16

1.1K 16 1
                                    

[Pusong abnormal]




Niyagak ko si gwen sa cafeteria para doon manatili . Ewan ko ba kung ano ang pumasok sa isip ko. Ano nga ba yung pag-uusapan namin? Malamang ay si gwen na naman ang mag-bubukas ng topic.

Ganoon ulit ang aking inorder, hot chocolate para mainitan ang sikmura ko at si gwen.. alam na, eh mas matakaw yun sa akin.

Sinisimsim ko lang ang hot chocolate ko at nakatulala sa kawalan. Bigla akong napatingin sa katabi ko ng magsimula siyang magsalita.

" ang tahimik naman. Magsalita ka naman. Inaya mo ako dito tapos wala ka man lang sasabihin diyan.."

"Kaya nga kita inaya kasi alam ko ikaw ang magbubukas ng topic na pwedeng pag-usapan natin eh...kasi alam ko madaldal ka.." binaba ko na ang mug ko tska nag cross arm sa kanya.

"Wow! Madaldal talaga ah. Tsk...so ano nga pag-uusapan natin? At alam ko na may gusto kang sabihin sa akin. Kanina ka pa diyan tulala, ang lalim ng iniisip mo.. wag ka ng mahiya." sabay nun ang pag-subo niya sa cake na inorder niya.

Huminga ako ng malalim. Oo tama siya, may gusto nga akong sabihin pero hindi ko masabi. Pano ba naman, kapag kasi nagsasabi ako sa kanya parang siya ang nasa posisyon ko.. ang dami niyang sinasabi.

"Huy!" Sinamaan ko siya ng tingin dahil sa paggulat niya sa akin.

"Ano, magtititigan na lang tayo dito?" Sarkastikong pagkakasabi niya sa akin. Hays, ito talagang babaeng toh. Hindi makapaghintay. Masyado lang siyang excited.

"May itatanong lang sana ako... tungkol kay.." lumapit ako sa mukha niya para ibulong ang "chief Park." Ngumuso ako sa kanya at siya naman pinanliitan ako ng tingin at sabay ang pagngisi niya.

Kumunot ang aking noo dahil sa naging reaksyon niya. Kahit kailan talaga binibigyan niya ng malisya ang pagtatanong ko sa kanya tungkol kay chief park. Kung gusto niya yun, eh di sa kanya na.. huwag niyang ipasa sa akin. Kaso ang problema pinagtutulakan niya ako.

"Tsk. Tsk. Tsk. Ngayon ko lang nalaman lendrein na stalker ka pala... at, si chief Park talaga... bakit nagbago na ba feelings mo sa kanya?" Hindi pa rin nawawala ang nakakaasar niyang ngiti.

"Ano ba gwen! Hanggang ngayon ba ipapaliwanag ko pa ba sa iyo na hindi ko siya magugustuhan."

"Hindi nga ba?" Narinig ko ang tunog ng pagsipsip niya sa iniinom niyang juice.. ang tanong hindi nga ba!? Hay! Ewan! Hindi ko nga maintindihan tong sarili ko. Yung feeling na masaya pa ako na inaasar ako ng lalaking yun. What the hell? What's happening to me!! Gad! Sa totoo lang abnormal yung nararamdaman ko eh. Hindi ito normal!

Pero hindi ko iyon sasabihin kay gwen dahil alam kong magdada-dada yun. Medyo nacurious lang ako sa pagkatao ni chief kaya iyon na lang ang pag-uusapan at itatanong ko sa kanya.

"Matagal na ba dito si chief Park sa hospital?" Paumpisang tanong ko sa kanya. Muli ay sumimsim ako at naghintay ng isasagot niya.

"Ayon sa mga matagal na dito sa hospital, 15 years na daw siya dito.. 2 years pa lang ako dito kaya hindi ko pa masyadong alam ang mga backround nila.. " ang tagal niya na pala dito. Kaya ganoon na lang kahalaga sa kaniya kung sino ang papasok dito.

"Bakit ka naman nagtatanong tungkol kay chief?"

"Wala, nacurious lang ako. Tsaka wala ba kayong napapansing kakaiba kay chief?"

Kumunot muna ang noo niya bago nagsalita.
"Wa-la naman. Bakit ikaw ba meron? Tss. Tigilan mo nga yang mga napapansin mo na 'yan."

"Nagsasabi lang naman ako. Para kasing may sakit si chief. Lagi kasing matamlay ang mukha niya, at parang hindi siya mahilig kumain."

Doctor ParkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon