking it!

Nang mga oras na 'yon naramdaman ko ang kakaibang pagtibok ng aking puso. Hindi ito normal lalo pat ang lakas nito at parang may tambol sa loob.

Napakurap ako ng sabihin niya 'yon at pumunta siya sa akin para yakapin at halikan ako. Naramdaman ko ang pagtigil ng tibok ng puso ko at pagbagal ng oras. Parang lahat ng nakikita ko ay naging mabagal sa aking paningin. Tila lahat ay tumigil ng dumampi ang kaniyang labi sa akin.

Nakaupo ako ngayon sa aking kama at hanggang ngayon ay prinoproseso pa rin ang nangyari kanina.

Humawak ako sa aking dibdib at panandaliang dinama ang tibok ng puso.

Mahal mo na ba siya? Bigla ko na lang naibulong sa aking sarili. Sa hindi ko alam na dahilan ay nahulog na nga ako sa kaniya. Hindi ko alam kung bakit bigla na lamang tumulo ang butil ng luha mula sa aking mata pababa sa aking pisngi.

Pakiramdam ko ang tagal ko na siyang minahal at ngayon ko lamang napagtanto na muli kaming pinagtagpo sa tagal na ng panahon na nagkalayo kami.

Nang umayos na ang aking pakiramdam, dinicharge na ako. Pinag-leave muna ako ni director sa ngayon para daw ay dire-diretso na ang pagpapahinga ko hanggang sa maka-recover ako ng tuluyan.

Kinwento din sa akin ni Gwen ang mga nangyari ng mawalan ako ng malay.

Tama ang aking hinuha, pinatalsik nga siya dito at isa lang din ang ibig sabihin nito na hindi na siya makakapasok sa kahit saan mang ospital dahil sira na ang pangalan niya. Hindi na rin siya matatanggap ng ilang ospital dahil alam na nila ang ugali nito.

Kinwento niya din sa akin na si chief Park ang nagdala sa akin at naggamot ng ako'y mahimatay. I'm so thankful to him. Sana balang araw maka ganti din ako sa kaniya sa mga ginawa niya para sa akin. I will pay him more than what he had done to me.

Hindi ko na pinasama si Gwen para ihatid ako. Napagdesisyunan ko na umuwi na lang dahil hindi naman ako naka-duty ngayon. At alam kong busy din siya kaya hindi ko na inabala pa na samahan niya ako.

Bago rin ako umalis ay napagdesisyunan ko rin na kausapin si jason para magpasalamat, ang kaso may naka-schedule daw siyang surgery ngayon. Matatagalan pa daw iyon dahil kakaumpisa niya pa lang.

Hindi ko na tinangkang hintayin pa siya kaya minabuti ko ng umuwi na lang.

Kinuha ko mula sa aking bag ang susi ng sasakyan ko nang bumukas na ang elevator, hudyat na nasa parking lot na ako. Nagmartsa ako papunta sa aking sasakyan.

Ngunit ilang segundo lamang ay napatigil ako sandali dahil may nararamdaman akong parang may nakatingin sa akin.

Pinagmasdan ko ang paligid pero wala naman akong nakitang kakaiba kaya nagpatuloy na lamang ako.

Bago ko pa mabuksan ang sasakyan ko ay may biglang nagpakita sa aking nakahood. Bigla akong kinabahan sa tagpong iyon. Iba ang naramdaman ko ng makita ko siya. Biglang tumaas ang mga balahibo ko at yumanig sa akin ang matinding takot.

Hindi ko rin makita ang kaniyang mukha dahil natatakpan ito ng hood ng kaniyang jacket.

Napaatras ako dahil unti-unti siyang lumalapit mula sa pinanggalingan niya..

"Si-sino ka?" nanginginig ang aking boses.

Nakita kong nagtiim bagang siya at pinantay ang tingin niya sa akin.
Ngayon ay nakikita ko na ang kabuuan ng kaniyang mukha.

Doctor ParkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon