Prologue

343 36 19
                                    

Alex's POV

December 30, 2016
8:00pm

Paulit ulit kong sinisilayan ang oras sa aking wrist watch. Halos kalahating oras na akong nag iintay dito sa labas pero wala pa din akong nakikitang bakas na paparating na ung iniintay ko.

7:30 ang oras na alam kong pupunta siya pero saktong alas otso na ng gabi. Nagsimula na akong magalala. Kaya hindi ko na napigilan ang aking sarili na tawagan siya. Madaming 'ring' na ang lumipas pero hindi pa din niya sinasagot.

Nakahinga na ako ng maluwang luwang matapos niya sagutin ang aking tawag. "H-hello?"

Gumuhit ng isang masiglang ngiti ang aking labi nang marinig ko ang kaniyang boses mula sa kabilang linya. He never failed to make me smile always. Even if it is just his voice, his sweet and mild voice.

"Hello babe? Nasan ka na ba?" I asked.

"Uh- uhm. Oh, im so sorry babe. Ah-eh, traffic kasi eh. Hindi ka agad ako makalusot. Pero malapit na naman ako, ahm. Konti na lang," he  answered. Naririnig ko pa ang ilang mga busina mula sa kabilang linya. Siguro ay natrap siya sa kalagitnaan ng traffic sa highway.

"Ahh ganun ba babe,"
"Oo babe ehh"
"Ahm, sige. I'll wait. Take care hu? I love you" i said with a sweet and caring voice.
"Thanks babe. Uhm- ah, love you too" and then after that i ended up the call.

Pumasok ako sa loob at sinalubong ang mga kabanda ni Louise na masayang nagkukwentuhan.

"Ohh Lex, nasan na daw? Gutom na kami." tanong ni Joshua habang itino-tono ang kaniyang gitara.

"Ahhm, natraffic daw ehh. Pero malapit na naman daw siya. Padating na" sabi ko tapos umupo at ipinahinga ang aking paa.

Ilang minuto pa ang lumipas, ay narinig ko ang tunog tambutso na nanggagaling sa labas. Sinilip ko ang bintana upang ikumpirma kung sino ang nagmamayari ng motor. Ng makita ko ang pamilyar na pangangatawan ay nag ayos ka agad ako ng sarili.

"Guys, nanjan na siya. Dalian niyo. Ihanda niyo na dali." Sabi ko sa kanila at kinuha ang chocolate cake sa mesa.

Isang konting handaan lang naman ang ganap para sa celebration ng 1st anniversary namin ni Louise. First time ko siyang isusurprise sa ganitong paraan even though ako ung mas galante sa aming dalawa.

Well, pinadevelop ko lang naman lahat ng pictures naming dalawa ni Louise at finorm ko ito na number one. At sa baba nito, nakapatong sa sahig ang dalwang teddy bear na mickey mouse at ang paper bag kung saan nakapa loob doon ang mga regalo ko para kay Louise.  Tapos ung ibang pictures ay nakakalat na nakadikit sa wall. Isa itong room kung saan nagrerehearsal ang buong banda ni Louise. Mabuti na lang at pinayagan nila akong dito na lang ganapin.

Naghanda din ako ng ilang pagkain para sa mga dumalo at tumulong sakin sa paghahanda para sa celebration na ito.

Narinig ko ang pagbukas ng pinto at tuluyan na naming nakita si Louise.

"SURPRISE!" sabay sabay naming sigaw. Habang si Louise ay nagulat at nakangiti akong tinitigan.

Naglakad ako papalapit sa kaniya, habang dala dala ang cake. "Happy 1st anniversary babe." sabi ko at inilahad sa kaniya ang cake.

Isang ngiti lamang ang nasilayan ko sa kaniya at walang kung ano ano pa. Pakiramdam ko may kakaiba sa kaniya ngayon. Nakita ko sa mga mata niya ang halo-halong emosyon. Saya, lungkot, guilt, at kaba.

"A-alex" mautal utal niyang sabi habang ako ay nakatunghay pa din sa kaniya at hinihintay ang kaniyang sasabihin.

"Hmm? May sasabihin ka ba?" nagsimula nang mangilabot ang buong katawan ko at kaba sa aking damdamin. Kahit ang tibok na aking puso ay bumibilis na din.

Inaasahan ko ang kaniyang pagbati sa akin para sa anniversary namin pero ibang salita ang aking narinig. "Alex, hindi na kita mahal"

Halos mabitawan ko ang hawak kong cake at halos mawalan din ako nang balanse matapos marinig ang katagang iyon. Natawa ako sa sinabi niya, "Heh, you're joking right?"

Wala akong nakitang bakas sa mukha niya senyales na nagbibiro lang siya. "O baka naman nagkamali lang ako ng pandinig. What i've heard is wrong. Im just, just-- dreamin'"

Naglakad ako palayo sa kaniya at papunta sa lamesa para ipatong ang cake. Ipapatong ko na sana ang cake nang magsalita ulit siya. "Alex hindi na kita mahal. Meron na akong iba. Im sorry"

Natigil ako at doon nagsimula nang bumuhos ang aking luha. Ipinatong ko ng padabog ang cake na hawak ko na siyang ikinagulat ng mga kasama ko.

"No, that is not true," sabi ko at tuluyang humarap sa kaniya. Pinipigilan kong maluha at umiyak sa harap nila but i cant help but to let my tears fall down.

"Mahal na mahal kita Louise, anong problema? May mali ba sakin? Nasasakal ba kita? Pangit ba ako? Well, magpapaganda pa ako kung ganun. Mataba ba ako? Mapayat? Mabaho ba ang hininga ko? May putok ba ako? ANO!? Sabihin mo at babaguhin ko! Please! Ayako ng ganito" humagulhol na ako dahil pakiramdam ko ay sasabog na ang puso ko kapag hindi ko pa inilabas to."Louise hindi pa ba sapat" dagdag ko pa.

Lumapit ako sa kaniya at hinawakan ang mga kamay niya. Im glad, hindi niya iniiwas sakin. "Louise,"patuloy pa din ang pag iyak ko. Inilapit ko ang mga kamay niya sa pisngi ko at hinayaan ko na doon irest ang aking pisngi. "Babe, masaya tayo diba? Akala ko ba hanggang simbahan tayo? Babe mahal na mahal mo ko. At mahal na mahal kita. Huwag mo naman gawin sakin to. Please" pagmamaka awa ko sa kaniya. Nakikita ko ang mga mata niya na punong puno ng awa at nagpipigil din maluha.

Bigla siyang umiwas sakin at inilayo ang kamay niya saking pisngi. "Alex may iba na akong mahal! Hindi na kita mahal! Kalimutan mo na lahat ng memories naten! Ayaw ko na! Sawang sawa na ako sayo Alex! Lubayan mo na ako! ALEX! BREAK NA TAYO!" sigaw niya, na nagpakabog ng puso ko at nagpalala ng iyak ko.

Tuluyan akong nawala sa balanse ngunit inalalayan naman kagad ako ng mga kasama ko. Binawi ko ang sarili ko at tumayo ng tuwid. Hinawakan ko ang necklace na suot ko na binigay niya sakin nung first monthsary namin. Letter "L" pa ang pendant nito.

Kinalas ko ito at hinagis sa kaniya at sabay sigaw ng "Sayo na yang necklace mo! Ibigay mo sa pangit mong bago!"

Lumabas ako at tumakbo  palayo mula sa lugar na un. Patuloy pa din ang pag iyak ko at wala akong pakielam sa madilim na dadaanan ko. Ang gusto ko lamang ay makalayo sa lugar kung saan nawasak ang puso ko kasabay ng pagguho ng buong mundo ko.

~~
A/N: Hi hello. 👋 How's reading the prologue of my story? Sana ay magustuhan niyo.

Read. Vote. And comment.
Thank you💕

Alex and AlexisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon